Forever 15

31 2 0
                                    

Maya's POV

Sumakay ako sa sasakyan niya, pero wala ni isa ang nagsasalita saamin..

Ano ba naman kasi.. Umaatake yung pagka bipolar. Tskk.

Pero bahala siya! Di ko siya kakausapin.. Mauna siyang magsalita.. And for sure, maya maya lang, kakausapin na niya ako.

"Anong address mo?"

See! Sabi ko na ehh.. Di naman niya alam kung saan ako nakatira.

"24 ****** Ave." at tumango lang siya..

--------

Maya maya lang nasa harap na kami ng bahay ko.. Baba-ba na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Wait."

Humarap ako sakanya at tinaasan ko siya ng isang kilay, na parang sinasabi na 'ano'..

"Sorry."

"Bipolar ka." Sagot naman sakanya..

"Napakatanga mo kasi." Aba! Tignan mo nga.. Mag so-sorry, tapos sasabihan na naman akong tanga.

"Salamat ah." Sarcastic kong sagot sakanya..

"Ang ibig kong sabihin, wag mo ng pilitin kung hindi mo na kaya. Hindi na uso ang never give up, because you love what you do. Tanga nalang yung mga taong ganun." Wow.. Speechless yata ako. Pero ang hindi ko lang gets ay kung talagang mahal mo naman ang ginagawa mo, bakit ka titigil? Bakit ka susuko? Eh, abot kamay mo nalang.. Andyan na yung chance at opportunity, tapos hahayaan mo nalang at papakawalan? Dahil lang sa nasasaktan ka?

"Nonsense." Tipid na sagot ko.

"Tigas ng ulo mo." Aisssh! Sino ba yung meron na malambot ang ulo? Di naman ako manika o laruan. Kaya malamang, matigas ang ulo ko.

"Whatever. Sige baba-ba na ako, salamat sa paghatid. Sorry sa sampal.. Kahit deserved mo naman." Di ko na siya hinintay sumagot at tuluyan na akong bumaba at pumasok sa bahay..

Its been a long day, at pagod ako.

Pagkapasok ko, dumiretso ako agad sa kwarto para gawin yung evening routines ko. Nag shower ako at nagpalit sa mga pajama ko. Mas comfortable kase eh!

Tapos bumaba ako sa kusina at naghanap ng ice pack.. Sana lang mabawasan yung sakit ng ankle ko bukas.. Whole day pa naman ako maglalaro ng volleyball. Tapos susunod yung semi-finals at finals kung nakapasok kami sa championship.

Maya maya lang bumalik na ako sa kwarto at napag isipan kong tignan yung facebook ko.

At sa unang una sa feed ko ay si Jenny.. May kasama siyang lalaki. Same guy na kasama niya dun sa ibang pictures na naghahabulan, naglalaro at nanonood ng movie.

Makikita mo dito sa picture na, nagbago siya.. Hindi naman ugali. I mean, her appearance. Pumayat siya, at parang nagiging maputla na naman siya.. Tapos ang kapal ng mga eye-bags.

This isn't good.

The last time na ganyan yung itsura niya, ay nung binalikan siya ng sakit niya.

Simula nung nag break sila nung boyfriend niya.. Or should I say, ex bf niya.. Naging malungkutin siya.. Kahit iba yung pinapakita niya, at mukhang masaya siya, I know na minsan, pilit lang yung tawa niya at yung ngiti niya.

Bawal ang sobrang pagod. Sobrang stress at depress. Tapos bawal din sakanya ang madaming emosyon. Di kakayanin ng puso niya..

Sa pagkakaalam ko, may heart issues si Jen simula nung naipanganak siya.. Madalas nga siyang atakihin, at isugod sa hospital.. Mahina kasi yung puso niya, at mahihirapan siyang huminga if ever.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon