Jen's POV
Naglalakad ako at hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Andito ako ngayon sa hintayan ng sasakyan. Mag t-taxi nalang ako. Di ko naman dala ang sasakyan ko, kase sabay sabay kaming pumunta dito. At ang tanging ginamit namin ay ang sasakyan ni Kev at Ken.
Masakit pa din ang ulo ko, malamang dahil di ako kumain ng maayos at dahilan na din siguro kase masyadong mainit ang araw.
*beep* *beep*
Napatingin ako at nakita ko sila Kev at Ken.. Yung mga kotse nila dito sa harapan ko. Bumaba si Maya at hinila ako sa loob. Ay edi wow! Kidnapper na pala sila.
"Aishhh! Sabing hindi pa ako uuwi. Ayo----" pinutol niya ang sasabihin ko ng takpan niya ng panyo ang bibig ko.
"Jen, wag ka muna mag conclude. Gagala tayo, hindi tayo uuwi. Hindi ka namin iuuwi." Tinignan ko sila at napasigaw.
"AYEE! Salamaaat world!" Binatukan naman ako ni Maya pero yinakap niya din ako. Tapos nagtawanan kami.
"Sa lakas mo ba samin lahat. Tsk." Komento ni Greg kaya natawa ako. Salamat naman at naiintindihan nila ako.
Ang gusto ko lang naman talaga ay maging malaya at masaya. Kasama ang mga taong mahal ko sa buhay.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanila habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Sekretong malupit. Tulog muna kayo. Medyo malayo pa ang pupuntahan natin, at matagal pa ang byahe." Sabi ni Ken at hininaan niya yung radio.
------
Greg's POV
"Mukhang knockout lahat." Sabi ni Kev habang kaming mga lalaki tinitignan sila na matulog.
Knockout din sila Fhey at Hannah sa kabilang sasakyan eh. Parang si Jen at Maya.
Jusko, daig pa nila ang lasing. Tulog mantika.
"Kanina pa natin sila ginising at hinihintay magising, pero nauubos na oras naten." Reklamo naman ni Ken na mukhang dismayado kase parang palpak ang plano.
"Buhatin nalang natin sila. Ayaw talaga gumising eh. Mukhang pagod silang lahat." Suggestion naman ni John.. Pero inasar ko siya.
"Gusto mo lang niyan maka chansing kay Hannah eh." Sabay kindat ko sakanya at dahil don ay nasapak ako sa braso. Letse.
"Tara na nga, kesa sa mga kotse tayo tatambay." Sagot naman ni Kev
"Ako na magbubuhat kay Jen." Sino pa nga ba? Edi si Ken, ang best of best friend.
Volunteered talaga eh. Kung wala lang talaga silang mga past, ishi-ship ko sila. Willing pa ako maging bridge at kupido sa dalawa. Kaso nevermind. Kahit hindi ako makialam sakanila, I don't think they see each other that way; in a romantic way.
"Sakin na si Maya." Tinignan naman nila ako ng nakakaloko. Bwisit mga to, malisyoso.
"Ako ng bahala kay Hannah." Well sino pa ba? One and only certified torpe ng barkada. Sarap pagtripan ni John.
Pano kase hindi pa niya maamin amin ang mga nararamdaman niya para kay Hannah, eh halata na din naman. Bahala siya pag naunahan ng iba. Goodluck!
"Iwanan nalang natin si Fhey." Biro ni Ryan sabay tawa kaso siya lang ang tumawa.
"Okay lang, sanay nako." Nagulat kami ng madinig naman ang boses ni Fhey. Paglingon ni Ryan, nakatayo na siya dun.
Ayan! Naghahanap ka ng gulo, edi yan. Nahanap mo din.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?