Kenneth's POV
Nakakabanas naman eh. Kahit wala na ako sa pesteng hospital na yun, wala pa din akong matinong magawa sa bahay.
Walang kabuhay buhay.
Kaya nagyaya akong mag basketball.. Inaya ko si Kev, Greg, John at Ryan.. At buti nalang, hindi sila busy.
Buti pa sila, may buhay na pagkaka-abalahan.
To: Tropang Gwapo (Kev, Ry, Greg, John)
'Meet bball court. 5:30pm SHARP.'
Nagreply naman sila at sinabing pupunta.. Inulit ko pa nga yung SHARP, kase ayaw kong naghihintay at ayaw kong late.
Nagbihis ako at umalis patungo sa basketball court na lagi naming pinupuntahan pag maglalaro o magpapalipas ng oras.
Time check: 5:20
Maaga pa kaya mag sh-shooting muna ako. Para uminit naman yung mga kamay ko.
2v2 laban namin mamaya eh.
"Bro! Ang aga natin ah!" Pasigaw na sabi ni Ryan.
"Tsss... Buti, hindi ka late." Pumunta siya sa bench, at linagay yung bag niya.
"Asan yung iba? Wala pa ba?" Nak ng tokwa! Common sense?
"G@gO! Sa tingin mo ba andito na? Asan? Nakikita mo?" Pambabara at pami-milosopo ko sakanya..
At walangya.. Batukan ba daw ako.
"Fvck you dude." Masungit na sabi ko, at tinry kong tumakbo papalapit sa ring, para mag layup.
"Chill.." At nagtaas pa siya ng kamay na parang hinuhuli ng mga pulis.
Maya maya lang, dumating na si Kevin.. Bad trip na naman. Tss.
Ilang minuto lang din, dumating na si John.. At sumisigaw na. "Wohoo! On time ako!"
Pinagmalaki pa niya na SHARP 5:30 andito siya. Eh, kung napaaga kaya siya ng konti, siguro mas maganda.
"Game na!" Sagot naman ni Ryan..
Pero wala pa si Greg.. Saan na naman kaya yun?
"Tawagan niyo muna si Greg." Utos ko sakanila.. Aangal pa nga sila, kaso tinignan ko ng masama.
"Bro, busy yung phone." Lintik oh! Sabi kong SHARP.
Ilang minuto lang, dumating na siya..
"Tara laro na!" Andito na pala yung feeling prinsipe. Paghintayin ba daw ako?
"Late ka g@gO." Sagot ko sakanya, at bigla siyang tumawa.
"Tinatawagan ka namin, pero busy phone mo. Sino kausap mo?" Sabi naman ni Ryan, na parang nag i-investigate kay Greg.
"Isang matalik na kaibigan." Ramdam kong may iba kay Greg. Sa buong tropa, kami yung close. Kaya alam kong madami siyang iniisip.
"Oy mga loko. Maglalaro ba tayo o hinde?" Napipikon na tanong ni Kev. Tss.. Parang pinakuluan ng tubig yung ulo niya, sobrang init.
"Tara. Bad trip ang lolo." Pangasar pa ni Ryan. Gatungan ba daw? Di lang makaintindi eh.
"Shut up."
-----------
Putik na laro. Wala halos makashoot samin.
"Ayoko na." Biglang sabi ni Kevin at nag walkout sa court, tapos dumiretso sa bench.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?