Jenny's POV
Malapit na!
As in....
I can't wait.. Handa na ako.
Excited na ako! Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Basta, gusto ko na talagang umuwi sa Pinas.
"Oh, maghiwa-hiwalay muna tayo.. Para makapili kayo ng mga dadalhin pauwi." Sabi ni Papa saamin pagkatapos namin kumain.
"Jen yung phone mo, hindi ba low batt?" Tanong naman sakin ni Mama, kaya umiling ako. Ang alam ko, nacharge ko siya kanina kahit papaano.
"Drew, samahan mo yung pinsan mo. Meet us here later." Sabi naman ni Tita Rachel kay Drew kaya tumango lang siya. Di ba siya napipilitan?
"Tara." Sabi ni Mama
--------
Gaya nang pinag planuhan namin, nagkahiwalay na kami ng landas.
Umiikot kami ni Drew ngayon dito sa mall, pero hindi ko alam kung saan ako unang pupunta.
"What do you want to buy?" Biglaan tanong niya kaya napaisip ako.
"Uh.. Chocolates? Keychains? Shirts? Di ko alam." Wala naman akong alam eh. Mental block kumbaga.
"Lets go." Hinila niya ako dito sa isang store na madaming pagkain. At puro chocolates at candies! Para siyang factory ng mga sweets delicacies.
"Go pick.." Turo niya sa mga chocolates sa paligid. "I'll wait here." Sabay turo niya ulit sa isang wood bench pero pinagmukha nilang chocolate.
Naglibot libot ako sa buong store at hinanap ang mga paborito nila.
Sila Maya, Hannah at Fhey, caramel choco yung gusto ng mga yun. Pare-parehas lang sila eh. Kaya eto, kumuha ako ng 9.
Um.. Ano kayang gusto nila Kev, Ry, John, Greg? Umm.. What if, kumuha nalang ako ng assorted? Dark choco? Milk choco?
Haaaay! Para na akong baliw na kinakausap yung sarili ko.
Bahala na.. Kukuha nalang ako neto.
9 Caramel
8 AssortedPagkatapos naman, umikot na naman ako para hanapin yung paboritong chocolate namin ni Ken.
Ayun! Twix, Toblerone, Hershey! Waaaaaaah! Nakaka inlove yung mga chocolatesssss.
Kumuha akong 4 sa bawat stand ng mga yun. Syempre tig da-dalawa kami.
Pagkatapos kong mamili, pumunta agad ako sa cashier at binayaran ko na yung mga kinuha ko.
"Kuya, lets go." Sinamaan niya ako ng tingin, kaya inulit ko yung sinabi ko. "Drew, lets go." Bawal na pala siyang tawagin na 'kuya'.. Mas tumatanda daw yung feeling niya pag ganun.
"Wheres the next destination?" Tanong naman niya sakin, kaya eto lumilingon ako sa paligid para maghanap ng mapupuntahan.
"Lets buy some perfume!" Buti nalang kasama ko si Andrew para matulungan niya ako. Di ko naman alam kung anong magandang perfume para sa mga lalaki.
Ang alam ko lang yung saamin nila Maya..
Hinanap ko yung mga scent na paborito naming gamitin. Tapos pinuntahan ko naman si Ku--- Andrew dun sa kabila, which is sa mga panlalaki.
"Here." Sabay abot niya sakin ng mga napili niya.
Again, binayaran ko na yung mga pinamili namin. Binigyan naman ako ni Papa ng pera pambili. Kaya eto, ready akong mag shopping.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?