Forever 25

35 3 0
                                    

Jenny's POV

Andito kami ngayon sa isang restaurant hinihintay yung mga order namin. Ang dami ngang pinili ni Lolo at Lola, treat daw nila saamin lahat.

Nakakamiss din kase itong bonding.

Dati kase, magkakasama kami sa Pinas.. Ang mga lolo at lola kase namin, kahit based sila sa ibang bansa, lagi silang umuuwi sa Pinas para saamin.

Super duper close kaming lahat.

Kaya ang saya lang sa pakiramdam na makita ang mga mahal mo sa buhay na magkasundo at masaya..

Ang dalawa naming Lola, ayun nagkukwentuhan.. Hindi ko alam kung ano o sino ang pinaguusapan nila pero mukhang nag e-enjoy sila. Chismisan ba naman?

Si Lolo (mom's side), si Papa ang kausap.. Mukhang seryosong usapan, pero hindi naman ako nagaalala.. Kilala ko ang pamilya ko. Sayang, sana andito pa din si Lolo (dad's side), mas masaya siguro. Pero okay lang.. At least tapos na yung paghihirap ni Lolo na labanan ang kamatayan. Nakakamiss lang kase talaga.

Woo, eto na naman ako.. Nag da-drama. Ramdam ko yung mga luha na gustong pumatak sa mga mata ko.

Si Tita Rachel naman tsaka si Mama, may pinaguusapan din. Mukhang about sa'min ito ah. Kase napapansin ko lang na lagi ang tingin nila sakin, kay Riza, at kay Andrew.. Kami siguro yung mga tinutukoy nila.

"Yaaay! Andyan na yung food." Sabay palakpak naman ni Riza. Kahit kailan talaga, nakakatuwang pag masdan ang kapatid ko. Kahit lagi ko yang inaasar at binabara, mahal ko yan.. Sobra.

"Kain na Jen.. Mamaya kana mag drama." Napalingon naman ako dun sa nagsalita at nakita ko si Zac na halos mamula na sa pagpigil sa tawa.

Kaasar! Lagi nalang..

"And the best actress award goes to..... Jenny Lee-Dominguez." Wow ha! Isama mo pa pala ang magaling kong pinsan. Iba sila! Ibang iba.

"Kainis kayong dalawa! Tse!" Nag cross arms pa ako para mas mukhang nagtatampo ako. Galing ko no?

Lumapit naman silang dalawa sakin at kinurot ang magkabilang pisngi ko..

"Araaaaay!" Ang sakit, shete! Feeling ko namumula na to. Sobra sila ah!

"Free blush on." Sabay pa nilang sabi, tsaka ngumiti nang nakakaloko. Langya! Gaganti din ako! Hintayin niyo...

Lintik lang kaya ang walang ganti.

"Lumayo nga kayo sakin." Mataray na sabi ko sakanila. Sige! Hindi na ako nagtatampo, galit na ako. Hmpp!

Umupo naman sila ng maayos pero halata pa din na gusto nilang tumawa..

Ganito kase ang pwesto namin..

Lolo||Lola||Lola||Tita||Mama

Papa|| Zac||Ako||Drew||Riza

"Ang saraaaap! Namiss ko to." Komento naman ng kapatid ko habang kumakain kami.

Sila Lola at Lolo tuwang tuwa naman. Ang saya. Sana laging ganito.

Pagkatapos naming kumain dun sa restaurant.. Bumalik na kami sa airport. Kailangan pa namin mag check in, tsaka ayusin yung mga gamit namin.

Nauna na akong nagpaalam kila Lola at Lolo. Sabi naman nila susubukan nilang umuwi sa graduation ko.

Tapos nagpaalam naman sila Mama sa isa't isa.. Saying goodbye and parting ways is always the saddest past in life. Ever since then, I've always hated the word goodbye.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon