Jenny's POV
Bakit ba ganito? Ganito na naman ba?
Pinunasan ko yung dugong tumutulo sa ilong ko.. Pero parang never ending ang pagtulo ng dugo..
Pakshet! Anong gagawin ko?
Matagal na akong hindi nakaka experience nito.. Ahh! Wait... Alam ko na..
Baka side effects lang ng gamot ito.. Since ngayon ko lang naisipan uminom mg gamot, siguro kaya ganun. Tsaka dahil medyo iba yung weather at nagpagod ako..
Oo! Yun ngaaa... Psssh, ano ba naman kase yung iniisip ko.
Hindi na babalik ang sakit ko. Hindi magiging malala, at hindi na ako aatakihin..
Ang OA ko talaga..
"Ateeee!!!" Dinig kong sigaw ng kapatid ko.. Hay nako! Napaka impatient naman. Kanino kaya to nagmana?
Naghilamos na nga ako gaya ng sinabi ko at nagpalit na ng damit.. Ngayon ay naka pajama ako. Mas comfy kase eh, lalo na kung manonood kami ng mga movies.
"Bilisan mo Ateeee!" Sigaw naman ulit ng kapatid ko. Jusko day, hindi ba sumasakit yung throat niya? Tsaka hello! Gabi na po, baka may mabulabog siyang espirito.. Haha, joke lang.. Sanay na ako sakanya.
Tsaka ako bumaba at dumiretso sa sala at tumabi sakanila.. Everything is set. Wow naman!
"Ang tagal mo naman Ate." Komento naman ng magaling kong kapatid..
"What movie are we watching?" Tanong ko naman kay Kuya Andrew..
"Frozeeeeeeen!" Masayang sagot ni Riza.. Tumango nalang ako at kumuha ng popcorn.
Sa totoo lang, napanood ko na to eh.. Kasama ko sila Maya, Hannah, Fhey, Ken, Greg, Ryan, Kevin at John. Yung mga lalaki nga, mukhang bored na bored na sila, pero wala silang magawa..
Flashback....
"Belat.. Masusunod kami." Biro ko sa mga lalaki..
Nagkamot naman sila ng ulo at batok, na mismong ikinatawa ni Fhey at Hannah..
"Under kayo kay Jen eh." Sabi naman ni Maya sakanila.
"Oo na.. Kase naman eh! Majority wins. Kami na dapat ang mananalo." Pagrereklamong sabi ni Kevin..
Nag botohan kase kami.. Alam ko naman na talo kami if ever mangyare yun. Pero buti nalang nag vote si Greg sa movie na Frozen, ayaw ko kase ng horror, eh yun yung choice nila John.
"Nangiwan kase yung isa diyan.." At umubo si Ryan.. Alam naming lahat na pinariringgan niya si Greg.. Nakakatawa sila, promise. Epic kase eh!
Back to Reality...
"Only true love can heal a frozen heart." Bulong ko nung natapos na ako mag reminisce ng mga memories..
"Emo ha." Bulong na pangasar ni kuya Andrew.. Wow ha!
"Kuya, manood ka nalang. O kaya spoil ko yan." Memorize ko pa din kasi yung movie na yan.. Ang ganda lang kase nung moral ng story.. Tsaka di siya age limited, kahit sino pwede panoorin.
"Stop calling me kuya from now on. You lost the game, remember?" Waaaah! May continuation pa yun eh. Kung di nagyaya si Riza, mahahabol ko pa yung score! Edi may free ice cream at pasyal ako. Ang daya.
"Pssshh, yes Kuya." Tapos tinignan niya ako ng masama kaya kinorrect ko ung sarili ko. "I meant.. Yes Andrew." Sagot ko naman at nag peace sign.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?