Jen's POV
Medyo late na din natapos yun kase kumain pa kaming lahat at tumambay. Ang saya, sobrang saya. I got to spend time with the people that I love.
Yun nga lang, kulang... Hindi pa rin mawala sa isip ko si Zac. I wish he was also there.
"Ate, matulog kana daw." Napatingin ako dun sa kapatid ko na nakatayo sa labas ng kwarto ko.
"Opo." Lumapit siya saken tapos yinakap niya ako ng mahigpit. Naalala ko tuloy kanina... Si Jeff.
"Ate! Tulala ka diyan." Di ko namalayan na nakahiga na pala siya sa kama ko.
Wait dito siya matutulog?
Parang binasa niya ang tanong na nasa utak ko.. "Makikitabi lang muna." Ngumiti siya tapos nagkumot na.
"May choice pa ba ako?" Pangaasar ko sakanya tsaka na humiga sa tabi niya.
I love my sister. I love her so much. Sana maging successful yung operasyon dahil gusto ko pang makitang lumaki ang kapatid ko. Gusto ko siyang makita na abutin ang mga pangarap niya sa buhay
"Goodnight Ate. I love you."
"I love you too baby."
-----
Maaga akong nagising kaya tumayo na ako. Ginawa ko mga morning rituals ko, tapos dumiretso nako sa baba. Nakita ko si Mama at Tita Rachel sa kusina at nasa sala si Drew at Lola.
"Ma, asan si Papa?" Paglingon nila, bakas sa mukha nila ang gulat.
"Bakit gising kana? Mamaya pa yung operasyon mo."
Tignan mo tong si Mama.. Gusto yata niya mamaya na ako gumising. Nakakayamot kaya. Gising ang diwa pero nakakulong sa kwarto.
"Ma naman eh. Kahit gaano ko kamahal ang matulog, kailangan ko pa din tumayo at gumising. Its a new day!" Natawa naman sila saken. Kaya nakitawa nalang ako.
"Jen, apo.. Maganda yata ang gising mo." Pumunta akong sala at tumabi kay Lola.
"Lagi naman po eh!" Sabay ngiti ko.
Syempre dapat hindi ko ipahalata na takot ako at kinakabahan. I should show them that Im happy. Na walang kahit ano ang makakapag patumba sakin.
"Kakain na baaa?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na yon.
As expected, sino pa ba?
My one and only sister. Kaya siguro nagising na siya dahil nagwawala na ang mga dragon sa tyan niya.
Wahahahahaha
"Oo naman. Tara kain na. Drew, Jen, Ma, kain na."
----
Andito na kami sa hospital. Nandito ako ngayon sa isang private room, habang inaayos naman nila Mama yung gagawin. And what I mean by that is kinakausap yung mga doctor. Tapos makikipag kita pa sila dun sa heart donor.
Habang naghihintay ako, nakinig muna ako ng music. Pampa kalma na din.
Nakikisabay ako sa kanta ng makarinig ako ng katok sa pintuan. Akala ko yung doctor na, kaya naghintay muna ako ng konti tapos binuksan iyon.
"Hi." Nakangiti nilang bati sakin tapos bigla nalang sila pumasok.
Wow feeling at home sila ha.
"Todo support kami no?" Baliw talaga tong si Greg, sarap pektusan.
"Susunod nalang daw si Zac." Sabi naman ni Kev kaya tinanguan ko siya.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
أدب المراهقينThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?