Forever 39

30 1 0
                                    

Maya's POV

Nung nagyaya sila na pumasyal, at syempre game ako. Sayang naman kung hindi ko susulitin. Tsaka, at least walang stress ngayon. Ang daming kailangan na tapusin sa school. Since graduating na kami, iba talaga ang torture saamin. Pinagsabay sabay ba naman ang mga reports at projects. Tapos may mga test pa na gagawin.

Bwisit. Pasakit talaga.

"Sige susunod ako.. Tawagin niyo na muna sila Zac." Sabi naman ni Jen kaya lumabas kami sa kwarto at umakyat sa taas para katukin sila Greg.

Nung natawag na naman sila, bumaba kami at hinintay si Jen. Ang tagal naman ng babaeng yun. Alam naman niya na ayaw kong pinaghihintay ako.

Tsk.

Pagong talaga.

Pupuntahan ko na dapat siya pero biglang nag ring ang phone ko.

Pagkatingin ko sa phone ko, nakita ko yung pangalan ni Jeff.

"Hintayin niyo nalang si Jen, lalabas lang ako. May tumatawag." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at lumabas agad ako.

Lumayo ako dun sa rest house kase baka hindi ko sila mapansin na nasa likod ko na pala sila, at baka marinig nila ang paguusapan namin.

"Oh?" Bungad ko sa tao sa kabilang linya.

"Maya, please help." Ibang boses ang narinig ko. At boses babae. Asan si Jeff? Bakit iba ang may hawak ng phone niya?

"Abby?" Tanong ko sa kabilang linya.

Siya nga.. Familiar ang boses niya.

"Ako nga to.." Mukhang malungkot ang boses niya. May nangyare kaya?

"Bakit ka napatawag?" Naguguluhang tanong ko.

"Si Jeff kase..." Tumigil siya sa pagsasalita at huminga ng malalim. Alam ko, kase dinig ko yun sa telephono.

"Anyare?" Tanong ko naman sakanya, pero it took her a few seconds before siya mag respond.

"Hinahanap niya si Jen. Andito kami ngayon sa ospital. Sinugod namin siya dito. Inaapoy siya ng lagnat, pero ayaw naman niyang kumain, o uminom ng gamot. Ang tanging sinasabi lang niya ay ang pangalan ni Jen." Napailing nalang ako sa narinig ko.

Bakit ba kase kailangan nilang mag break eh kung parehas pa nilang mahal ang isa't isa?

"Nasa Baguio kami ngayon." Panimula kong sabi sakanya.. "Pero, sasabihin ko nalang kay Jen ang tungkol kay Jeff. Babalitaan nalang kita."

Alam ko na sa oras na malaman ni Jen ang tungkol dito, ay panigurado na pupuntahan niya si Jeff sa ospital.

"Salamat Maya.."

"Geh."

Pinatay ko yung tawag at naglakad pabalik kila Greg. Andito na pala sila sa labas.

"Sino yun?" Tanong ni Jen, kaya natameme ako. Hindi ko kase alam kung sasabihin ko sakanya.

"Maya?" Tawag niya sakin, kaya napailing nalang ako.

"Si Mama, may tinanong lang." Tumango naman siya at nagsimulang maglakad. Kaya sumunod nalang ako sakanila.

Gusto kong sabihin sakanya ang tungkol kay Jeff ngayon, kaso kailangan ko nang good timing. Baka madulas ako, at masabi pa ang mga ibang napag usapan namin ni Jeff.

Im just worried.

Kase baka magalit si Jen. Tsaka panigurado na pag nalaman niya, hindi siya papayag.

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon