Maya's POV
Agad kaming bumaba sa kotse at dumiretso sa information desk.
"Jenny Dominguez.." Sabi ko dun sa babae
Kinuha naman niya yung isang papel at ini-scan niya hanggang sa makita niya yung pangalan ni Jen.
"Nasa ER po siya.." Dahil sa gulat, hindi ako makapag react. ER? Emergency Room?
"Maya! Buti andi---- Andrew?" Napatingin lang si Kevin at Greg kay Andrew..
"Kamusta na ang pinsan ko?" Seryosong tanong niya
"Sinugod siya sa ER. Mababa ang heart beat ni Jen. Kaya hindi pa siya ma i-check up ng maayos."
"Where is she?"
"Tara.." Sinundan lang namin sila Greg hanggang makarating kami sa labas ng ER. Nakasarado ang pintuan kaya hindi kami makapasok, tsaka bawal.
Umupo kami at naghintay.
Habang lumilipas ang oras, hindi na kami mapakali.. Wala pa din kaseng balita kay Jen. Hindi pa lumalabas ang doctor, kaya wala kaming idea kung ano nang nangyayare sakanya.
I heard Andrew whispered something habang nakayuko siya. "Jen, lumaban ka. Don't leave me. Don't leave us."
Magsasalita sana ako pero biglang lumabas ang dalawang doctor kaya napatayo kaming lahat at lumapit sakanila.
"Doc, how is she?" Tanong ni Andrew sa mga doctor.
"Unstable pa din siya. Pero shes better now, compare to her condition earlier.. Nahihirapan lang kami kase mahina ang puso niya. We can't do the tests right now, baka hindi niya kayanin. Ililipat namin siya sa isang pang room, para ma observe yung kalagayan niya."
"Pwede po ba namin siyang makita?" Tanong naman ni Greg.
"For now, you can't.. Pag nalipat na siya, pwede na. But, you won't be able to talk to her." Dahil naman sa sinabi ng doctor, agad nagtanong si Kevin.
"What do you mean Doc?"
"She's still unconscious.. Anyways, we'll go ahead. We'll check on her after an hour or two."
Naghintay naman kami hanggang makalipat ng kwarto si Jen. Nakaupo si Andrew sa tabi niya, habang nakaupo kami nila Kevin at Greg sa couch..
"Pwede na kayong umuwi, para magpahinga. I'll stay to watch over her." Sabi ni Andrew but we all insisted na mag stay. Ayaw kong umalis ngayon. Hindi pa nagigising si Jen.
"Lalabas lang ako.. I'll call Tito." Tumango naman kami kaya lumabas na siya. Kami naman ngayon ang nasa tabi ni Jen.
Ang tahimik lang namin. Lahat kami ay pinagmamasdan siya. Ang putla niya. Parang wala ng dugo ang dumadaloy sa katawan niya.
Hinawakan ko yung kamay niya, and damn. Ang lamig. As in, malamig talaga. Para siyang yelo.
"Jen.. Wake up." Sabi ko kahit hindi ko alam kung naririnig niya ako.
Tinignan ko si Kev at Greg dahil tahimik lang sila. Nag papalitan lang sila ng tingin.
At parang alam ko ang iniisip nila..
"Wag na wag niyo itong sasabihin kila Fhey, Hannah, Ry, John, and even Ken. Magagalit saatin si Jen."
Nagkatinginan lang sila tapos biglang lumapit si Greg kay Jen, at pinunasan niya yung mukha niya.
"Lumuluha siya.." Aniya
"Maya, diba nakausap mo si Ken? Ano daw nangyare?" Tanong naman ni Greg sakin kaya napaisip ako.
"Ewan.." Alam kong hindi sila naniniwala na ewan lang, pero hindi na sila nagtanong pa. Mabuti pa yon, dahil baka maginit pa ang ulo ko dahil sa g@gO na yun.
Maya maya lang, bumalik na si Andrew at sinabi niyang papunta na dito sila Tito at Tita.
"Uh, bibili lang kami ng pagkain at prutas." Bulong na sabi ni Kev sakin. Tumango ako at umalis na sila ni Greg.
Ay pakshet! What IF, hindi pala talaga sila bibili nang pagkain at puntahan nila si Ken. Ugh! Yung mga yun, pepektusan ko talaga pag nalaman kong sinabihan nila yung asungot na yun.
"Uh, Andrew? Ano yung ibig mong sabihin kanina? Yung hanggang may oras pa." Napatingin siya sakin tapos kay Jen. May ipinararating ba siya?
"Aalis ba ulit si Jen? Mawawala ba siya?" Hindi ko na napigilan mag tanong kase talagang curious lang ako.
"Ah.. Hindi pa ba-----"
"Drew? Maya?" Hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil napalingon kami agad dun sa nagsalita..
"Jen!" Pasigaw pa ako dahil excited ako. Gising na siya!
"You're awake.." Napangiti naman si Drew sa pinsan niya.
Susubukan palang dapat ni Jen ang tumayo pero pinigilan namin siya..
"Bakit andito ako? Uwi na tayo.." Ang kulit pa din neto. Ayaw na ayaw niya pa din ang hospital. Nakakakita ba siya ng mga bagay o tao na hindi namin nakikita?
"Hindi ka pa pwede.." Sagot ko naman sakanya kaya napasimangot siya.
"Pa cute effect, doesn't work. You will need to stay here." Ayun oh! Natumbok ni Andrew..
"How are you feeling?" Tanong naman ni Andrew sakanya kaya nag thumbs up siya at ngumiti.
"Feeling greaaaaat." Yun ang sabi niya, pero alam naming lahat na hindi siya okay.
Kahit kelan, lagi nalang niya tinatago ang nararamdaman niya.
Habang naguusap kami, dumating naman sila Tito at Tita kasabay nila Greg at Kev. And infairness, may pagkain nga silang dala.
"Pa, Ma, dapat hindi na kayo pumunta. I'm perfectly fine." Yun agad ang sinalubong niya kila Tito at Tita
Ayaw niya talagang may nagaalala sakanya.
"Maya, Greg, Kevin, pwede na kayong umuwi.. Kami na ang bahala kay Jen. Diba, may pasok pa kayo bukas?" Ay oo nga pala.. For a moment nakalimutan kong may pasok.
"Ah sige po Tita.. Babalik nalang po kami bukas." Tinignan ko si Jen at sinamaan ko siya ng tingin. "Magpagaling ka.. Goodnight."
Tumawa siya tapos kinindatan niya ako. "Yes Ma'am! Para makauwi na din ako." At nag salute lang din siya. Baliw talaga siya kahit kelan.
"Jen, mauna na kami.. Get well soon." Sabi naman ni Kev sakanya kaya ngumiti lang siya
"Yes Sir.."
"Wag kang magpapagod.. Go rest. See you tomorrow." Sabi naman ni Greg.
"Aye aye Captaaaain!"
Haaay, ang kulit pa din niya.
Nang tuluyan kaming makarating sa parking lot, naghiwalay na kami ng landas.
Si Greg nalang daw ang maghahatid kay Kev, kaya ako lang magisa ang nasa sasakyan ko.
Habang nag d-drive ako, napaisip ulit ako dun sa sinabi ni Andrew. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin sa 'hanggang may oras pa'.
Hindi ko talaga ma gets.
Kailangan ko ng sagot sa tanong ko. Because curiosity is killing me.
••••••••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?