Andrew's POV
Nung nagising ako, napansin ko si Jen na namumugto ang mata. Di ko alam kung dahil sa puyat lang siya o umiyak talaga siya.
Tsk.
"Jen, okay ka lang?" Tanong ko sakanya pero tumango lang siya. Ngumiti din siya kaso halata namang peke yun. It didn't even reach her eyes or ears.
Kanina ko pa siya pinag mamasdan at mukhang tulala siya. Wala siya sa sarili at matamlay siya.
Something's bothering her.
"Kanina pa siya ganyan." Napalingon ako kay Ken nung nagsalita siya. Napansin niya din pala.
Maya maya lang, nakarating na din kami sa Baguio. Ang tagal din pala nung byahe ah. Ilang oras ba yun? Oh well. I don't know.
Bumaba kaming lahat at kinuha yung mga gamit.
Jen said, we're staying at a rest house. Meron daw siyang nakausap na tao, so she decided to rent it.
She really prove that if theres a will, theres a way.
"Finally, nakarating din tayo." Komento nila.. Mukhang excited na sila maglibot. Pero etong pinsan ko, ang tamlay pa din. Walang buhay.
Ngumingiti naman siya pero halatang napipilitan lang siya.
Tatawagin ko dapat siya para kausapin siya at tanungin kung may problema siya, pero tinawag na siya ni Zac.
Siya na muna ang bahala kay Jen.
-----
Zac's POV
Sa buong byahe, gising lang ako. Nung nakita kong nalingat si Jen, halos tulala na siya. Ang lalim ng iniisip. Tapos paminsan minsan naman ay may mga luhang tumutulo sa pisngi niya.
Paniguradong, tungkol to kay Jeff.
G@g0 yun ah. Hanggang ngayon pa naman ba ay sasaktan niya pa rin si Jen?Bahala na siya.. Binitawan niya si Jen? Well, he will regret it.
Nag paraya ako dati dahil alam kong magiging masaya si Jen, pero ngayon.. Ang tanging nakikita ko nalang sakanya ay lungkot. She's no longer happy. Nasasaktan lang siya.
Kaya this time... Sisiguraduhin kong hindi na siya malulungkot. Po-protektahan ko siya. At hindi ko na siya pababayaan.
"Jen.. Para kang pinag takluban ng langit at lupa." Tinigan niya ako ng masama tsaka inirapan.
"Sobra ka." Alam kong sinusubukan niyang maging cheerful pero hindi lang talaga effective.
"Jen, ayusin mo nga sarili mo. Mukha kang zombie." Gaya nang ine-expect ko, iirapan na naman niya ako. Sunget.
"Mukha ka namang alien." Mataray na sagot niya sakin with matching rolling eyes pa.
"Ansabe mo?" Linapitan ko siya pero lumayo siya sakin. Kikilitiin ko dapat siya kaso parang naramdaman niya na gagawin ko yun.
"Sabi ko gwapo ka sana, kaso bingi." Aba. Aba.. Nanlalait ah. "Kaya mukha ka nang alien." Sabay dilat sakin.
Ganyanan pala ah.
"Nako Jen.. Nag kakamali ka. Eto, sa mukha kong eto to mukhang alien? Napaka gwapo ko naman. Ako na yata ang pinakamagandang alien sa buong universe."
"Oh pleaseee Zac.. Tama na, sumasakit na yung tyan ko sa kakatawa. Masyado kang nag jo-joke." Alam kong sarcastiko lang ang sinabi niya kase hindi naman siya tumatawa. In fact, iniirapan niya nga ako eh.
Nako, nahawa na siya kay Maya..
"Jen! Tara, punta tayo dun..." Speaking of... Tinawag na siya nila Maya, Hannah at Fhey.
----
Jen's POV
Ewan ko kung bakit wala ako sa mood. Tinatamad ako, at wala din akong gana.
Zac has been trying to cheer me up, pero kahit natatawa na ako, hindi ko pa rin magawang totoohanin ang mga ngiti at tawa ko.
Its just not right...
Ewan. Masyadong magulo. Hindi ko na alam.
But, I have to try. Kailangan kong subukan.
Ginusto kong mag outing kami, at mag stay dito para maging masaya and to make new memories. Kaya dapat hindi ko sayangin.
I need to be happy. I need to show that I am.
"Dito tayong lahat." Sabi ko kasabay nang pag pasok namin sa isang rest house. Hindi ganun kalaki, pero hindi rin maliit. Kasya na kami dito.
"May tatlong kwarto sa taas at isa dito sa baba.. Ayun." Sabay turo ko dun sa isang pintuan. Sinabi ko na din sakanila kung ilan yung mga kama.. at ngayon naman nag aayos na sila ng gamit.
Double beds yung nasa kwarto sa taas, tapos 2 separate beds yung dito sa room.
Nag decide sila na kami nila Maya, Hannah at Fhey ang dito sa baba, kase mas may space. Sila nalang daw ang bahala na mag decisyon sa taas.
"Tara, labas tayo." Pagya-yaya ni Hannah
"Sige, susunod ako.. Tawagin niyo na muna sila Zac." Tumango naman sila tsaka umalis sa kwarto.
Humiga ako pero tumayo din agad. Inaantok ako, pero ayaw ko naman magpa-iwan dito. Syempre, gusto ko mamasyal.
Paglabas ko sa kwarto, andun na lahat sila.
Pero may kulang...
Si Maya.
"Asan si Maya?" Tanong ko sakanila.
Napalingon naman sila sakin tsaka tinuro yung pintuan.
"May kausap sa phone." Tumango naman ako.
"Tara na sa labas." Sumunod naman kami kay Greg tsaka nag hintay nalang sa labas.
Andun kase si Maya, kaso nasa medyo malayo. Tsaka mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.
"Sinong kausap niya?" Tanong ko sakanila.. Most of them just shrugged their shoulders..
"Ewan." Tipid na sagot ni Greg na para bang naiirita.
Asus.. Nag seselos ang kaibigan ko. In love pa din siya kay Maya kahit in denial siya.
Maya maya lang, pinuntahan na niya kami.. Pero mukha siyang seryoso. At hindi mapakali?
"Saan tayo?" Tanong niya
"Kahit saan." Sagot ko naman kaya nagsimula kaming maglakad. Bahala na kung saan kami dalhin ng mga paa namin.
At least, magkakasama kami.
•••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?