Forever 32

22 2 0
                                    

Ken's POV

Pagkatapos sa school, nagyaya sila Greg na puntahan daw namin si Jen. Sumama naman ako. Kase wala naman akong matinong gagawin sa bahay.

Pagkadating namin dun, wala si Jen sa sala, o sa backyard nila. Wala din siya sa paborito niyang tambayan, at yun ang kusina.

Nakita ko naman si Riza yung kapatid niya na may kasamang lalaki.. Parang kasing edad lang namin. Nung makalapit sila saamin, na mukhaan ko yung lalaki. Siya yung kasama ni Jen sa pictures dati.

Eto ba yung pinagpalit niya sakin?

Siya na ba ang bagong best friend niya?

"Riza, asan Ate mo?" Tanong naman ni Maya kay Riza.

"Nasa taas Ate.. Nagpapahinga sa kwarto. Tatawagin ko nalang siya." Umalis naman si Riza para tawagin ang Ate niya. Kaya naiwan tuloy dito yung lalaki.

"Andrew, si Jen.. Kamusta?" Wait.. Magkakilala sila nila Kev?

"Simula kanina, di pa siya bumababa.. Baka natutulog." Sagot naman niya kay Kev.

"Di yun tulog. Impossible." Sabi naman ni Greg sakanya kaya nagtawanan sila.

So... Magkakilala nga sila.

Napalingon naman ako nung narinig ko na si Jen.. "Anong meron?" Tanong niya

Sinagot naman siya ng "Reunion."

Bakit parang ang tamlay ng itsura niya? May sakit ba siya? Yung mga mata niya, namumugto tapos ang kapal ng eyebags. Pwede na siyang pagkalaman na isang panda.

Magsasalita dapat siya kaso, biglang nagbukas ang pintuan kaya napalingon ako.. Si Zac? Wait, akala ko ba nasa China siya?

"Jen.. Andito na ako, ta----" Alam pala ni Jen na bumalik na si Zac. Bakit wala siyang nasabi sakin? Ako lang ba ang may hindi alam?

"Good timing Zac.. Reunion daw." Hinila naman agad ni Jen si Zac papunta saamin.

Nagbatian lang sila pero di ako sumali. Di ko trip.

Maya maya lang, pumunta sila sa kusina para kumuha daw ng pagkain, pero pagbalik ni Zac at Jen sa sala, wala naman silang dala.

Ang sabi ni Jen, nagbago ang isip niya kaya kakain nalang daw kaming lahat sa labas.

Pumayag naman lahat sila..

Syempre, as usual dun kami sa favourite kainan namin.

As expected, ganun lang ang nangyare... Tapos nagyaya naman sila mag laro ng basketball, kaya somehow, nabuhayan ako ng diwa.

Pero....

May bago ngayon.

Di na kami mag ka-team.

Dahil pinili siya ni Zac.

Nauna siya.... Nahuli ako....

Wala naman akong choice.. Kaya pinili ko nalang si Maya. Not that I don't want her to be in my team, pero I'd rather have my usual team... My team with Jen. My bestfriend.

So yung team ko, si Maya, Greg, Ryan, Fhey.. Tapos kalaban naman namin sila Zac, Kev, Jen, Hannah, at John.

Lets get this game going.

"Game na!"

---------

Jen's POV

Nagsimula na nga kaming maglaro. Ang binabantayan ko ay si Maya. Si Ken kay Zac. Si Fhey kay Hannah.. Tapos si John at Ryan. Tsaka si Greg at Kev.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon