Jenny's POV
Greg's calling...
Kaya sinagot ko agad.
"Oh?" Bungad ko sakanya..
"Jen, bumalik na sila..." Nagpapabitin pa siya eh. Dapat sabihin nalang niya. Tsaka 'sila'? Sino sino?
"Sino?" Curiosity is killing me.. Kase naman eh, sino ba yung MGA bumalik na?
Sigurado akong hindi ako yung tinutukoy niya, kase wala naman akong pinagsabihan na uuwi na ako/kami.. At present ang sinasabi niya hindi future.
"Si..." Nag dadalawang isip pa siyang sabihin sakin ah. Langya! Pa thrill pa eh.
"Greg! Sabihin mo na sakin kung sino ang mga bumalik na?!" Napataas tuloy ako ng boses. Kaasar eh. "Sorry.." Dagdag ko sa sinabi ko.
"Si Crystal.. Bumalik na. Ayun, nakita ko siya sa Park nung isang araw.. At yung ex mo. Nagpaparamdam, hinahanap ka." Putspaaa! Timing pa talaga sa pagbalik ko? Paano na ba ito?
"Nagusap na ba si Crystal tsaka si Neth?" Please tell me na hindi pa. Unpredictable eh. Wala akong alam na maisip. Ang daming possibilities.
"Hindi pa.." Pheew! Pero alam ko naman na isang araw magkikita ulit sila.
Wala akong alam isagot kaya biglang natahimik..
"Ikaw? Kelan ka babalik?" Biglaang tanong niya, pero hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto ko silang isurprise, pero parang hindi ko matiis.
"Malapit na.." Yun nalang ang sinabi ko.. Ayaw kong sabihin na 2 days nalang babalik na ako dun, kase ayaw kong magpakasaya kami, tapos aalis din ako ulit.
"Bakit pala gising ka pa? Anong oras na diyan?" Magiging panda na naman ako. 2:30am na eh. Ano ba yan.
"Di ako makatulog.. 2:30 palang naman eh."
"Anooo? Jenny Lee-Dominguez! Late na, matulog ka na nga." Aisssh! Tawagin ba naman ako sa buong pangalan ko?
"Ayaw ko pa ehh.. Di ako inaantok." Pagrereklamo ko. Ayaw pa kase akong dalawin ng antok.
"Jenny Lee-Dominguez.."
"Okay.. Pinapaalis mo na ako. Tskk, sabihin mo nalang kase. Geh, goodnight." Kunwari na lang na nagtatampo ako.
"Wait lang.. Wuy!" Pero di ako sumagot.. "Jen.. Wuy!"
"Goodbye." At pinatay ko na yung phone ko. Pero maya maya nag text siya.. Hahaha! Epic!
"Why are you still up?"
"Di ako inaantok." Sagot ko kay Andrew.. Pero bakit andito pa siya? Akala ko mahimbing na ang tulog niya?
"Umm.. I see." Tapos tumabi siya sa harapan ko.
"Ikaw? Why aren't you sleeping?" Nagising ko ba siya nung lumabas ako ng kwarto?
"Akala ko nag sleep walk ka." Wow.. Sobra naman siya. Di naman ako ganun. Tinignan ko lang siya ng masama at bigla siyang natawa. Luuh! Nagpatawa ba ako?
"Baliw." Tipid na sagot ko na halos pabulong ko lang sinabi.
Bigla kaming natahimik at sadyang, tinatamad siguro magsalita.. Siya nakatingin sa malayo, habang ako nakatingin sa langit at pinagmamasdan ang madidilim na ulap at konting butuin.
Pero biglaan ko nalang na bring up yung isang topic na hindi ko inaasahan.
"Pwede magtanong?" Lumingon siya sakin at napailing na para bang balak akong pilosopohin.. "Never mind. Forget it." At napangiti ako ng pilit.. Bakit ko naman kase tatanungin sakanya yung mga bagay na pwedeng mangyare pag nagaway ang mag best friend, eh nag o-overthink na naman ako.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?