Forever 35

24 2 0
                                    

Jen's POV

Pumasok kami sa loob, at nakita ko si Drew na nagluluto sa kusina.

"Kanina ka pa gising?" Lumingon naman siya saamin at tumango siya.

"Medyo.. Kaya nagluto na ako ng breakfast."

Lumapit ako tsaka tinignan ang niluluto niya, tsaka ko siya tinignan..

Sabi na nga ba eh. Puyat siya. Or better yet, hindi siya natulog.

"Tulog pa ba sila?" Tanong ko sakanya at tumango lang siya. Ang tamlay niya talaga. Hindi ako sanay na ganito siya.

Sinabihan ko siya na tutulungan ko siya magluto kaso, sabi niya samahan ko nalang daw sila Maya. So andito kami ngayon sa kwarto at nag aayos ng gamit. Para ready to go na mamaya.

Nag uusap usap kaming lahat tungkol sa Magical Night Dance. Sila Hannah at Fhey kase ay involved dun sa grupo na nag o-organize nung fundraise.

"Ano ba yung theme nun?" Tanong naman ni Maya sakanilang dalawa.

"Masquerade ball." Napangiti naman si Maya, meaning gusto niya yung theme.

"Good. Hidden ang face ko." Tsk.. Baliw talaga to. Ang ganda ganda niya, tapos tinatago niya.

"Ano yung motif?" Tanong ko naman sakanila..

"Light colours.." Sagot ni Fhey habang ang sinabi ni Hannah ay.. "Basically, parang disney princess.. Blue, Pink, Yellow, Red, Green (Turquoise), basta ganun."

Naks! Exciting to ah.

Nag usap usap pa kami tungkol sa damit na isusuot namin, kung anong gagawin sa buhok..

Pag uusapin din dapat namin yung mga escorts/partners/date, pero buti nalang tinawag na kami ni Drew.. Kakain na daw, kase aalis na din kami maya maya.

Woo! Lifesaver talaga siya.

Paupo palang kami ng tumunog yung phone ko.

Tinignan ko naman yung phone ko at nakita ko yung text ni Zac.

From Zac:

'Nasa labas kami.'

"Wait lang.." Paalam ko kila Drew tsaka ako lumabas at binuksan ang gate.

"Kakagising mo lang?" Agad na tanong ni Zac sakin.

"Hindi.. Kanina pa." Sagot ko sakanya, tsaka ko tinignan sila Ken.

Wow ready na sila ah.

"Pasok kayo."

-----

Andito kaming lahat sa kusina at kumakain. Hindi pa daw sila kumakain kaya makikisabay sila samin. Ang plano dapat ay, mag t-take out nalang kami bago mag byahe, pero nagbago daw ang isip nila, kaya dito nalang sila pumunta.

So ang pwesto nila ay

Ken || Kevin || Fhey || Ryan
Greg || Maya || Hannah || John

Si Drew, umakyat sa taas. Maliligo muna daw siya.. Tsaka busog pa daw siya kaya mamaya nalang siya kakain.

Tskk. Busog? Hindi pa nga siya kumakain eh.

Ako naman andito sa counter top.. Katabi ko si Zac. Dito nalang kami kumain. Malapit pa din naman kami kila Maya pero since kulang ng space, dito nalang ako, sumama lang si Zac.

"Naka pajama pa talaga kayong 4 ha." Komento ni Greg saamin.

"Paki mo?" Mataray na tanong ni Fhey sakanya, habang ako naman ay dinedma siya. Also, Maya rolled her eyes on him, tapos si Hannah, walang pakiealam.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon