Jenny's POV
Mga kaibigan ko ba yung mga tao? Sa tingin ba talaga nila aalis na ako. Na susuko na ako?
No. I will still fight... Until my last breathe.
"Ang OA niyo ha.. Patapusin niyo muna ako!"
Lahat naman sila natahimik. Buti naman. Ako yung may sasabihin tapos sila ang nagsasalita. Wow lang eh.
"Aalis tayo.."
And again, nagulat sila ulit.
"Aisssh! Wait laaaang. Papatapusin niyo ba ako o papatapusin?" Kaasar ha, di na ako nakapag salita ng maayos.
Tumango naman sila kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Mag outing naman tayo.. Sa Baguio. Diba wala tayong pasok sa Friday? I wanna go somewhere. Alis tayo Friday, Saturday and Sunday, tapos back to school na Monday. Game?"
Lahat naman sila nag ka-tinginan na parang nagiisip. Naks, na a-appreciate ko talaga yung pagmamahal nila sakin. Sobra, kase parang nagdadalawang isip pa sila na pumayag.
"Game ako, pero bawal ka pang lumabas." Akala ko game na game na si Greg. Meron palang 'pero'..
"You need to rest." Ayan na naman tayo eh..
"Magpagaling ka muna." Isa pa tong si Kevin, halos parehas lang ang sinabi niya dun sa sinabi ni Zac.
"Nag paalam ka na ba kila Tito?" Papayag naman sila eh, kaya dapat hindi na sila mag alala. Eto naman si Maya eh, parang di ako kilala.
"No." As expected, straight forward ang sagot ng pinsan ko. Ayaw niya kase gusto niya magpalakas muna ako. Eh, mas mababaliw at nanghihina ako na andito ako sa ospital.
"Kung ayaw niyo, mag so-solo flight ako. Choice niyo naman. Basta, aalis ako 2 days from now." Napasimangot naman ako dun sa mga sinabi nila. Ayaw ba talaga nilang sumama? Bonding lang naman eh, namiss ko kaya to, namiss ko sila.
"Sayang naman.. Baka last na to." Pabulong kong sabi sa sarili ko. Alam kong may sakit ako, kaya ang gusto ko sana, umalis kami at magpakasaya, at gumawa ng maraming memories. Alam ko din sa sarili ko na, hindi na talaga ako magtatagal. Nanghihina na ako. Agad napapagod. Pero, kailangan kong maging malakas kahit sa konting oras na meron ako at lalo na sa harap nila. Hindi naman ako sure na may mahahanap silang heart donor eh, kaya kailangan, live life to the fullest ang peg ko.
Shiz.. Ngayon palang na iniisip ko, hindi ko mapigilan maging emotional. Aisssh! Napaka sensitive ko talaga. Kaasar.
"Pwede niyo ba akong iwan magisa? Labas muna kayo oh.." Tinignan naman nila ako ng seryoso, na para bang sinusubukan nilang basahin ang nasa isip ko. "I'm fine.. Umuwi muna kayo, para makapag pahinga."
"Dito nalang kami..."
Ano ba iniisip nila? Magpapakamatay ako? Luh!
"Lalabas kayo, o ako ang lalabas? Uuwi kayo o ako ang uuwi?" Lahat naman sila tumayo at lumabas.. Naunang lumabas sila Greg, Kev at Maya.. Sumunod naman si Drew, pero may sinabihan niya akong wag magpapagod.
Pero eto si Zac.. Nakatayo lang sa harapan ko.
"Di ka lalabas?" Pagtataray ko sakanya..
Umiling lang siya at umupo ulit. Andito kase siya sa tabi ng kama ko, naglagay sila ng madaming upuan kanina, kaya ayan..
Tahimik lang kami at nagpapalitan ng tingin.. Pero bigla niyang binasag ang katahimikan.
"Please, wag mo kaming iwan." Bakas sa boses niya ang lungkot. At makikita mo sa mga mata niya
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?