Jen's POV
Nagising ako ng nasa tabi ko ang cellphone ko. At dun ko naalala ang nangyare kagabi.
Kinantahan niya ako, para makatulog...
Tapos pumayag siya na pupunta siya bukas. Sa operasyon ko...
Aaminin ko, masaya ako. At nabawasan ang kaba na nararamdaman ko, pero hindi mawala. Natatakot pa din ako sa kung ano ang pwedeng mangyare bukas.
Matutulog pa dapat ako para iwasan ang buong mundo ngayon kaso may kumatok na sa pintuan ko.
"Ateee, may mga bisita ka! Kanina pa sila naghihintay kaya gising naaaa. Pagod na din ako magpabalik balik dito, kaya wake up naaaaa." Parang ewan tong kapatid ko. Aishh! Inaantok pa ako ehh. Joke lang, tinatamad lang ako tumayo.
"Eto na..." Pinilit kong tumayo pero bagsak pa din talaga ako. Tinatamad ako eh. Tsaka kasalanan ko ba na ayaw akong paalisin ng kama ko?
"Jenny Lee Dominguez! Wag mo sana kaming paghintayin ng matagal! Baba na!" Natawa ako ng marinig kong sumigaw si Maya.
No choice, kaya pumunta kaagad ako sa banyo para makapag ayos naman kahit konti.
"Oh? Bakit napadpad kayo dito, eh ang aga aga pa nambubulabog kayo ng natutulog."
Sinamaan naman nila ako ng tingin. Aba, sila pa talaga ang may ganang manakot porket pinaghintay ko sila.
Masama na ba ngayon ang magpahintay ng tao? At wala na bang taong willing maghintay?
Chos! Biro lang, mahal ko nga yan. Pero grabe sila ha!
"Fyi lang Jen, anong maaga sa 2pm?"
Wait? 2pm?!
Tumakbo ako sa kusina para matignan yung wall clock...
Walangya, 2pm na nga! Bakit ko sinayang ang oras na natutulog lang?
"Nagpuyat ka ba?" Tanong ni Ken saken at inusisa naman ako ng buong barkada. Para tuloy may ginawa akong isang masamang krimen.
Krimen na din pala ang magpuyat. Hindi nako updated, ano ba yan. Kahit man lang, ma orient ako sa mga bagong bagay, ayos na. Kaso wala eh.
Umiling ako tsaka ngumiti. "Problema niyo? Masarap lang matulog. Tsk!"
Umupo ulit sila sa sala habang feeling at home. At dun ko lang napansin na nakaayos sila.
"Saan ang lakad?" Tanong ko naman tsaka umupo sa tabi ni Hannah na sinandalan ko ng ulo."Nood cine tas kain sa labas." Casual na sagot ni Greg. "Bonding ng barkada."
Wait, speaking of.. Asan si Zac? Siya lang ang kulang. MIA siya ah.
Mukhang nahalata nila na may hinahanap ako, kaya sumagot si Kevin. "Masama daw ang pakiramdam ni Zac, pass muna siya." Huh? Eh kahapon palang masigla siya.
Problema nun?
"Wait tawagan ko lang." Bago pa ako maka akyat sa taas para kunin ang phone ko, ay nagsalita si John.
"Cannot be reach. Kanina sinubukan na namin."
"Mag aayos lang ako, kahiya sainyo. Para naman makagala na."
"Sama ako sa taas!"
"Ako din!"
"Sama din ako."
Tinanguan ko sila Maya, at paakyat na ng magsalita si Greg at nagsitawanan sila.
"Ako din Jen, sama ako." Tinaas taas pa niya ang mga kilay niya tapos nag peace sign. "Joke lang."
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?