Kenneth's POV
Naglalakad kami ngayon sa mall, at ewan ko kung saan ba kami pupunta.
Sumama ako kay Maya para sana mag sorry, pero hindi ko naman siya makausap kase di ko alam kung paano simulan.
"Ken...."
"Ken..."
Sunod sunod kong narinig ang pangalan ko.. At sa boses pa lang, alam ko na kung sino yun. Kilalang kilala ko yung boses na yun.
Yun ang boses na nang-iwan sakin. She's the one who hurt me for quite a long time. Siya... Siya ang sumugat sa puso ko. And sadly, she left a scar.
Ang sakit. Sh!t...
"Ken...."
"Ken..."
Patuloy pa rin siya pagtawag sakin, pero hindi ko yun pinapansin. Hindi ko alam kung nasan siya pero alam kong malapit siya.
Wala akong oras sakanya.. Not anymore. Iniwan niya ako? At ngayon babalik siya?
Napapansin kong naririnig din ni Kevin at ni Maya yung boses niya... Si Maya nga palingon lingon eh. Tapos si Kevin, nakangisi lang siya, dahil malamang alam niya kung sino yung tumatawag sakin..
"May naririnig ba kayo?" Biglaang tanong ni Maya nung hindi siya nakatiis dun sa boses na yun.
"Uh..." Panimula ni Kevin at saktong tinignan niya ako kaya umiling ako.
"Baka guni guni mo lang." Sagot ni Kev..
Pero mukhang hindi talaga convinced si Maya..
This needs to end....
Kaya binigyan ko ng signal si Kevin na ayain si Maya sa arcade at susunod nalang ako, kase may kailangan akong tapusin.
Nagpaalam akong pupunta ako sa restroom, kahit hindi naman.. Kailangan ko lang lumayo sakanila, dahil ayaw kong madamay sila o palakihin ang gulo na ito.
Hindi ko na sila hinintay umalis, ako na mismo ang lumayo.. Alam ko naman na susunod siya sakin. At ramdam ko na malapit lang siya..
Kase hanggang ngayon, parehas pa rin ang epekto niya sakin. She can still make my heart beats faster. Pero, hanggang dun nalang yun. Mas nangingibabaw ang galit sa puso ko.
Dahil iniwan niya ako.
Lumabas ako sa mall, at pumunta malapit sa parking lot. Mas maganda na dito kami magusap, para walang makarinig.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sakanya..
Nabigla naman siya dun sa mukhang pinakita ko. Poker face lang. Seryoso pero nakatitig sa mga mata niya. Di niya siguro expect yun.
"Ken... I missed you." Panimula niya at lumapit sakin para yayakapin, pero bago pa siya nakalapit ay umaatras ako papalayo sakanya, na mismong ikinagulat niya.
"Bakit ka pa bumalik?" Malamig kong tanong sakanya..
"I'm here for good.. Magkakasama na ulit tayo." Dahil sa sinabi niya, napangisi ako.. Really? Dito na siya?
"Hate to admit it, I'm speechless.. Kahit di ka na bumalik, okay lang. Di ko napansin na matagal kang nawala." Hanggang ngayon, pinipilit kong maging seryoso at galit, kahit deep inside, I wanna hug her. Cause I miss her so much.
"Ken... I get it if you're mad, and I can't blame you, nor point my finger at you. Iniwan kita sa ere, and I know that I've hurt you. But, please... Let me explain." Tss.. Ngayon pa siya magpapaliwanag, kung kailan huli na ang lahat? Just wow! Iniwan niya ako, and after a year and so, babalik siya ng basta basta..
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?