Jen's POV
Nalingat ako na nasa tabi ni Andrew.. Asan si Zac?
Lumingon ako ng dahan dahan, at nakita kong tulog sila.. Pero syempre, except sa driver.
Nakapikit si Drew na medyo nakasandal sakin. Si Ken, nakasandal sa bintana at nakapikit.
Tapos si Greg at Maya naman sa harapan namin ay nakasandal sa isa't isa.
Naks! Muling ibalik na talaga.
Si Zac... Nakasandal sa upuan pero naka lean siya sa side. Ewan ko kung natutulog ba siya o hinde kase hindi ko naman siya nakikita.
Paano na kaya sila Fhey?
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng sweater ko, at tinext siya.
To Fhey:
'Kamusta?'
Naghintay ako pero wala siyang reply. Baka nakatulog.
Tinext ko din sila John, pero wala din sila reply.
Hala, tinulugan nila si Kev.
Wala akong magawa dahil tulog naman halos yung mga kasama ko.. Kaya ginamit ko nalang yung phone ko.
Tumingin ako sa inbox ko.
Nagbasa ako ng mga old conversations. Throwback lang.
••FLASHBACK••
Buko ❤
Buko ang tawag namin sa isa't isa kase it stands for Buhay-Ko.. Tapos bagay din yung tawagan namin kase lagi naming pinaki-kinggan yung kanta ni Jireh Lim na Buko.
Ako: Gising ka pa?
Buko: Oo, hindi ako makatulog.
Halos gabi gabi, late kami matulog.. Lagi kaming nag te-text kahit kaka-kita palang namin sa isa't isa.
Eh ganun talaga, miss niya ako lagi. Wala akong magagawa dun.
Ako: Ah.. Ganun ba?
Buko: Oo, alam mo ba kung bakit?
Ako: Uh? Di eh. Bakit ba?
Hindi ko alam kung pick up line ba ang sasabihin niya o ano, pero go with the flow nalang ako.
Buko: Takbo ka kase ng takbo sa isip ko. Tapos binubulabog mo din ako sa panaginip ko.
Ako: Corny mo.
Asuuus.. Ang keso na naman niya.
Buko: Kinikilig ka na naman. Aminin mo, nakangiti ka ngayon..
Ako: Hindi kaya! Masyado ka. Baka ikaw nga diyan eh.
Sa totoo lang, kinikilig talaga ako. Abot tenga nga ang ngiti ko ngayon, pero syempre dapat ide-deny ko.
Buko: Nakangiti ka kaya.
Ako: Ang kulit mo.. Hindi ako nakangiti.
BuKo❤ is calling...
Wow naman.. As if, makikita niya ako kung nakangiti ako.
"Hi BuKo.." Bungad ko sakanya
"Aminin mo na." Para tong bata. Ayaw tumigil sa pangungulit hanggang aaminin kong nakangiti talaga ako.
"Hindi nga sabeee."
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?