Forever 54

29 2 0
                                    

Fhey's POV

Lumabas muna ako para magpahangin. Masyadong mainit sa loob.

Sumisikip yung dibdib ko at sumasakit yung puso ko.

Parang kinukurot or sinasaksak.

Bakit ba kase nahulog pa ako?

At sa dinami dami pa ng mga lalaki, sakanya pa talaga!

Ughh

Ganito ba talaga?

Ang hirap kase eh.

"Putek! Ang manhid mo kase!"

Kinuha ko yung bato at dapat ay ibabato ko sa daan. Pero nung itatapon ko na, may bigla pumigil saken.

"Opss, tama na yan." Binaba niya yung kamay ko at yinakap. "Stop hurting yourself." Linayuan ko siya kase naa-asar ako.

"Sino ka ba? Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?" Sa sobrang sakit na ng damdamin ko, yun ang lumabas sa bibig ko. "Sorry, di ko sinasadya."

Lumayo siya at nag taas kamay na para akong isang pulis.

Gago talaga to. Nasasaktan na nga ako, nakuha pang magbiro.

"Sa sobrang sakit, di mo na kinakaya, try mong ilabas."

Sa sobrang hiya ko, uminit yung mukha ako. Panigurado ang pula ko na.

"Walaaaa."

Naglakad ako pabalik sa bahay, kaso nagsalita siya...

"Si Ryan?" Napatigil ako nung binanggit niya yung pangalan niya. "Siya yung dahilan diba?" Hinarap ko siya at nakita siyang nakangiti. "Mahal mo siya, pero may iba siyang liniligawan. For the fact na ikaw pa ang tumutulong para makuha yung taong gusto niya." Dahil sa mga sinasabi niya, tuluyan nakong naiyak.

"Walangya Kev! Pinapaiiyak moko." Lumapit siya sakin at yinakap ako.

"Kung sisihin moko, parang ako yung taong na-nanakit sayo." Tinap niya yung ulo ko at tumawa. "Gusto mo starbucks?"

Hindi na ako tumanggi at tumango nalang.

Hinila niya ako papunta sa sasakyan niya at pinaharurot ito.

"Oy, di porket patay yung puso ko ay gusto ko nang mamatay."

Ngayon naman ay kinuha niya yung cellphone niya dun sa bulsa at binuksan yon.

Take note! Habang nag d-drive ha.

"Gago, bawal yan! Wag ka ngang mag text!"

Literal na tinapon niya saken yung phone niya. "Itext mo si Jen. Sabihin mo babalik at pakihintay tayo."

------

Jen's POV

Nakakuha ako ng text galing kay Kev. Kaso si Fhey pala gamit lang niya yung cellphone ni Kev.

From Kev:

'Starbucks kami. Balik kami diyan agad. Wait niyo kami.'

Agad naman akong napangiti..

"Ahem! Sino yung ka text?" Agad naman akong napatingin kay Maya. Na ngayon ay nakatingin sakin ng masama.

"Wala! Kumanta na kayo, dali!"

Rineplayan ko si Fhey.. At bumalik na sa pakikinig sa mga taong kumakanta.

"Jeff! Ikaw na!"

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon