Jenny's POV
Nakatulog din ako ng konti, kahit panay ang check ko sa phone ko. Di lang kasi ako mapakali.
Kahit anong hirap kong ibalik ang sarili sa pagkatulog, di ko magawa.. Kaya tatambay nalang ako sa garden. Napaka peaceful kase nung lugar..
Sa buong bahay, eto ang pinaka favourite ko... Well syempre, with the exemption of the kitchen.
Food is life kaya.. Haha
Speaking of food, kukuha muna ako ng inumin. Pero pagdaan ko papuntang ref, may naalinag akong tao sa garden.
Waah! Baka multooo.
Pero sino bang matinong multo ang magpapakita sa umaga?
Pero nung lumapit ako.. Si Andrew lang pala.
"Drew.. Aga mong nagising?" Pagkasabi ko nun, ay humarap siya.. At yung mga mata niya.. "Di ka ba natulog?" Patanong kong sabi sakanya.
"I slept..." Nung sinabi niya yun, di ko siya sinagot.. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kaya nagpatuloy siya.. "... for a bit."
Daig pa niya ang panda. Like, parang nakipag bugbugan siya.
"Whats the problem?" At umupo ako sa harap niya..
Meron kasing isang set na dining table dito.. Tapos 4 yung upuan.
"Mama called about 3hours ago.." Panimula niya sa sasabihin niya. Tapos sinusubukan kong basahin ang utak niya pero di ko magawa.
"Any updates?" Nak ng tokwa.. English ko ang baduyyy.
"Lolo is in a coma..." Nung pagkasabi niya nun, di ko mapigilan ang mga luha ko. Nanlambot din ako sa update.
Wait.. 3hrs ago? Which means.. Di talaga natulog to. Kase gising pa siya nung pumasok ako sa kwarto. Around 2:27.. Tapos 5:30 palang..
"I wanna see Lolo..." Pagkasabi niya nun, ramdam ko yung takot sakanya..
"Close kayo ni Lolo no?" Kahit di ko talaga kilala si Andrew.. Alam kong naging malapit siya kila Lolo at Lola. Balita ko kase simula nung nag migrate sila Lolo dito sa States, sila ang nakakasama nila palagi..
"I grew up with them... with him.." Tapos yumuko siya.. I know pinipigilan niya yung tears niya, kase baka isipin niya na para siyang bading.
"Kung gusto mo umiyak, go right ahead. I won't judge." Ganito ba ang mga lalaki? Pinipilit maging masaya sa harap ng iba, para ipakita na matatag sila.. Tapos pag walang tao, dun ibubuhos ang hinanakit, lungkot, o ano man.
"I don't wanna lose him." At tuluyan na siyang napaiyak.. Pero hindi yung hagulgol. Yung bang sadyang pumapatak ang mga luha niya sa mukha.
Kagaya niya din si Kenneth. Tough on the outside, soft in the inside.. Pakitang tao lang yung matatag na hindi iyakin.
"Shh.. Hindi tayo iiwan ni Lolo. He's strong.. He will fight." At yinakap ko siya. Ramdam ko talaga ang pagmamahal ni Andrew kay Lolo.
Maski ako naman, ayaw kong mawala si Lolo. Pero he suffered too much..
Ang tagal na niyang lumalaban, and yet di pa rin siya nag give up. Pero alam kong pagod na si Lolo.. Okay lang kung susuko na siya, naiintindihan ko.. Masakit, kase ayaw ko na iwan niya kami.. Pero anong magagawa ko?
"Matulog kana muna.. Then, we'll go visit Lolo." Alam kong inaantok siya pero pinipigilan niya kase iniisip niya yung situasyon ni Lolo.
"I can't sleep.."
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?