Forever 41

32 1 0
                                    

Jenny's POV

Nung nag walkout si Maya, sinundan ko siya. Hinanap ko siya.

Sumunod din sila Hannah. Malamang mag so-sorry dun sa pang aasar nila kay Maya kanina.

Hay.

Alam naman nilang bad mood yung tao, aasarin pa nila. Yan tuloy nag walkout.

Nung nakita ko na si Maya, dahan dahan kaming lumapit sakanya. Hindi niya kami napansin, dahil busy siya.. May kausap na naman siya sa phone.

"Buko?" Narinig ko pa lang yun, biglang bumilis na ewan yung puso ko. Pero kinabahan din ako.

Buko... Jeff.

"Yung ganito?" Tanong pa niya dun sa kausap niya tsaka kinanta yung kanta ni Jireh Lim.

Im trying my best not to get emotional dahil sa kanta.

Dahil tanggap ko na.

Wala na kami. Yun na talaga yun.

Pero biglang nadurog ang puso ko nung tawagin niya yung pangalan nung kausap niya.

I wasn't expecting, my best friend would be talking to her about Buko. I mean... About Jeff.

"Abby, text mo nalang ako mamaya. Baka hinahanap na nila ako."

Abby...

Siya yung bagong happiness ni Jeff. Siya na, at hindi ako..

Lumingon si Maya, at mukhang gulat na gulat siya. Hindi niya siguro inaasahan na makikita niya kami.

I smiled at her.. At magsasalita na dapat siya, but I cut her off.

"Maya, may gusto ka bang sabihin?" Namumutla siya at para bang nag iisip siya ng sasabihin.

"Jen, kase...." She's hesitating. Which is totally not her. She doesn't hesitate that often.

"May tinatago ka ba sakin? Saamin?" Tinignan ko siya sa mata nung tinatanong ko siya. Pero iniwas niya yung tingin niya at yumuko.

Again.. Thats not like her.

May hindi tama.

"Maya." Seryosong tawag ko sakanya. "Look at me." More like nag de-demand ako. "Kung may tinatago ka, sabihin mo na sakin. You know that I love you, pero alam mo din na ayaw kong pinag tataguan ako ng mga bagay. I hate that." Ayoko nang mag paligoy ligoy. Naguguluhan na ako. Ang dami kong tanong sa sarili ko.

Bakit niya kausap si Abby?

Bakit nila pinag uusapan si Jeff?

Anong alam niya na hindi ko alam?

Bakit lagi siyang wala sa sarili?

"Jen.. Sorry." Hinawakan niya yung kamay ko at tinignan niya ako. Pero agad niya din iniwas ang tingin niya. "Si J--Jeff kase... Ano... U--uh, si A--Abby." Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. She's stuttering. At hindi niya maipaliwanag.

"You know what... Forget it." Iniwan ko sila dun at umalis. Shet. I feel so betrayed. Why can't she just tell me?

"Jen!" Tawag nila pero hindi ako lumingon.

I need time...

Para akong pinaglalaruan. Pinapaikot.

Tapos alam mo yung feeling na may alam ang kaibigan mo, pero ikaw mismo, walang idea sa mga nangyayare.

Pumunta ako dun sa mataas na lugar.. Kung saan mabato bato.

Gusto kong lumayo. Gusto kong mapag isa.. Siguro naman walang makakahanap sakin dito.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon