Jenny's POV
Simula nung nalaman ko na babalik kami sa Pinas, nag-ayos na ako ng gamit.. Konti lang naman yung dadalhin namin, pero mas maganda kung ayos na ang lahat.. 2 days nalang makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko sa Pinas..
Nakausap ko na din sila Greg at Maya, at mukhang excited silang malaman yung sasabihin ko pero sekreto muna.. Si Kenneth naman... Um? Tinext ko siya pero di naman sumagot. Bahala na.. Baka busy lang siya.
Habang nag di-day dream ako, bigla na lang may kumatok sa kwarto ko.
"Pasok." Tipid na sagot ko.
Bumukas naman yung pintuan at nakita si Kuya Andrew kasama si Riza.
"Ate, yung meds mo daw." Pagpapaalala sakin ni Riza.. Tsk, di ko naman kailangan eh. Madalang nalang ako atakihin ng sakit ko.
"Ah.. Oo, naka ready na." Pagsisinungaling ko, kase hindi ko pa naman kinuha yung mga gamot ko.. Andun pa rin sila dun sa bag na dinala ko papunta dito. Di ko naman kasi ginalaw ang mga yun.. Only once, nung naramdaman ko lang na nahihirapan akong makahinga.
"Riza, mauna kana.. Tita might be looking for you." Tumango naman yung kapatid ko, tsaka umalis.. Tskk.. Kung di ko lang alam na may sasabihin to, aysss.. Ewan.
"Spill." Agad kong sabi sakanya, kase nakatingin lang siya na para bang sinasabi na 'tsk-stubborn'..
"Admit it.. Di ka umiinom ng meds mo." Wow.. Nurse pala ang pinsan ko, bakit di ko alam? At eto pa! May kakayanan siyang magbasa ng isip.
"Tita said you take them daily.. You need to. Pero since matigas ang ulo mo, you insist that you're fine." Lumapit naman siya sakin, at kinuha yung isa sa mga bag ko. Di ko alam na may pagka security guard pala to.. "Eto.. Isa lang ang kulang.. Which means, di ka umiinom.." Sus! Para yun lang?
"Concern ka?" Pangaasar na tanong ko sakanya at siniko siko ko siya..
"Not my point Jennifer Lee-Dominguez." Waaah! Jennifer ba daw? Jenny lang yung name ko. Nakaka disappoint ha. Di alam ng sarili kong pinsan ang name ko.
"Correction. Its Jenny. Not Jennifer." Saan naman kaya niya nakuha yung Jennifer? Alam ko na malapit lang yun sa name ko, pero siguro naman, alam niya yung difference sa Jenny at Jennifer.
"Sorry.. You just have the same name as ----" hinihintay kong sabihin niya kung sino yung natawag niya, but he didn't bother telling me. In fact, pinagalitan pa niya ako. Kakaiba ang pinsan ko! Nurse, Security Guard, at Teacher... Wow!
Blah blah blah... Nag speech pa siya.
"Pag tuluyan bumalik yung pagatake ng sakit mo, ikaw din yung mahihirapan.. You should take your meds. No one wants to lose you." Yun pala ehh.. Akala niya mamamatay ako.. Ang OA niya din.. Buhay pa kaya ako.
"I'm not dying. My heart is strong.. Don't worry about me and my condition, and stop lecturing me about my meds, please? Kuya Andrew, hindi ako mawawala.. Well, hindi PA.. Kaya don't overreact. Sobra ka eh." Tapos inakbayan ko siya at pinisil yung cheeks.. Ewan ko, hilig ko lang mangasar..
"Free blush on." Dagdag ko pa sa sinabi ko..
Pero seryoso pa din siya.. Ano bang nakain nito? O baka naman, hindi pa siya kumakain?
"Take your meds.. Or I'll tell on you." Isumbong ba daw ako? Aisssh! Akala ko ba, kakampi ko siya? Ang daya! Di ko naman kasi kaclose ang mga gamot.. I dislike them..
"Baka ma overdose ako. I'm not feeling anything, and yet you want me to drink my meds? Aww! You want to die no?" Ooppss! Mali yung huli kong sinabi.. Yan tuloy mas naging seryoso pa siya!
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?