Jen's POV
Ang sakit...
Gusto kong gumalaw. Gusto kong tumalikod. Gusto kong tumakbo. Pero lahat nang yun, di ko magawa.
Kahit nasasaktan ako na makita siya, hindi ko kayang tumalikod.
Bakit ba ganito? Bakit ngayon pa?
"Jen... Kanina ka pa na-----" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil nagulat siya sakin. "Bakit ka umiiyak?"
Hindi ako makapag salita kaya umiling nalang ako.. Sinubukan kong punasan ang mga luha ko, pero ayaw tumigil sa pagbagsak ang mga ito.
"Dapat yung mga nakakasakit sayo, iniiwasan. Kung masakit na.. Bitaw na. Tama na." Hinarap ko yung taong nasa tabi ko at yinakap siya ng mahigpit.
"Thank you Zac.. Pero di ko pa kaya." Bumitaw ako sa pagkayakap sakanya tsaka ko sila tinignan..
I guess, masaya na talaga siya sa piling ng iba. Halata naman sa ngiti sa mukha niya eh.
"Tara na.. Kanina pa sila naghihintay." Sinubukan kong maglakad palayo sakanya habang nakangiti. If he's happy then I will try to be happy too.
For him."Jen, umiyak ka ba?" Tanong ni Greg sakin pag lapit ko sakanila. Umiling naman ako tsaka ngumiti.
"Tara sa bahay?" Pag a-alok ko sakanila. Kaya ngumiti sila at pumayag. Sila pa ba?
-------
Pagdating namin sa bahay, dumiretso sila sa backyard. Pumunta naman ako sa kusina tsaka kumuha nang pagkain tsaka drinks.
Pero nakasalubong ko si Drew at mas matamlay pa siya ngayon compared kanina nung umalis ako.
"Drew, sama ka?" Umiling naman agad siya. Somethings really strange.
"Hey... Whats the matter with you?" Umiling ulit siya kaya mas lalo akong nag aalala. May mali talaga.
"Andrew... Anong problema?" Tumingin siya sakin and there I confirmed... You can see pain through his eyes. You can see that he's hurting deep inside.
"Its done... Everything." Those words that he said. Those struck me. Dahil dun, mas naramdaman ko yung sakit. I know kung anong pinagdadaanan niya.
"Gusto mo bang mag usap?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya. Kaya napa-iling din ako. Haaay! Why does he like to keep things just to his self?
"Magpahinga ka. Mag uusap tayo mamaya, whether you like or not." He just nodded and went upstairs to go in his room.
Pumunta ako sa backyard and there I saw my friends. Nag tatawanan sila, nag ku-kwentuhan. At nag aasaran.
Damn, mamimiss ko to.
Sobra.
"Oh Jen. Bat ang tagal mo?" Agad na tanong ni Greg sakin nung napansin niya ako na nakatayo sa likod nila habang pinagmamasdan ko sila.
Umiling ako at ngumit sakanila.
Those are my true friends right there.
"Jen.. Lumapit ka nga." Sabi naman ni Maya sakin, kaya sinunod ko. Mamaya, baka mag beast mode to.
Naguusap usap lang sila habang ako ay nag iisip.
"Guys.. Punta tayong Baguio." Yun nalang ang nasabi ko. Di ko alam pero gusto ko talagang umalis. Gusto ko nang quality time kasama ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?