Jenny's POV
Nagising ako nung narinig kong malapit na kaming mag landing. Eto na! This is it, pancit!
"We are landing in a minute."
Wohooo! Andito na ako..
Maya maya lang, gaya ng sabi nila, nag land na nga yung eroplano na sinasakyan namin.
Dali dali naming kinuha ang gamit namin at lumabas sa eroplano. Pumunta kami dun sa waiting area for baggages, kase andun yung ilang boxes namin.
'Im baaaack...' Sabi ko sa isip ko.
Ang sarap sa pakiramdam na makabalik dito. Nakakamiss din. Kahit two months lang ako nawala.
Pagkalabas namin sa airport, dumiretso kami sa parking.. At andun na agad si Kuya Manong. Yung driver namin.
Sinalubong niya kami at tinulungan sa mga gamit. Wow! Saan nang galing tong van? Wala naman kaming ganitong sasakyan.. Baka nirentahan.
Pagkatapos lahat ng pagaayos, umalis na kami. Traffic pa naman daw.. Ano oras kaya kami makakarating sa bahay?
Since mukhang mamaya pa talaga kami makakauwi, makapag text na nga lang muna.. Ayaw ko din naman matulog, kase mas sasakit lang ang ulo ko kung laging na u-udlot yung pagtulog ko.
Hinanap ko agad yung pangalan ni Maya, at tinext siya..
To Maya:
'Gising ka pa?'
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa din reply. Masubukan na ngang itext si Greg.
To Greg:
'Wer ka?'
Gaya niya wala silang reply. Ano ba naman yan! Wala na silang time sakin, nakakatampo ha.. 2 months lang ako nawala, pinagpalit na ako.
Si Ken kaya? Magrereply na ba siya sakin?
Masubukan nga..
To KenNETH:
'San ka?'
Naghintay ako gaya kanina, pero wala din reply. Wow ha! Salamat talaga sa mga kaibigan ko. I appreciate it talaga.
"Andito na tayo.." Yess! Nabuhayan ako.. At last, nakauwi na din kami.
Ughh.. Bahala sila, dedmahan pala ah.. Edi hindi ko sasabihin na nakau-----
"Surpriseee! Welcome Back Jen.." Waaah?! 0___O speechless ako. Wala akong masabi. Andito sila.
Si Maya..
Si Greg..
Si Hannah..
Si John..
Si Fhey..
Si Ryan..
Si Kevin..
Ang team ganda ay kumpleto..
Pero ang team gwapo.. Kulang sila.
Wala si Ken.
So, galit siya? Hindi talaga siya pupunta?
Ouch ha.. Akala ko maiintindihan niya.
"Namiss ka namin." Lumapit sakin si Fhey, Hannah at Maya.. Damn, I miss them too. Pero nakakatampo lang na ang sarili kong best friend, hindi darating para salubungin ako.
Wait...
"Paano niyo nalaman?" Nagtatakang tanong ko sakanila pero ngumiti lang at tumingin sa tao na nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?