Forever 64

27 1 0
                                    

Jen's POV

Isang linggo na ang nakalipas magmula nung magising ako at makauwi. I feel more at ease kase di ko na kailangan alalahanin ang kalagayan ko. I mean, nagiingat pa din ako pero unlike before.

Pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino yung nag donate. Gusto ko sanang makausap ang pamilya niya. Tsaka bisitahin siya sa sementeryo para personal na din akong makapag pasalamat.

Busy ako sa kwarto sa pag aayos ng gamit, naglilinis kase ako. Ewan ko ba sinisipag ako. Pero napatigil ako nung may nag doorbell.

Tumakbo ako papuntang pintuan at palabas sa gate at pinagbuksan sila.

"Goodmorning." Bati nila

"Saan lakad natin?" Tanong ko sakanila

"Hindi ba.... gusto mong makilala yung heart donor mo?" Agad naman akong natuwa sa sinabi nila. Makakapag pasalamat nako. Pero, bakit ganon? Bakit ako kinakabahan? Na g-guilty ako. Parang wala akong mukhang ihaharap sa pamilya niya.

"Ime-meet natin sa cafe malapit sa school yung kaibigan niya. Tapos sasamahan niya daw tayo sa bahay nun. Kaya bilisan mo na, baka mainip yon."

Umakyat ako sa taas at naligo. Ginawa ko na din ibang routines, tapos nagbihis nako. Naka romper ako na puti na may blue floral na design. Kinuha ko yung purse ko at tinanggal sa pagkaka charge ang cellphone.

Pagbaba ko, nakita ko silang naguusap ng masinsinan. Pero wait asan yung iba?

"Bakit kayo lang pala?" Tumayo na sila and we headed out. Habang pasakay kami ng kotse, dun nila sinagot ang tanong ko.

"May lakad sila Fhey at Hannah ngayon. Sinamahan nalang ni John at Kev. Tapos si Ryan may date sila ni Kyla. Si Zac, wala kaming balita." Napatango naman ako sa sagot ni Maya.

Sa passenger seat umupo si Greg habang kami naman ni Maya ay nasa likod. Si Ken ang designated driver sa ngayon. Kakilala niya ata yung imemeet eh.

"Andito na tayo."

----

Abby's POV

Grabe ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, lalo na't papunta na daw sila dito sa meeting place.

Nanlalamig na ang mga kamay ko kaya umorder muna ako ng hot choco. Umupo ako sa corner ng cafe habang tinatanaw ang parking lot galing sa pwesto ko. Baka sakaling, dumating na sila. Para handa ako.

"Jeff naman kase eh." Ang hirap naman kase neto. Paano ko ipaparating sa taong mahal niya na wala na siya? Paano ko sasabihin yung caused of death niya na hindi ma misinterpret ni Jen sa way na siya ang dahilan kung bakit patay na si Jeff.

Habang busy ako sa pagiisip dito, biglang nag vibrate ang phone ko.

From: Unknown [0915--------]

'Thank you so much. I owe you a lot.'

I had goosebumps just from reading this text. Kung ikaw man to Jeff, tama na please. Alam mong takot ako sa mga multo, tapos sakin ka pa nagpaparamdam.

Nag reply naman ako, kahit muntanga lang. Nagbaba-sakaling matanggap nga ni Jeff.

To: Unknown [0915-------]

'May you rest in peace.'

Isesend ko na dapat ng biglang nakita ko na sila na pababa sa sasakyan. Tinago ko na ang cellphone sa bag tapos lumabas na sa cafe.

"A-Abby?" Pinabalik balik ni Jenny ang tingin niya saken at sa mga kaibigan niya. "S-siya ba ang imemeet natin?"

Tumango lang si Ken sakanya kaya nginitian ko siya.

"Shall we go?" Tanong ko sakanila.

Sumakay ako sa sasakyan ko at sumakay naman ulit sila. Sinusundan lang nila ang dinadaanan ko, kahit alam nila ang daan. And I know, by this point may alam na si Jen.

She knows this place really well.

"Andito na kami sainyo Jeff." Sabi ko na parang may kausap ako.

Nagpark ako sa harapan ng gate at bumaba na. Hinintay ko sila hanggang makapag park na din si Ken.

I guess, this is it.

Its time to face the past, the truth, and the reality.

-----

Ken's POV

On the way na kami sa bahay ni Jeff. At sa tuwing titingin ako sa mirror, sinusulyapan ko si Jen. Ngayon palang nasasaktan nako na makitang siyang ganyan. Ayokong nasasaktan ang best friend ko. Pero theres no other way, because its time for her to know. And sometimes, the truth hurts. But we need to face it.

"Wala to. Hindi... Susunduin lang siguro ni Abby si Jeff. Nakabalik na siguro siya. Oo yun yon. Wala ng ibang rason. Ano ba naman yan. Bakit ako magiisip ng ganito. Napaka malisyosya ko. Susunduin lang si Jeff." Shes whispering to herself pero dinig na dinig padin namin.

It pains me to see her like this.

"Andito na tayo." Hinihintay namin na bumaba si Jen pero hindi siya gumagalaw.

"Susunduin lang si Jeff diba? Wag na tayong bumaba. Hintayin nalang natin siya." Nagkatinginan kami nila Maya at Greg.

"Pinapapasok tayo nila Tita." Pumasok padin siya kahit halatang napilitan lang. Andito kami sa sala at nakaupo. Dumating si Abby na galing sa taas, malamang sa kwarto ni Jeff. Tapos may binigay siya na susi kay Jen.

"Hinihintay kana niya." Bakas sa mukha ni Jen ang gulat. "Masasagot na din ang mga katanungan mo." Napatayo si Jen at sumunod kay Abby at Maya sa taas. Nagpaiwan nalang kami ni Greg dito sa sala.

Sila nang bahala don. Back up nalang kami.

------

Jen's POV

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Konti nalang yata, mababaliw nako.

Pero hindi ko maintindihan. Si Jeff hinihintay ako? Eh bakit hindi siya bumaba kesa naman ako ang pinapapunta niya sa kwarto niya.

"Here. Pagmalinaw na sayo ang lahat, puntahan mo yung nasa sulat na mababasa mo. Makakapasok ka don, gamit ito." Inabot naman niya sakin ay isa pang susi. "Si Maya na bahala sayo, hinihintay na ako sa bahay. Paalam Jen." Yinakap niya ako atsaka tuluyan na siyang umalis. At hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako.

Tinignan ko si Maya na nandito sa tabi ko ngayon. Nginitian niya ako at yinakap. "Go on, I'll be here for you."

Kinuha ko yung unang susi na binigay ni Abby. I turned the doorknob carefully, and as I opened it, my heart began to beat even faster.

Irregular beats.

This only happen when he's around.

Or inaatake ako. Okaya natatakot.

Konti palang ang pagkabukas.. Pero may pumasok na thought ang biglang pumasok sa utak ko.

Its now or never.

Kaya binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan. At bigla nalang tumulo ang mga luha ko. One by one. Then all at once. Para siyang waterfalls.

Why?

Bakit ganito?

Ang sakit. Hindi ko maintindihan.

I wanted to turn around and run, because it was too much to bare with. Pero may parang humihila saken. Somethings telling me to stay.

Should I stay?

Or should I walk away?

••••

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon