Forever 42

26 1 0
                                    

Maya's POV

Ewan ko kung galit or kung nagtampo lang si Jen, pero dedma lang siya sakin kanina pa.

Shet kase Maya. Bakit hindi mo nalang sinabi? Nag dalawang isip ka pa kase. Tignan mo ngayon ang nangyare.

Tsk..

"Guys, tara!" Tawag saamin ni Fhey kaya pumunta kami sa kusina.

Lahat kami andito na, pero wala si Jen..

Tatayo na dapat ako para puntahan siya, kaso inunahan na ako ni Hannah.

"Jen, dali! May gagawin tayo.." Agad na bumalik si Hannah, pero siya lang mag isa.

"Inaantok daw." Pssh.. Ayaw niya lang sumali, dahil andito ako, at iniiwasan niya ako.

"Ako na ang tatawag." Pag pi-prisinta ni Zac pero tumayo si Ken at pumunta sa kwarto at kumatok. Pero sumunod din si Zac.

Hay nako..

"Ken, ako na nga ang kakausap."

"Ako na Zac."

"Nauna ako."

"Wala akong paki."

"Ako na kase sabi."

"Ka----" naputol yung sasabihin ni Ken dahil bumukas bigla yung pintuan.

"Tumigil nga kayo. Para kayong mga bata." Linagpasan ni Jen yung dalawa at pumunta saamin sa kusina.

"Anong meron?" Walang buhay niyang tanong. At hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Maglalaro tayo." Sagot ni Fhey, pero tumayo siya tsaka naglakad papuntang sala. "Dito tayo. Mas madaming space."

Kaya eto kami, sumunod.

At eto pa! Nag kasagutan na naman si Ken at Zac dahil pareho nilang gustong tumabi kay Jen.

"Jen, tabi tayo." Sabi ni Ken kaya tumango siya.

"Ako dapat katabi niya." Pagrereklamo ni Zac. "Naunahan mo lang ako."

"Wala din akong paki." Naiiritang sagot ni Ken.

"Tumigil kayo." Halata sa boses ni Jen na napipikon din siya. Sino ba naman ang hindi, eh parang mga bata kung umasta yung mga to.

"Siya kase."

"Ikaw kaya."

"Hindi, ikaw ang may kasalanan."

"Anong ako?! Sabing ikaw."

"Wala akong ginagawang masama sayo."

"Me---"

"SABI KONG TUMIGIL NA KAYO!" Tumayo si Jen tsaka lumipat sa kabilang side ng pinsan niya. At ngayon, nasa gitna siya ni Kevin at Andrew.

"Yan kase."

"Kasalanan mo yan."

"Ika--"

"Hindi niyo ba naiintindihan ang salitang tumigil?" Seryosong tanong ni Andrew sa dalawa kaya natameme sila.

Buti nga sakanila.

"Makikinig na ba kayo or mag aaway pa kayo?" Tanong naman ni Fhey na mukhang hindi na makapag hintay na maglaro.

Walang sumagot which means... Yes.

"Alam niyo naman yung 2 truth and 1 lie, dba?" Tanong niya saamin kaya tumango kami

What It Takes To Believe In ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon