Forever 19

32 3 0
                                    

Jenny's POV

"Ateee, gising na.. Aalis na tayo maya mayaaaaa." Ramdam ko yung pag-alog ng kapatid ko sa mga balikat ko. Pero sadyang inaantok pa ako. Ni ayaw ngang magbukas ng mga mata ko eh.

"Ate, bahala ka! Maiiwan ka.." Narinig kong nagsara o nagbukas yung pintuan pero di ko pa rin pinansin..

Matutulog pa ako... At walang makakapigil sakin!

"Jenny!" Narinig kong pagsigaw ni Papa.. Patay! Papagalitan pa yata ako.

Bahala na..

LALALALA.. Matutulog pa din ako.

Kukunin ko pa lang sana yung unan sa tabi ko, para matakpan ko yung mukha ko, pero may narinig akong kumatok sa pintuan.

"Jen.." Wala akong naririnig.

"Jen.." Ano ba yaaaan. Inaantok ako.

"Jenny.." Tskk..

"Jenny Dominguez." Wow.. Binubuo ang pangalan ko?

Let me guess.. Susunod na ang Lee.

"Jenny Lee Dominguez.." Sabi na eh.. Tama ako. May mga tao talagang may galit sakin at kailangan pang sabihin ang full name ko. Aisssh!

"Wake up sleepyhead." Ang kulit! Di ba halata na inaantok ako?

"Jenny.. Gising."

"Inaantok pa ako..." Minulat ko yung mga mata ko para tignan kung sino ang nangungulit sakin.

"Ang dami mong missed calls.. Tapos umalis na sila. Iniwan ka." Iniwan? Missed calls?

Kinuha ko naman yung phone na nasa maliit na lamesa sa tabi ko.

23 missed calls
12 text messages

Napatingin naman agad ako sa oras... 8:00am palang ah!

Ang aga pa ah... "Anong meron Drew?" Bakit naman nila ako gigisingin ng maaga? At bakit parang tinadtad yung cellphone ko.

"We were supposed to go to the mall, to buy some pasalubong and things.. Remember sleepyhead?" Aba.. Ang aga aga pa. Tsaka, bakit gising na to.. Diba late din siyang natulog? Bakit gising ang diwa niya?

"Wait." Sabi ko at pumunta diretso sa washroom para maghilamos at mag toothbrush.

Agad akong bumalik sa kwarto at inayos ang pinaghigaan namin. Umupo ulit ako sa kama at kinuha ang phone ko.

Luh? Anyare?

"Look at those messages and calls after.. Lets go eat, tapos susunod tayo sakanila." Tinignan ko naman si Drew na mukhang panda. Kaya natawa ako.. "Whats so funny?" Napansin pala niya..

"Ah, wala.. Tara, lets eat, I'm hungry." Hinila ko siya pababa sa kusina at kumain.

Nang matapos kami, umupo ako sa garden para magpahinga. Tambayan ko to eh.

12 Text Messages:

From Maya:

'Lintik yung best friend mo. Kaasar! Sagad.'

'Tawagan mo nga ako... Bwisit. Ka bad trip.'

Anong nangyare dun? Mukhang mainit ang ulo.

From Greg:

'Jen, kausapin mo nga si Maya.. Mainit yung ulo. Tinopak sila.'

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon