Drew's POV
Nung nanonood kami nang basketball, nagpaalam sila Maya at Jen.. Hinayaan na namin sila baka gusto nilang mag solo. Pero matagal na magmula nung umalis sila.
San ba sila pumunta?
Yung pinsan ko talaga, sobrang gala.
Haaay..
Maya maya lang, natanaw na namin si Maya pero wala si Jen. Agad naman tumayo si Jeff at linapitan si Maya.. May pinagusapan sila pero naman namin alam dahil masyado silang malayo para marinig namin. Tsaka madaming tao, masyadong maingay.
"Wala si Jen?" Tanong ni Ken sakanya kaya nagtaka kami. Sila ang magkasama kanina. So expect namin, magkasama sila babalik.
"Akala ko andito na siya. Hinintay ko siya dun, dahil bibili daw siyang isaw, bbq tsaka hotdog."
Agad naman napailing si Zac at natawa si Greg.
"Kakaiba talaga." Sagot nila, kaya natawa din ako.
"Tara, puntahan natin. Baka san na yun napadpad." Sabi naman ni Hannah kaya eto kami umiikot ikot dito sa mga tao. Masyadong madaming nanonood eh, kaya mahihirapan kaming mahana---
"Subukan mo siyang saktan, at mahahanap mo ang hinahanap mo." Alam kong si Jeff ang narinig ko kaya tinawag ko sila Kevin at sinundan kung saan ko narinig yung boses.
And there we found a group of guys, mukhang maangas at mayayabang. Mukha lang naman, kase parang wala silang binatbat.
But on a serious note, I admire how Jeff protects Jen. Parang walang makakasakit sakanya, dahil lahat muna ay dadaan sakanya bago kay Jen. Ni lamok nga yata hindi makakalapit sa pinsan ko eh, dahil sa sobrang protective ni Jeff.
I may not have seen their love story, but from what I see right now..... I could say that they're both lucky that they have each other. And that they love each other truly and wholeheartedly.
These two are for keeps. Keeper ang mga to. Hindi dapat pinapakawalan. Kaya sana, may isa pang paraan para maging sila ulit. I would hate to see them cry and suffer just because they can no longer be together.
I really think, they are meant to be. Actually, they are meant for each other. And I'm sure of that.
-------
Magsisimula na ang bet in 3 minutes. Nandito kami sa kabilang side habang nasa kabila naman yung mga asungot.
Hannah and Fhey are sitting on the bench quietly, probably thinking about the bet. Kinakabahan siguro sila dahil if ever matalo sila Zac, ay may date sila sa mga yun.
Si Maya naman ay busy don, kinakausap sila Ryan, siguro sinesermonan niya yung mga yon. O kaya naman ay binabalaan niya sila.
Pero si Jen... Tulala lang siya. Anong iniisip nito? Pag eto ganito, paniguradong hindi maganda.
Umupo ako sa tabi niya at nagtanong. "Inaatake ka ba?" Napatingin naman sila Fhey at Hannah at mukhang nag aalala sila.
"Jen, wag kang mag alala, di ka magiging girlfriend nung palakang yun."
"Tsaka mananalo sila Ken. Wag kang mag isip masyado."
Napaka supportive talaga ng mga kaibigan ng pinsan ko. I am happy to see that they got each other's back anytime, anywhere.
"Oh, dali na." Bumalik dito sa bench si Maya habang nakasunod naman ang mga lalaki.
"Andrew, di ka maglalaro?" Tanong ni John kaya umiling ako.
"Ha? Bakit??" Tanong naman ni Ryan na hindi makapaniwala.
"Di ko trip." Natahimik naman sila pero yung katabi ko ay natawa.
Nasisiraan na talaga ang pinsan ko.
Habang tumatawa siya, may mga luhang bumagsak sa pisngi niya. Pero yumuko siya at pinunasan niya kaagad yun.
"Oh, basta! Pag kayo natalo, malilintikan kayo saken." Pambabanta ni Maya kaya nag kunwareng mga pulis sila Ken, at nag salute. At dahil don ay natawa sila Hannah at Fhey.
"Game na!"
-----
Nakaupo kami ngayon sa side, habang nanonood. Si Kevin ay naghihintay para makapag sub sa isa sakanila.
Kev|Fhey|Hannah|Maya|Jen|Ako
Lamang nang 7 points ngayon sila Jeff, pero may napapansin ako. May hindi tama. Magulo.
"Ah!" Napatingin ako agad kila Jen dahil sa naging reaction nila. Sinundan ko naman ang tingin nila at nakita ko na nakaupo sa sahig si Greg.
"Tayo wuy!" Agad na sabi ni Maya kaya tumayo kaagad si Greg at kumindat dito.
Pft.
The moves niya.
Ngayon naman 5 puntos nalang. Pero sa nakikita ko, nagiging madumi na ang laro.
Tumayo si Jen tsaka pumunta sa court kaya sinundan ko siya.
"Tama na. Itigil niyo na to." Seryoso niyang sabi pero nag smirk lang yung kabilang team. Habang sila Zac naman ay nakatingin nang masama sakanila.
"Wag ka munang excited. You'll be mine after this game."
Sa totoo lang, kanina ko pa gustong basagin ang pagmumukha neto kaso nagtitimpi lang ako. Dahil hindi ako baba-ba sa level nila para lang makaganti.
Pero ngayon... I've had enough.
Ubos na ang pasensya ko.
"Sub Greg." Si Greg ang pinili kong palitan muna dahil kanina ko pa napapansin yung kamay niya.
Malamang ay nabigyan niya ito nang sobrang weight kaninang bumagsak siya.
Tsk.
"Bumili kang yelo." Bulong kong sabi sakanya pero tinap niya lang ang shoulder ko.
Isa din tong matigas ang ulo ha. Hindi nakikinig. Sabagay, magbabarkada nga pala sila. Kaya malamang ay meron silang at least isang bagay na in common.
And now I can see na iyon ay ang katigasan ng ulo nila.
"5 minutes break." Sabi ko sakanila at sineniyasan ko sila Zac na lumapit sakin.
"Madumi ang laro." Panimula ko.. "Kaya lilinisin natin. Pass, pass, dribble, pass, drive, fake, pass, shoot." Pagpapaliwanag ko sa plano.
Hindi pa yan in details pero alam na nila ang ibig kong sabihin.
"Kung gusto nila nang laro. Edi maglaro."
No one messes with my cousin. And if someone ever does, humanda sila.
If they want to play a game, well then... We'll show them how this game is supposed to be played.
"Score: 36-31.... 3. 2. 1. Continuation!."
Laro pala ha. Tignan nalang natin ngayon.
•••••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?