Jen's POV
Grabe ang mga kaibigan ko. Ang galing nila magpaiyak.
Todo effort sila. Inadvance pa talaga yung Magical Night Dance. Well wala naman kaso saken yun eh. Ayos lang kahit hindi ko maranasan to sa school, kase makasama ko lang sila, ayos na. Sapat na yung sama sama kami.
"Oraaayt, lets get this starting!"
Bigla nalang nag play ng music tapos ayun nagsimula na.
"May I have your first dance?" Dinig kong tanong ni Greg kay Maya. Kaya napatingin ako sakanila.
Kitang kita ko ang reaksyon ni Maya at alam ko sa ngiti at mga mata niya, na masaya siya kasama si Greg. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw pa niyang ipakita at iparamdam kay Greg iyon eh.
They look cute together.
Napatingin naman ako sa other side at andun si Hannah at John. Grabe, makikita mo na talaga na gusto nila ang isa't isa, at gusto nila maging official, pero may pumipigil sakanila.
Takot. Yun ang pumipigil sakanila. Si John, takot mag confess at magtanong. Si Hannah, takot mag risk kase ayaw niya masaktan.
Well I guess, pagdating nalang ng araw... Pero sana hindi pa huli ang lahat para sakanilang dalawa, kase nakakapanghinayang.
Pagkatingin ko naman nakita ko si Kevin tsaka si Fhey na naguusap pero hindi sumasayaw.
At kahit andito man ako na medyo malayo sa pwesto nila, nakikita ko yung pasulyap sulyap ni Fhey kay Ryan.
Eto naman si Ryan, busy sa phone niya. Katext niya siguro si Kyla, yung liniligawan niya; yung taong gusto niya. Siya yung balak na tatanungin ni Ry para sa Magical Night sa school.
I feel bad, kase alam kong nasasaktan si Fhey dahil doon, kaso ano bang magagawa namin? Yun ang sinasabi ng puso ni Ry, at yun ang gusto niyang sundan. Susuportahan namin siya kahit ganon pa man.
Sayang kase akala ko sila ni Fhey ang magkakatuluyan, yun pala one sided love. Pero ayos lang yan... Ganyan talaga eh. At least may masasandalan siya.... Si Kev.
Panigurado akong hindi siya papabayaan ni Kev, dahil siya mismo alam niya yung feeling ng ganon. Yung masaktan dahil nagmahal.
Patapos na ang kanta at balak ko sanang lapitan si Ken na nakaupo lang sa pool side kaso hindi ko na ginawa. Pinagmasdan ko lang siya na nakatulala.
Iba din tong bestfriend ko eh. Mahal pa niya pero ayaw niya nang subukan ulit. Buti pa nga siyang may second chance eh. Pero hindi ko naman siya masi-sisi kase nasaktan at naiwanan siya ng taong mahal niya.
Siguro pag handa na siya ulit. Naniniwala naman ako na magiging maayos din ang lahat.. Everything will fit in its right place once the time is right. Tiwala lang.
"Oraaayt, now for our second dance.."
This time.. si Greg ay kasama si Hannah, tapos si Kev kasayaw na niya si Fhey. Si Ryan at John ayun naguusap. Pupuntahan ko sana si Ken kaso tumayo si Ken at inaya si Maya kaya napangiti ako. At least ngayon, naging close na din sila. Kahit papaano nakikita kong nagbabago ang sinasabi nila na sakin lang umiikot ang grupo.
Well, I like it this way. Saamin umiikot at hindi lang sakin. Kase paano na yun kung mawala ako? Hindi ko hahayaan na pati ang pinaghirapan namin buoin ay masisira nalang ng ganon.
"May I have this dance?"
"Ay palaka!" Sa sobrang pre occupied ko hindi ko na napansin na may tao na pala sa harapan ko. Masyado akong busy sa pagtitig sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?