Forever 13

44 2 0
                                    

Kenneth's POV

Napag isip isipan kong pumasok, kase wala naman akong magawa dito sa bahay.. Di ko naman masabihan na mag absent ang mga kaibigan ko, kase ayaw ko naman maging bad influence sa kanila.

Kahit ganito kami, may paki pa din kami sa mga academics at future namin. Minsan nga lang, nagkakatopak.

Pagkapasok ko sa classroom, tumahimik lahat.. Ewan ko ba kung ano na naman ang chismis.

"Tol, may meeting mamaya." Pambungad ni Greg nung pumasok siya. Magkaklase kasi kami.

"Geh." Tipid na sagot ko.

Nagdaan ang ilang discussions, tapos na dismiss na din kami dahil lunch na.

"Maya!" Tawag naman ni Greg kay Maya sa hallway, pero ngumiti lang ito at nag 'hi' tapos umalis din kasabay nung mga kaibigan niya.

"Anong problema nun?" Pagtatanong ni Greg

"Aba, malay ko sa'yo." Sagot ko sakanya, pero parang nagtataka siya sa mga actions ni Maya.

On the way papuntang caf, nakasalubong namin sila Kev, Ry at John.. "Mga dude! Saan tayo?" Pagtatanong ng madaldal na Ryan na parang puno siya ng energy.

"Ewan." Sagot ko sakanila kase sakin lahat yung tingin nila na hinihintay ako sagot ko. Wala na ba silang bibig?

"Ahh! Tara sa garden!" Biglang pagyaya ni Greg..

Wtfvck? Garden?

"Confirm?" Pangaasar ni Kevin sakanya.. Pero tinaas niya lang yung kamao niya na parang tinatakot si Kev.

"Miss ko lang kumain dun.." Rason naman niya..

Alam ko kung bakit..

Kase dun lang kami pumupunta pag kasama namin si Jen.. Ayaw kase niya ng masikip at maingay.. Kaya pag lunch time, dun kami sa garden.. Mas peaceful daw compare sa ibang lugar.

"Game." Pang-sangayon naman nila John.

Kaya no choice. Lets go somewhere, kung saan babalik ang mga memories.. GREAT.

Pero pagdating namin dun, agad naman kinuha nila Ryan at John yung isang table na malapit kila Maya..

"Hi Maya! Long time no see and talk." Masiglang bati naman ni Ryan.

"Hello Ry.. Oo nga eh. Matagal tagal na din." Tapos ngumiti siya ng pilit at muling tinuon yung atensyon niya sa mga kaibigan niya.

"Uy! Sama sama na tayo dito.. Meron pa naman space." Pagyaya naman ni John sakanila

But Maya refused.. "Wag na.. Okay na kami dito."

Ano bang problema nito?

"Bibili lang ako ng lunch natin.. Treat ko na." Wow ang galante naman ni Greg.. Bilang lang ang mga linilibre niya eh.

"Hindi okay lang.. Ako na ang bibili ng lunch namin.. Sabay nalang ako sa'yo.." Sabi naman ni Maya..

Kaartehan. Siya na nga ang ililibre, ayaw pa. Pakipot.

Ilang minuto din silang wala.. Medyo matagal tagal na din.

Ano ba naman yan! Gutom na ako.

"Greg! Maya! Bilisan niyo." Pagrereklamo naman ni Kev nung natanaw na namin sila.

Kaya napatigil sila sa pag ch-chismisan at binilisan maglakad papunta saamin.

"Ang tagal niyo." Komento ko sakanila pero hindi lang nila pinansin.. Ah, dedma pala. K.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon