Jen's POV
Alam kong gabi na at most likely, inaantok na sila. Pero di lang nila pinapahalata.
"Jen, ano bang trip mo?" Tanong sakin ni Fhey na parang di makapaniwala sa mga trip kong gawin.
"Akala namin, wala ka sa mood maglaro." Komento naman ni Hannah kaya tinawanan ko siya.
To be honest, it was a fake laugh. Pero parang hindi naman nila napansin.
"Ako? Aisssh! Kelan pa ako wala sa mood maglaro?"
"Jen, late na.. Bukas mo nalang ituloy ang trip mo." Seryosong sabi ni Drew kaya tinignan ko siya.
Alam kong may alam na siya. Pero ayaw niya lang akong kausapin tungkol dito.
He's giving me space and time, which I'm grateful for.
Buti nalang talaga may kuya ako. At nakilala ko na siya. Kahit naman di ko siya kapatid, ayos pa din yung ngayon. At least may kaibigan ako, may kuya ako at may pinsan pa.
"Oo nga.. 12:54 na din." Sabi naman ni Greg, kaya tinignan ko siya. Pagkatapos tinignan ko din yung iba. Mukhang antok na antok na sila..
"Sige. Basta bukas, walang KJ. Maglalaro tayo!" Sinubukan kong maging cheerful para naman mukhang may energy pa ako. Kahit sa totoo ay pagod na pagod na ako sa lahat.
Pero kailangan kong lumaban.
Para sa pamilya ko. Para sa mga kaibigan ko. Para sa mga taong mahal ko at nagmamahal sakin.
This fight is for them. I'm still fighting because of them.
-----
Andito ako sa kwarto at nakahiga, pero hindi ako dinadalaw ng antok. Tinignan ko si Hannah, at napangiti. Pinagmasdan ko din si Fhey na nasa tabi niya. Kaya natawa naman ako.
Alam kong mukha akong baliw ngayon, pero anong magagawa ko? Sadyang may pagka-balat sibuyas talaga ako.
Mababaw ang kasiyahan. At mababaw ang luha.
Sumunod naman ay si Maya. Na nasa tabi ko.
Ngayon naman ma-luha luha ako.
Aissh! Napaka emotional ko talaga.
Tumayo ako at kinuha yung jacket ko na nakapatong sa bag. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas ng rest house.
Umupo ako dun sa maliit na hagdanan.. Na meron dalawang hakbang lang.
Tumingin ako sa langit, kaso walang mga bituin ngayon. Madilim na langit lang.
Linagay ko yung kamay ko sa tuhod at pinatong ko naman yung ulo ko, at umiyak.
Bakit sa dami ng tao, ako pa?
Ayaw ko pang mawala.
"Pwede bang tumabi?" Napalingon ako dun sa nagsalita at napangiti ako.
"Syempre, ikaw pa."
Umupo siya sa tabi ko at pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Bakit gising ka pa?" Tanong niya sakin.. Pero since malakas ang trip niya, siya na ang sumagot.
"Di ka makatulog no?" Naks. Sariling tanong, sariling sagot.
"Hindi pa ako dinadalaw ng antok." Sagot ko naman sakanya.
Tumango lang siya at hindi nagsalita. Binalot lang kami ng katahimikan.
"Ken, pwede bang magtanong?" Gaya kanina, tumango lang siya. Tskk, tamad magsalita.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?