Chapter 1 - First day, First Nightmare

1.3K 29 0
                                    


First day? Tss. Wala naman bago.

Katulad lang to nung Junior high ako, Boring.

Haha. Joke, transferee ako so may konting bago naman siguro.

Galing akong Eastwood University e gusto ni papa sa Greyson University ako mag aral dahil dun na din daw ako kukuha ng College.

Since First day naman to. Okay lang siguro malate. Tsaka ayoko pa pumasok. Mas gusto ko pa magpractice ng karate kay papa.

Opo, marunong ako ng karate kaso konti lang. Kailan ko lang kasi napapayag si papa naturuan ako. Ayaw daw nyang konsintihin ang pagiging---

"Cassandra! Anak! Bumangon kana baka malate ka nyan sa school!" Sigaw ng mahal kong nanay. Hmmp mamaya na nga ang kwento.

Mabilis lang akong naligo at kinuha at sinumulan ko ng suotin ang Uniform ko.

Tumingin ako sa Salamin. Napangisi ako. Okay na okay na ako para sa First day of school. Tsaka wala naman nakakaexcite dito.

Pababa palang ako ng hagdan nakasimangot na si Mama.

"Ma naman, ang aga nyan." Nakataas ang isa kong kilay.

Dont get me wrong ganito talaga kami sa isat isa.

"Eh tingnan mo naman yan suot mo. Papapasukin ka ba ng guard sa inyo?"

So ako naman ito, tiningnan ang sarili papataas.

Nakauniform ako. So?

"Ma, nakauniform po ako." Sagot ko sa kanya.

"Alam ko pero bakit naman ganyang kahaba ang palda mo. Ang luwag luwag pa nung uniform mo. Asan na yun binili ko sayo. Para kang manang anak. Ang ganda ganda mo pa naman."

I secretly roll my eyes. At lumapit sa nagde-demand kong ina at niyakap sya mula sa likod.

"Ma, Senior Year na po ako. Wala ng kaso sa kanila to. Tsaka eto naman po yun lagi kong pormahan diba?" Nakangiti kong sambit.

She sighed. "Pero dalaga kana anak ko. Tsaka ipakita mo naman sa kanila ang lahi natin."

Nangiti ulit ako. "Si mama talaga. Kain nalang po tayo at baka malate pa ako."

Sabay sabay kami umupo ng dumating si Papa.

"Magandang Umaga sa Prinsesa ko."

Nagpout ako. "Pa naman e. Prinsesa ka dyan."

Ngumiti sya. "Pagbutihan mo sa pag aaral mo ah."

Nangiti narin ako. "Opo naman po."

Tapos nagsimula na kaming kumain.

*********

Habang naglalakad ako papuntang School. Medyo malayo pero mas bet ko ang maglakad kesa Magaksaya ng pamasahe.

Gusto nio ba magpakilala na ako?

Hehe.

Im Cassandra Cavalli, 18 years Old. Senior Year na. Hmm.. Yun lang.

Haha. Fine, maganda daw sabi ng parents ko. Pero ayoko ng maganda noh. Medyo matangkad. Tss, bahala na kayo umalam nun.

Ang baduy ng ganito.

Sabi nila lalaki daw ako.

Gets niyo na?

Hindi ako tomboy ah! Nako yari ako sa papa ko tsaka ayoko maging tomboy noh! Ganda ko lang.

Pero medyo boyish po ako.

Loud talk. Laging nakakunot ang nuo. Lagi akong may dalang Cap. Mas gusto ko talaga ang laging nakasumblero. Tulad ng sabi ng mama ko, manang kung manamit. Pero maka manang naman si mama. Boyish look lang. Mas okay ako doon. Komportable ako.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon