Jen's POV
Andito pa din kami sa labas at pinaguusapan namin yung Magical Night Dance.
Kung sino ang magiging ka date, first and last dance, tsaka yung ride papunta. Especially yung susuotin.
Habang naguusap kami, bigla nalang umulan.
"Sign na to para magsi uwian!" Sigaw naman ni Ryan habang tumakbo kami papasok sa kusina.
"Siguro nga.." Bakas sa boses ni Fhey ang pagod. Anong meron?
"Osige Jen, mauna na kami. Sa susunod nalang." Tumango ako kay Maya at sabay sabay na silang lumabas. Hinatid ko sila hanggang sa gate.
"Alis na kami." Lahat sila umalis na except kay Ken na ngayon ay nakatingin saken.
At alam na alam ko yung mga tingin na yon. Kaya pinilit kong ipakita na ayos lang ako. Ngumiti ako at nag thumbs up.
"Ayos lang ako. Pwede kana umuwi, gabi na din." Linapitan niya ako at yinakap. Tapos hinalikan niya yung noo ko.
"Pasok kana. Goodnight Jen."
-------
Dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng damit at pumunta sa banyo para maligo at mag ayos na para matulog.
Mas nakakatulog ako pag malamig ang feeling. Yung para bang fresh. Kase may peace sa mind ko. Hindi ko na kailangan magpaantok.
Nang pahiga na ako, may naramdaman akong footsteps na papalapit sa pintuan ko. And I was right, maya maya lang may kumatok na.
"Jen? Pwede ba tayong magusap, anak?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang naglakad ako papuntang pintuan at buksan ito.
"Ma? Pa? Tungkol po saan?" Pumasok naman sila sa kwarto ko at pinaupo nila ako sa kama ko tapos si mama, hinaplos haplos niya ang buhok ko.
Si papa naman nakatayo lang pero nakatingin saken. May kakaiba...
"Anak, gusto sana namin ng papa mo na gawin na ang operasyon sa lalong madaling panahon." Kahit nakaupo ako, feeling ko nanghina ako. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa narinig kong balita.
Is this it na ba talaga?
"Kailan po?" Hindi ako handa... Natatakot ako, pero paano ito? Baka ito nalang talaga ang paraan.
"If maari, the day after tomorrow na. Yun ay kung ayos lang sayo Jen.. Handa kana ba Anak?"
Natulala nalang ako... The day after tomorrow? Meaning na gagawin kaagad ang operasyon.
Tumango ako kila papa at mama.. "Kung iyon po ang makakabuti. Sige po." Yinakap nila ang ng mahigpit at muntikan na akong maiyak pero pinigilan ko. Hindi pwede, kailangan kong maging matatag para sakanila.
"Goodnight anak."
-----
Humiga ako pero hindi talaga ako makatulog. Aisshhh! Ano na ngayon gagawin ko?
Hindi ko mapigilan maisip yung operasyon ko. Hindi pa ako handa. Natatakot ako.
Umupo ako tapos humiga. Tinignan ang oras. Tinignan ang phone. Tapos umupo.
Ilang beses ko yan inulit ginawa. Nagmukha na akong tanga. Hindi ko na talaga alam... Itutuloy ko ba? Hahayaan ko ba na may magbigay ng puso para saken?
Nakokonsensya ako...
What if I don't deserve that person's heart?
Tsaka... Ayaw ko naman agawin ang puso ng ibang tao para lang gamitin sa sarili ko. Ang unfair non.
BINABASA MO ANG
What It Takes To Believe In Forever
Teen FictionThey say... Forever doesn't exist. And its foolish to believe in it. Because everything that has a beginning has an end. I once read that forever was just a word and it is not real. So now I'm wondering... What does it take to believe in forever?