Jenny's POV
Simula kanina, nag papabalik balik ako ng lakad dito sa kwarto ko. Oo, nakauwi na ako, at dahil yun sa pangungulit ko kila Papa at Mama na payagan ako.
"Ate, bumaba ka daw." Sabi naman sakin ng kapatid kaya sumunod ako sakanya.
Sumalubong naman agad sakin sila Maya.. Wow, complete attendance! Like, as in complete kami.
"Anong meron?" Tanong ko sakanila tsaka ako sa tumabi kay Greg.
"Reunion." Maikling sagot naman nilang lahat. Bakit hindi ako informed? Tsaka, wala naman nakahandang pagkain. Sayang, dapat nagluto ako.
Ay si Zac... Di pa pala si----
"Jen.. Andito na ako, ta----" Napalingon naman ako sa pintuan nung narinig ko siya. Just in time.
"Good timing Zac.. Reunion daw." Tumayo ako at hinila siya papalapit sa iba.. Agad naman siyang binatukan at sinuntok ng pabiro nila Kev, Ryan, John at Greg. Si Ken, as usual wala lang. Ano ba? Di ba niya namiss ang isa pa niyang best friend? Yinakap naman niya sila Fhey, Hannah at Maya.. Pagkatapos nun ay tumabi siya sakin at bumulong.
"Uminom kana ng gamot?" Tatango na dapat ako, kaso agad niya akong tinignan ng masama kaya napailing nalang din.
"Kukuha lang kami ng snacks at drinks.. Wait lang." Hinila naman ako agad ni Zac at kinaladkad sa kusina namin.
"Drink your meds. Or walang Baguio Trip." Aisssh! Alam naman niya na hindi ako umiinom ng gamot, dahil ayaw ko.
"Yes Sir.. Sorry naman, di ko napansin ang oras. Nakalimutan ko." Napasimangot ako habang hawak ko yung gamot.
"Bilisan mo.. Makikita ka nila." Nagulat nalang ako nung nainom ko na yung gamot. Siguro natakot ako na mapansin nila Ken.
"Tara na.. Baka makahalata." Gaya ng sabi niya, bumalik kami sa sala pero nakakailang ang tingin nila saamin.
May ginawa ba kami?
Tinignan ko naman si Zac na mukhang nagtataka din.
"Asan na yung mga snacks?" Tanong naman ni Ryan na kunyare nakasimangot na gustong ngumiti, pero parang may ibang iniisip.
"Tsaka yung drinks?" Sabi naman ni John..
Ano ba tala----
Ay shiz! Yun nga pala yung excuse namin kanina. Pakshet, bakit ang bagal ko ngayon?
"May sekreto ang dalawa." Narinig kong bulong ni Fhey sakanila.
"Nagbago isip ko.. Lets all eat outside." Bigla naman nag ka sparkle ang mga mata nila Fhey, Hannah, at Maya.. Habang napangiti naman ang mga lalaki.
Except for Ken..
"Game."
------
Nagpaalam ako kila Mama na aalis lang kami at kakain sa labas kaya pumayag naman sila. But as expected, kailangan wag daw ako mapagod.
Isasama ko din sana si Drew, kaso wala daw siya sa mood. Mukha nga eh, ang tamlay niya.
Mamaya ko nalang siya kakausapin.. Mukhang kailangan din niya ng oras na magisa.
"Lets go.."
Paglabas namin sa bahay, napatingin ako sa sasakyan na dala nila.
Dala ni Kev yung kotse niya.. Dala din ni Maya yung sakanya. Pati din si Zac.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?