Jen's POV
Tinext ko si Drew at sinabing wag mag alala sakin, babalik din ako.
Kailangan ko lang naman ng oras para ihanda ang sarili ko.
I need to make the best out of this trip.
Bumalik agad ako sa rest house at yinaya silang maglaro.
"Patayin niyo yung movie. Maglalaro tayo." Utos ko sakanila. Nagulat naman sila at agad sumunod sakin.
Bawal masayang ang oras, dahil hindi ko alam kung makaka-survive ako.
But, I need to think positive right now.
--------
Jeff's POV
Dinala ako ni Abby sa ospital pero nag pauwi din ako. Ayoko dun.
"Jeff, ano ba! Bakit ang tigas ng ulo mo? Paano ka gagali--" pinutol ko ang sasabihin niya dahil ayoko nang marinig ang mga sermon niya sakin.
"Abby, okay ako. Hindi ko kailangan magmukmok sa ospital na yun." Naglakad ako papunta sa hagdanan at hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood makipag usap o ano. Masakit ang ulo ko, at gusto kong magpahinga.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, linock ko agad yung pintuan.
Humiga ako sa kama, at linagay ang mga kamay ko sa mukha.
Uh, I'm so frustrated.
Tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo.
I know its stupid, because I'm sick. Pero, I need to cool my head.
"Jeff.. Buksan mo itong pintuan, kailangan mong uminom ng gamot." Alam kong masama ang dedmahin ang isang tao na nagmamalasakit, wala akong magawa.
Sorry Abby.
Naligo ako at pagkatapos nun ay humiga ulit ako sa kama. Kinuha ko yung phone ko tsaka tinignan ko yung wallpaper ko.
Its Jen...
Its still her.
Miss ko na siya. Lalo na yung kakulitan niya.
Pero kailangan ko siyang itulak palayo. Dahil kung hindi, mas masasaktan siya kung biglaan ko nalang siyang iwan. Alam ko naman na maiintindihan niya.
Pumunta ako sa playlist ko at pinatugtog yung isa sa mga paborito naming kanta.
Buko....
Pero naalala ko nga pala... Wala na kami. Dahil pinakawalan ko siya.
Pinalitan ko yung kanta sa...
Pagsuko.
'May pag asa pa ba?
Kung susuko ka na...
Larawan mo ba'y lulukutin ko na?
Sa hirap at ginhawa.
Tayo'y nagsama....'
Bumalik lang ako sa isip nung may kumakatok sa pintuan ko.
Tumayo ako at binuksan yon, at nakita si Abby.
"Jeff, makinig ka naman sakin oh." Nakokonsyensya ako.. Pero gusto ko lang mapag isa. "Uminom ka na ng gamot, para gumaling ka." Dagdag pa niya.
Umiling ako at sinabihan siya na ayaw ko. Sasarado ko na dapat ang pintuan kaso nagsalita ulit siya. And that struck me.
"Paano mo matutulungan si Jen, kung ikaw nga hindi mo kayang tulungan ang sarili mo? Kung pinapabayaan mo ang sarili mo, paano na si Jen?"
Sh!t.
Speaking of...
"Thank you for reminding me." Kumuha ako ng jacket sa closet at bumaba sa sala para kunin ang susi ng kotse ko.
"Saan ka naman pupunta? Eh, hindi ka pa magaling."
"May importante lang akong aayusin. Babalik ako..." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.
I need to talk to them...
Nung makarating ako sa bahay nila, bumaba ako sa sasakyan at sakto na palabas ng bahay ang Papa niya.
"Anong ginagawa mo dito? Wala si Jen." Agad na sabi niya sakin kaya lumapit ako ng konti.
"Hindi po si Jen ang pinunta ko. Kayo po talaga ang sadya ko." Pagpapaliwanag ko naman sakanya pero parang hindi niya maintindihan.
"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong niya, kaya medyo nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Alam ko po na nasaktan ko ang anak niyo. Pero may dahilan po ako. Kaya eto na po yata ang tamang oras para malaman niyo." Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy nalang ako. "Balak ko po na maging donor ng anak niyo." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya hindi mo mababasa sa mukha niya ang gusto niyang sabihin.
Matapos ang ilang minuto, nag ka expression na siya. "Hinde pwede. Magagalit si Jen, at paniguradong hindi siya papayag."
"Hindi naman po malalaman ni Jen bago ang operasyon niya. Napag isipan ko na din po ng mabuti ang plano ko." Alam kong masasaktan at magagalit si Jen, pero alam ko naman na maiintindihan niya. Malawak ang pag iisip niya. Tsaka naniniwala ako na makaka move on siya pagkatapos ng lahat nang ito.
"Plano? Anong plano?" Napalingon kaming dalawa ni Tito Rey sa gate ng lumabas si Tita.
"Gusto niyang maging heart donor para kay Jen." Lumapit sakin yung Mama ni Jen tsaka umiling.
"Diba, wala na kayo? Sinaktan mo nga ang anak namin, tapos ngayon.. Gusto mong maging heart donor niya? Anong klaseng biro yan?" Alam kong nasaktan ko si Jen, pero hindi ko yun sinasadya. Ayaw ko yun. Pero what choice do I have?
"Naiintindihan ko po na galit kayo sakin. Pero please po... Let me be your daughter's heart donor. Mahirap po ang maghanap ng tao na willing mag bigay ng puso para sa iba. At alam ko po na, kailangan mapalitan yung puso ni Jen as soon as possible."
Nagkatinginan sila at sinabihan ako na pag iisipan nila. Alam kong ayaw nila akong maging heart donor dahil bata pa daw ako at may magiging future pa ako.
But... Without Jen, my life is nothing. Its meaningless.
Kaya parehas lang yun.
I don't want to lose her.
I will do everything and anything just to make her happy.
"Sa tingin mo ba magiging masaya siya pag nalaman niyang wala ka na?" Napalingon ako sa taong nagsalita at nakita ko si Abby.
"Naniniwala ako na, balang araw, magiging masaya pa rin siya." Sagot ko naman sakanya kaya napangiti ako.. Ngiti may halong saya at lungkot. "Kahit wala na ako." Dagdag ko pa.
"Alam mo ba? Gustong gusto kitang sampalin ngayon, ang tanga mo." Tinignan ko siya ng masama pero pinag patuloy pa din niya yung sinasabi niya. "Nasa iyo na nga, bibitawan mo pa. Masaya na nga kayo sa isa't isa eh." Hindi ko na siya sinagot, naglakad nalang ako papalayo. Pero ayaw pa din niya akong tigilan.
She's making me guilty.
"Ikaw din, baka maagaw pa siya ng iba. Pag si-sisihan mo."
•••••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?