Forever 24

34 2 0
                                    

Jenny's POV

Hanggang ngayon lumilipad pa din kami.. Kahit gusto ko man matulog, di ko magawa. Ganun ba ako ka excited at hindi ko magawang kumalma?

Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Pinagpapawisan ako. Nanlalamig ang mga kamay ko.

"Jen, are you okay?" Lumingon ako kay Andrew na nasa tabi ko ngayon..

"Yeah.. Kinakabahan lang, at excited." Sagot ko sakanya tsaka huminga ng malalim.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Something's different.

"Calm yourself... Thats bad for you." Aisssh! Memorize ko na yan.. Lagi naman pinapaalala sakin yung condition ko eh.

'Jen.. Take a rest..'

'Jen, uminom ka ba ng gamot?'

'Jen, magpahinga ka muna.'

'Wag mong pagurin ang sarili mo. Makakasama sayo.'

Lahat yata bawal sakin eh.

Bakit ba kase nagkaroon ako ng mahinang puso?

Pero ERASE. ERASE. ERASE..

Matatag ako. Malakas ang puso ko. Wala akong sakit. WALA. Im perfectly fine..

"Jen, your nose is bleeding." Nagulat ako dun sa sinabi sakin ni Drew. Akala ko nagbibiro lang siya, kaya kinapa ko yung ilong ko. And its confirmed. My nose is really bleeding. Sh*t!

Hinawakan ko lang yung ilong ko para mabawasan ang pagtulo ng dugo. Fudge! Asan na ba yung panyo ko? O kaya tissue? Aissh!

"Here, use mine." Abot naman sakin ni Drew pero ayaw kong kunin. Sakanya to, tsaka hindi naman luha o sipon ang malalagay.. Kung hindi dugo. Nakakahiya. Tsaka kadiri yun.. Di naman sakanya yung dugo eh.

"No, its fine.." Sagot ko at patuloy na hinanap yung panyo ko. Kung kailan naman kailagan ko, dun ko naman hindi mahanap. Ano ba yan?!

"Jen.. Use mine." Abot pa din niya sa panyo niya.. Nag dadalawang isip pa din ako eh.

"But----" di niya pinatapos yung sasabihin ko at nagsalita ulit siya.

"Magkadugo tayo, wag kang mahiya." Alam ko naman yun eh.. Pero nakakahiya pa din, although at the same time, I badly need it.. Kase nasa kamay ko na yung dugo. Malapit na mabigyan yung damit ko, kaya kinuha ko na.

"Thanks."

"Anytime." Aniya naman at ngumiti siya.

Habang busy ako dito, umalis si Drew.. Di ko alam kung saan siya pumunta pero baka nailang siya dahil nakakita siya ng dugo ng iba sa panyo niya.

Maya maya lang, umupo siya sa tabi ko, at inutusan akong alisin ang kamay ko sa ilong. "Move your hand.." Pero malalagyan ng dugo yung damit ko.

"I asked for wipes.. Now move your hand." Demanding niya ah.

Pero syempre, takot ako sa pinsan ko kaya sumunod ako sa sinabi niya.

Linapit niya sakin yung kamay niya na may wipes at pinunasan niya yung ilong ko.

"Drew, ako na..." Aabutin ko na sana yung wipes sa kamay niya pero linayo niya yun.

"I'll do it... Just rest." Ayun naman pala eh. Akala niya mapapagod ako. Akala niya mahina ako. Bakit ganito nalang ang tingin nila sakin? Konting sakit lang o konting ano, nagaalala na sila. Kaya ko naman sarili ko eh.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon