Forever 46

38 1 0
                                    

Zac's POV

Gustuhin ko man sumama sakanila para tignan kung okay lang si Jen, ay hindi ko magawa. Kung sana may dala lang akong sasakyan.

"Zac, ano bang nangyayare?" Nagtatakang tanong nila Fhey.

Alam kong wala silang alam sa kalagayan ni Jen dahil ayaw naman niyang ipaalam. Ayaw na ayaw niya kase na may nagaalala sakanya.

Tsk.

"May sakit si Jen." Theres no point in keeping it a secret anymore. Because sooner or later, they will know about it. And plus, they deserve to know.

Alam man nila o hindi, magaalala pa din sila. Kase ganun ang mag kakaibigan.

"Anong sakit?" Nagtatakang tanong nila kaya napag decisyunan ko na sabihin ang lahat.

Wala man siguro ako sa tamang position na sabihin ang kalagayan ni Jen, siguro naman tamang panahon na ito para malaman nila.

Matagal na kaming magkakaibigan. At sa tingin ko, ito na ang oras para sabihin sakanila. Para hindi na rin sila ma out of place sa mga nangyayare.

"Heart problems. Mahina ang puso niya." Mukhang nagulat sila dahil wala ni isa ang nagsalita. "Simula pagkabata pa. Inaatake siya ng sakit palagi, pero tinatago niya."

Bigla ko nalang nakita na naluha sila Fhey at Hannah, pero agad nilang pinunasan.

"Sira talaga si Jen.. Bakit niya itatago?" Sabi ni Fhey na para bang nagtatampo dahil ngayon lang niya nalaman.

"Iba talaga siya." Komento ni Ryan na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

"Puntahan natin siya.." Suggest ni Hannah at parang on cue na tumunog ang phone ko.

Maya's Calling..

Agad kong sinagot at linagay on speaker para madinig din nila.

"Kailangan kayo dito. Itetext ko ang lugar."

Hindi na ako nakasagot dahil pinatay na niya yung call. At agad naman akong naka receive na text.

"Tara.. Mag commute tayo."

------

Jen's POV

Nalingat ako sa isang kwarto, pero hindi akin. At sa unang tingin palang alam ko na kung nasaan ako.

Maya maya lang ay may nurse na dumating.. Tapos agad siyang tumawag ng doktor.

"Doc! Doc!" Medyo natakot ako. May nangyare ba sakin?

Agad naman pumasok ang isang doktor, at linapitan ako. Ang dami niyang chineck. At habang nagsasalita siya, nagsusulat naman yung nurse.

"Asan ang mga magulang mo ija?" Mahinhin na tanong sakin nung doktor.

"Nasa bahay po." Sa pagkakaalala ko kase, nasa Baguio kami.

"Kailangan ko kase silang makausap tungkol sa kalagayan mo. Paano ko ba sila ma co-contact?"

"Nasa Pampanga po sila, may outing lang po kaming magkakaibigan."

May mga sinabi pa yung doctor at nakapag decide siya na ako nalang ang tatawag kila Papa.

Kaso ayaw ko muna silang papuntahin dito. Kakausapin ko muna ang mga kaibigan ko.

Maya maya lang ay pumasok si Drew, Kev at Ken... Tapos sumunod naman si Greg at kasama niya si Maya... At Jeff. Kaya napangiti nalang ako.

I miss him. I miss seeing him.

Pero nagulat ako nung nag walkout si Maya.

"Ma---" tatayo dapat ako para habulin siya kaso sumunod na si Greg sakanya.

"Magpahinga ka muna." Sabi sakin ni Drew kaya wala akong magawa kung hindi sumunod.

Habang nakahiga ako.. Pinagmamasdan ko lang sila. Habang sila naman ay nagpapalitan ng tingin.

"Pwede bang iwan niyo muna kami ni Kev? Maguusap lang kami."

Lumabas sila at lumapit naman si Kevin sakin. Umupo siya sa upuan kung nasaan si Drew kanina.

"Anong meron?" Nagtatakang tanong niya sakin kaya nginitian ko siya.

"Hello." Bati ko sakanya. Alam kong mukha akong tanga o baliw pero wala akong pake.

"Jen, tigilan mo yan. Kinikilabutan ako sa ngiti mo." Tignan mo to, ayaw sumunod sa flow.

Sige na nga mag seseryoso na ako.

"Kev, wag mong hahayaan na mawasak ang barkada." Napatingin naman siya sakin tsaka umiling.

"Jen, hindi ko alam. Pero sa opinion ko, mawawala ang barkada, once mawala ka." No. That can't happen.

"Ang isang barkada, hindi lang umiikot sa isang tao. Dahil lahat ng miyembro ay may position. Lahat ay kasama. Sakanila, umiikot ang samahan nila."

Alam kong ganun ang tingin nila sa barkada namin. Pero para sakin, hindi siya ganun. Dahil kung gusto mo talagang magtagal or wag mawala ang isang bagay, gagawa ka ng paraan. Pero pag ayaw mo naman, madami ka talagang mahahanap na dahilan.

"Pag nawasak ang grupo parang nawasak na din ang puso ko."

This means a lot to me. They mean a lot to me. Ayaw ko man silang iwan pero kailangan. Kaya ang tanging gusto kong mangyare ay hindi mawasak ang pagka-kaibigan nila.

Because that will kill me over again.

"Bakit sakin mo binibilin ang barkada? Andyan ka naman tsaka di mo naman kami iiwan. Sila ano an----" pinutol ko yung sasabihin at ako ang nagsalita.

"Paheras nating alam na mahina na talaga ako." We both let our a sigh, tapos nagsalita ulit ako.. "Ikaw... kase alam kong hindi ka susuko. Na hindi mo sila susukuan. Dahil alam ko na hindi mo sila pababayaan. Ikaw ang naging kuya namin Kev. Ikaw ang referee namin. Madami pa akong dahilan. Pero higit sa lahat, gusto ko na makita mo ang happiness at magmamahal na dati mo pa hinahanap. At di ka matatakot dahil alam mong hindi ka nila iiwan gaya ng iba." Kung pwede lang nga akong maging Ms. Cupid, ginawa ko na eh. Para maging masaya siya. Pero parang hindi mag wo-work dahil nasa iba ang atensyon ng babaeng gusto ko na para kay Kev.

Hindi man nila nahahalata pero gustong gusto ko na sila ang magkatuluyan. In fact, sa barkada namin... Madami akong gusto magkatuluyan. Because I think they're the one thats meant for each other.

Binigyan ko siya ng time para mag isip. Kase nag po-process pa yung mga sinabi ko sakanya.

Puro katahimikan lang ang naririnig ko, hanggang sa sirain niya ito at nagsalita.

"Nag papaalam ka na ba?"

Hindi ako agad nakasagot dahil kahit ako ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung mag su-survive pa ako, or kung wala na talaga.

"Maybe this is my only chance to talk to all of you. Kaya nagbibilin na ako. Kase malay natin, this is the end."

Ayoko mag conclude na wala na nga, pero kailangan kong maging handa. Lalo na sila.

Iniisip ko palang na mawawala ako at hindi ko sila makakasama ay nadudurog ang puso ko. Pero kailangan kong kumapit hanggang dulo. Dahil hindi ko sila susukuan. Hanggang kaya ko pa, lalaban ako. Hindi lang para sakin. Eto ay para saamin.

Para sa pamilya ko.

Para sa mga kaibigan ko.

Para kay Jeff.

Lalaban ako hanggang dulo..

••••

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon