Forever 40

30 1 0
                                    

Maya's POV

Andito kami ngayon sa sakayan ng mga kabayo. Trip ko sanang sumakay, pero hindi ko rin masusulit, kase ang daming bumubulabog sa utak ko.

Nakokonsensya ako.

"Maya.. Kanina ka pa balisa." Komento saakin ni Kevin. Shet, obvious kaya?

"Hindi kaya." Sabay irap nalang din ako para hindi na niya ako tanungin.

"Hindi ka sasakay?" Tanong naman sakin ni John kaya umiling ako.

Baka kase mahulog ako, tapos walang sasalo.

Eh, ang ibig kong sabihin... Baka mahulog ako, kase wala ako sa tamang pag iisip, dahil lutang ako.

"Ang KJ mo!" Sigaw sakin ni Fhey kaya inirapan ko siya ng matinding-matinde! Aba, sigawan ba daw ako?

Edi wow!

"Yaya, ang daya." Putek! Eto na naman ang pang aasar ni Hannah. Bwisit. Ginawa pa akong yaya.

"Shut up." I rolled my eyes on her with matching irap. "Its Maya not Yaya." Tsk.

"Oy.. Tigilan niyo yan." Phew! Buti nalang meron pa palang nakaka intindi sakin na ayaw ko. At meron pa din palang ma-- "Wag niyo nang asarin si Mama." Ugh! I take back what I said. Walang nakakaintindi. Akala ko pa naman kakampi ko si Ryan.

Bwisit! Nakakaasar ah. Wala na nga ako sa mood at madami pa akong iniisip, makikisabay pa.

Inirapan ko sila tsaka nag salita. "Bahala nga kayo diyan.." Sabay walkout.

Tsk.. Saan kaya ako pupunta? Kung buma-----

Unknown's Calling...

"Sino to?" Bungad ko.

"Si Abby to... Umuwi na kami. Ayaw sa hospital ni Jeff." Hay nako! Kaya bagay sila ni Jen eh, ayaw sa hospital. Para bang nakaka-kita sila ng mga bagay o tao, na sila lang ang may idea.

"May sakit pa din ba siya?" Tanong ko naman sakanya. Kase abnormal nalang siya kung umalis siya tapos hindi pa tuluyan na magaling.

Duh! Kailangan kaya siyang tignan ng mga doctor. Para umayos ang kalagayan niya

"Hindi. Nag lock agad siya sa kwarto nung pag dating pa lang namin dito sa bahay niya. Ayaw kumain. Ayaw uminom ng gamot. Ayaw din akong kausapin." Lintek! Anong kaartehan?

Haha, joke lang.

Baka ganyan lang talaga siya, at wala siya sa mood.

"Hinahanap pa din ba niya si Jen?" Kung oo, hindi na akong mag dadalawang isip na sabihan si Jen. She needs to know. Kahit wala na sila, alam ko na she still cares for him. In fact, she still loves him.

And right now.. Kailangan siya ni Jeff.

"Simula kanina, hindi na siya umiimik. Hindi niya tinatawag si Jen. Pero meron kakaiba..." Tumigil siya at para bang nag isip. "Paulit ulit niyang pinaki-kinggan yung mga kanta ni Jireh Lim."

Magkabilang Mundo?

Pagsuko?

Oh baka naman......

"Buko?" Tanong ko sakanya pero parang hindi niya alam yung kanta.

"Alam mo yung kanta?" Nagtatakang tanong niya. Pero syempre, malamang! Lagi ako naiirita sa kantang yun eh. Kase halos araw araw kong naririnig sakanila ni Jen at Jeff. Ang corny pa! Pero sweet din at the same time. Cute nga eh.

Pero to be honest, hindi nakakasawang pakinggan yung kantang yun.

Pero sekreto lang na sinabi ko yun ah. Mahirap na.

"Yung ganito ba....?" Tanong ko sakanya tapos kinanta ko chorus.

"Oo yun nga! Pero.... Meron pang iba. Yung ganito..." Kinanta niya din yung chorus nung sinasabi niyang isa pang kanta ni Jireh Lim. "May pag asa pa ba? Kung susuko ka na? Larawan mo ba'y lulukutin ko na? Sa hirap at ginhawa... Tayo ay nag sama. Tila damdamin mo'y napagod na. Ikaw at ako ay alaala nalang, kung susuko ka na...."

Shet... Wag naman sana. Pleaseee.

He can't give up.

He shouldn't.

"Abby, text mo nalang ako mamaya. Baka hinahanap na nila ako."

Pinatay ko na yung tawag at pag lingon ko, nakita ko sila Jen...

Nasa likod ko sila..

Narinig kaya nila?

"Kani----" pinutol ni Jen ang sasabihin ko at nagsalita.

Shet. Please, wag.....

"Maya, may gusto ka bang sabihin?" Oh please... Ang hirap mag decisyon.

Sasabihin ko ba?

Oh... Anong sasabihin ko?

"Jen kase..." Sana lamunin na ako ng lupa ngayon din. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Someone please help...

"May tinatago ka ba sakin? Saamin?"

I guess its time to tell them.

Kanina konti lang sa alam ko... O sa nangyayare ngayon.

Jeff, sorry... My best friend needs to know something.

Jen, sorry... Kailangan kong mag tago ng mga bagay.

Para sa ikabubuti niyo.

You guys don't deserve this...

•••

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon