Maya's POV
Ngayon naman ay tie na sila. 41-41. Ang galing mag basketball ni Andrew. Hindi ko ine-expect na nasa dugo pala talaga nila ang basketball.
"Greg, ano ba. Ang tigas ng ulo mo." Lumingon ako sa tabi ko at nakita kong naka akbay si Greg kay Jen. At nagkukulitan na naman sila.
Pero bago pa nila ako mapansin na nakatingin ay tinuon ko na ang atensyon ko sa mga naglalaro.
Siguro kung volleyball lang to. Mas keri. Marunong naman sila Ken eh. Tapos panigurado panalo na.
Kase kailangan ng teamwork don. At dito sa barkada namin, meron non. Nagkaka iisa at nagtutulungan.
"Greg, ang kulit mo! Umayos ka nga." Tumayo si Jen at kinaladkad si Greg.
Saan kaya pupunta yung mga yon?
Okay, wala. Wala..
Back to topic naman...
Hawak ni Ryan yung bola, nag dribble siya hanggang sa 3 point line. Tapos agad niyang pinasa kay John. Si John naman ay tumakbo papuntang rim at dapat ay mag l-lay up kaso may tumulak sakanya.
At sa lakas ng bagsak niya, napasigaw si Fhey. Habang si Hannah, ay nagtakip ng mata.
"Hannah, pwede na. Buksan mo na mga mata mo. Hindi siya nasaktan." Yon ang sinabi ni Fhey kay Hannah kaso ayaw pa din niyang idilat ang kanyang mga mata.
Then I suddenly saw a tear that escaped her eyes.
Pasimple pa to oh. Nag aalala siya kay John, halata naman eh.
"Magiging okay sila. Icheer niyo nalang para magka energy."
Sinunod naman nila ang sinabi ko at ngayon naman ay halos sumabog ang tenga ko sa ingay nila.
Fhey: Go Andrew!
Hannah: Go Zac!
Fhey: Go Ken!
Hannah: Go Ryan!
Fhey: Go John!
Napatingin ako kay Hannah nung marinig ko siyang bumulong.
"Kaya mo yan John. Wag kang susuko."
Napangiti ako dahil ang cute tignan ni Hannah. Ang to-torpe nila, shemay! Kung siguro malakas ang loob nila ay matagal nang naging sila. Halata naman na may pagtingin sila sa isa't isa eh.
Kaso ang manhid. Ang torpe. At higit sa lahat. Parehas silang takot. Takot masaktan.
Sino nga bang hindi matatakot?
Wala naman kasing kasiguraduhan na sasaluhin ka talaga.
Ay putek. Napapahugot ako.
"Greg?! Anong nangyare sayo?" Dahil sa gulat ko ay bigla nalang akong lumingon at hinanap si Greg. Anong nangyare sakanya??
"Wala itoo." Pacool niya sabi. At nung nagtama ang mata namin ay ngumiti siya.
"Siraulo!" Sabay batok ni Jen sakanya kaya natawa sila Fhey. "Anong wala yan? Wala ba ang tawag diyan?" Napatingin ako dun sa kamay niya kaso tinago niya iyon nang pasimple.
Nung umupo na sila, nanood ulit kami. Kaso hindi ko maiwasan tignan yung kamay niya.
"Linagyan mo na ba nang yelo?" Tanong ko sakanya pero mukha nagulat siya sa naging tanong ko.
"Ha? Ang alin?" Hindi ko na kinailangan sumagot dahil alam naman niya ang tinutukoy ko. "Hindi na kailangan." Sagot naman niya.
Hinawakan ko yung kamay niya at diniinan ang paghawak nito at napa aray siya.
"Lalagyan mo nang yelo or hindi?" Pinat niya yung ulo ko at ginulo ang buhok ko. Kaya tinignan ko siya nang masama. Ano ako? Aso? Aso ba ako?
"Oh kalmaa. Wala to! Ako pa? Kaya ko pang maglaro." Sasagot pa dapat ako kaso nagsalita na si Jen.
"No."
Isa pa si Kev na nagsalita.
"Ako na muna ang mag s-sub. Diyan ka nalang." Tumayo siya at tinawag si John at ayun... Nagpalit na sila.
-------
Habang tumatagal ang laro, nagiging intense. Gaya kanina lamang yung mga g@g0. Pero nakakahabol naman kami.
Kahit hindi ako gaano kahusay sa paglalaro ng basketball, alam ko naman na madumi masyado ito.
Panay tulak. O siko ang kalaban at minsan pa nga ay inaapakan ang paa.
Halatang pagod na pagod na sila Zac pero go pa din.
Mukhang napansin din ni Jen iyon at tumawag nang time out. Nagsi punta sila dito sa bench at kumuha ng bbq, isaw, at kwek kwek. Tapos uninom sila nang juice.
"Surrender na." Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi ni Jen. Pero later on, nag agree si Hannah.
"Tama na. Itigil niyo na."
Agad na tumulo ang mga luhang naipon sa mata ni Jen at tuluyan na siyang umiyak.
"Ayoko nang makita kayong nasasaktan. Ayoko na. Itigil niyo na. Mag surrender nlang tayo. Sasabihan ko sila na wag na idamay sila Fhey sa deal. Ako nalang...." Huminga siya ng malalim habang pinupunasan ang mga luha niya. Pero walang epekto dahil patuloy lang ito. "Wag lang kayo, please... Ako nalang, okay na."
Tinignan kaming lahat ni Jen. Isa isa. Diretso sa mga mata. At makikita mo talagang ayaw na niya. Pero iba ang nakita ko sa mga mata ng mga lalaki.
Nag aapoy ang mga mata nila. Puno nang galit. Halatang napipikon na sila, at anytime sasabog sila.
"Ako, itutuloy ko to." Matapang na sabi ni Zac at halata sa boses niya na, mananalo siya. Mananalo kami.
"Game pa din ako." Sagot ni John, kaya napatingin ako kay Hannah na ngayon ay nakayuko.
"Warm up pa lang yun ha." Sabay 'stretch' ni Kev sa mga kamay niya.
Iba din to ha. Mahangin!
"Walang uurong. Walang tatalikod. Sugod!" At nag pose pa talaga si Ken! Kaso, waley. Walang natawa. Tanging natanggap lang niya ay batok dahil sa ka cornihan niya.
"Jen.." Sabi ni Jeff, kaya nagkatitigan sila. "Hindi ka mapupunta sakanila. Magkapatayan muna, bago mangyare yon."
"Tama na kase, hindi niyo kailangang ga-----"
Pinutol ni Drew yung sinasabi ni Jen, at bumalik na sila sa court.
"Jen, relax. Kaya namin to."
"Kaya nga! Kaya namin to!" Sabay gatong ni Greg kaso binatukan ko siya.
"Anong kaya diyan ha?!" Sabay turo ko sa kamay niya kaso tinago niya lang.
"Ako, ready ako. Anytime! Pero sub muna."
NOW....
Eto na.
The real game begins.
This time.... This round... Kami na ang mananalo.
This game will end in 5 minutes.
Makakahabol pa kami. 7 points lang ang lamang.
Aja fightin!
••••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?