Jen's POV
Sinabihan ko sila na tawagin ang doktor dahil kakausapin ko. Sumunod naman sila kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto kasama si Drew.
Hindi ko na tinawag sila Mama dahil mag aalala lang sila at hassle pa pag pumunta sila dito. Ang haba ng byahe. Tsaka take note na baka traffic.
"Please, hayaan niyo na po akong ma discharge. Malakas na po ako." Pilit kong kino-convince si Doc pero ayaw niya talaga kaya tinignan ko si Drew. Buti nalang talaga tinulungan niya ako kaya sa wakas ay pumayag din si Doc.
Phew.
"Thank you." Sabi ko kay Drew nung lumabas na ang doktor.
Umiling lang siya at bumuntong hininga.
I know, hind siya sang-ayon sa plano ko, but dahil hindi niya ako matiis ay pumayag siya.
"Tara na." Lumabas kami at mukhang gulat na gulat sila nung makita nila ako.
"Okay kana ba?" Tanong ni Ken saken kaya tumango ako.
"Babalik na ba tayo sa Pampanga?" Tanong ni Greg kaya umiling ako.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Hannah kaya napangiti ako.
Somewhere special.. Somewhere na magiging malaking parte ng barkada. This will have the best memories of this group.
"Tara, susunduin natin si Zac. Tsaka kukunin na natin yung mga gamit." Sumunod naman sila tsaka kami sumakay sa sasakyan.
Nag commute naman ang iba dahil hindi kami kasya.
Wala pa kase si Manong. Pero para hindi hassle ang byahe sa pupuntahan namin ay hihintayin na namin siya. Para naman hindi na kailangan mag taxi ang iba. Kawawa naman sila. Nakakapagod kaya ang ganun.
-----
Pagdating namin sa rest house, nakita ko na nakaupo sa labas si Zac na malayo ang tingin. Pagbaba namin ay binigyan ko nang sign si Maya na pumasok na muna dahil kakausapin ko si Zac.
Aalis na dapat si Jeff pero pinigilan ko siya. I want him to be a part of this trip. Gusto ko din siyang makasama.
Umupo ako sa tabi ni Zac pero hindi siya kumikibo. Aisssh! This guy.
"Oy." Tawag ko sakanya pero wala man lang siyang sagot.
"Wuy Zac." Kagaya kanina, ganun din. Tignan mo to, hindi ako pinapansin.
Ahh.. Ganyanan pala ah.
"Aray.. Aray.. Zac, tulong..." Agad naman siyang lumingon saken tsaka ako tinanong kung anong masakit at kung okay lang ako.
"Jen, okay ka lang?" Nagaalalang tanong niya kaya napangiti ako.
"Sabi na eh, hindi mo ako matitiis." Agad naman siyang lumayo sakin at mukhang nagtampo ang loko. Tsk.
"Zac naman eh.. Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo. Iniiwasan mo ako. Lumalayo ka sa grupo. Ano bang problema?"
There was silence between us.
Pero maya maya lang sumagot siya.
"Sorry."
Yun lang ang sinabi niya pero nakita ko na merong luha ang mga mata niya.
"Zac, hin----" pinutol niya yung sasabihin ko at nagsalita siya.
"I just don't want to lose you. Ayoko na mawala ka. Ayoko na masaktan ka. Jen, mahal kita. Mahal pa din kita." Nagulat ako dahil hindi ko expect na yun ang sasabihin niya.
Magsasalita na sana ako pero nagsalita ulit siya.
"You don't have to say anything. Gusto ko lang sabihin sayo. Gusto ko lang na malaman mo na andito pa rin ako para sayo. Hindi mo ako kailangan mahalin, dahil alam kong siya pa rin. Siya pa rin ang tinitibok ng puso mo. At alam ko din na walang makakapalit sakanya. He's the only man that you truly loved with all your heart. And its fine.." Somehow ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. At bakas sa boses niya na nasasaktan talaga siya.
And I feel bad. Na gu-guilty ako kase this guy beside me.... Never niya akong sinaktan. Never niya akong iniwan. All he ever done was sacrifice for me. Wala siyang ginagawa kung hindi mahalin ako. Even from a far. Kahit alam niyang may iba akong mahal.
"Kahit masakit, okay lang.. Kung siya ang makakapag pasaya sayo, gaya ng dati, ako na ang lalayo." Dahil sa sinabi niya, natawa siya. Kaya nagtaka ako. "Nung nalaman kong sinaktan ka niya. Na pinagpalit ka niya. Nagalit ako. Nagalit ako sa kanya at lalong lalo na sa sarili ko. Kase naisip ko na bakit ko hinayaan na masaktan ka niya. Na kung bakit ako lumayo at bumalik sa China at iniwan ka." Tumigil siya at tinignan niya ako. Pero iniwas niya agad ang tingin niya.
"Tapos one time.. Sinabi ko na hindi na kita hahayaan na masaktan. Na never na kitang isusuko. Na hindi kita iiwan kahit andyan pa siya. Pero parang eto na naman ako. Parang de javu lang eh. Dahil ngayon, pinipili ko na hayaan siyang magpasaya sayo. Wala na din akong magagawa."
Naiiyak na ako dahil sa mga sinasabi niya. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya. I don't wanna see him like this. Because he's important to me.
Mahal ko siya. Pero not the way na mahal niya ako. Hindi siya mahirap mahalin pero wala akong magawa dahil si Jeff pa din ang mahal ko.
"Zac, sorry... Sorry dahil nasasaktan ka. I know, kahit ilang beses ako mag apologize sayo, hindi mawawala ang sakit na dinudulot ko sayo. Sorry. Kung pwede ko lang diktahan at turuan ang puso ko."
Tinignan niya ako at ngumiti. It was a smile that was real. But it was a sad one.
"No, okay lang.. Alam ko naman na I can't you make you happy like he does." Sa sinabi niya, mas nasaktan ako para sakanya. Kase alam ko yung feeling.
Naramdaman ko na yun.. And that was when na realize ko na mas napapasaya ni Abby si Jeff kesa sakin.
"Zac, napapasaya mo ako. Wag mo isipin na hindi. Pero ayokong mag sinungaling sayo.. Gusto ko na kasama natin ngayon si Jeff. Alam kong ang epal ko, pero sorry.."
I know parang ang sama ko. Pero its better to hurt him with the truth than to comfort him with a lie.
Dahil someday, naniniwala ako na makakakita siya ng tao na makakapag pasaya sakanya.
And I hope that day would come soon. Dahil deserve ni Zac ang sumaya.
He also deserve to be loved.
Sana dumating na siya....
Kung sino ka man, paki bilisan mo naman, naghihintay na ang knight and shining armor mo na prince charming.
Hindi ka malulungkot, iiyak, o magsi-sisi na siya ang minahal mo.
Dahil.... nasa kanya na ang lahat.
•••
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?