DAY 1

15.9K 234 11
                                    


SEQUENCE1
INT/MAINE'S HOUSE (dining room) very homey ambiance

Masayang nagbe-breakfast ang pamilya Mendoza, masasabing nakakaalwan sa buhay ang pamilyang ito. Topic ang nalalapit na pagpasok sa kumbento ni Meng

DADDY DOM (56 yrs old, dignified looking but super cool dad): iha sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Baka naman napressure ka lang sa lola mo.

MOMMY ISADORA (53yrs old, super pretty at very sexy pa din): oo nga naman meng, Dalawa na nga lang kayo ng kuya mo na kasama ko dito lagi sa bahay tapos lalayo ka pa sa amin.. (sabay punas ng luha)

MAINE (24yrs old, pang model ang dating): mom dad, im sure about this at hindi po ako napressure...

KUYA PAO ( 30yrs old,baklush, sikat na stylist of the stars, ): ay naku meng are you really sure? Feeling ko dahil lang sa nasasaktan ka pa din dahil sa last relationship mo, move on gurl... gusto mo hanapan kita ng blind date? Marami akong kilalang mowdel

MAINE: kuya this has nothing to do with James (meng's ex-boyfie), may gf na yung tao, hayaan na natin sya..

DADDY: exactly iha, baka kaya lang gusto mong pumasok dun dahil kay james... 'nak hindi porket nadapa ka sa kanya eh hindi ka na pwedeng bumangon sa iba... im sure may lalaking karapat dapat sa iyo, ang ganda ganda kaya ng baby ko...

KUYA PAO: dad ang drama na ditey, ano ba yang pagbangon pagbangon na yan, mauna na po ako sa inyo... may meeting pa kami for the dress rehearsal... oy ikaw menggay mag usap tayo pagdating ko ha... ( halik sa pisngi ng parents at meng)

MOMMY: Pao dont forget yung reunion natin next week..

KUYA PAO: yes mom! Bye!


SEQUENCE 2
INT/NIGHT
BEDROOM


Nakahiga lang si maine sa kama, nag iisip maigi... Naaalala ang mga moments with James ( college sweethearts sila, nerdy type si james, naassign sa new york at doon nakahanap ng ibang babae)
Naiiyak sya habang binabalikan ang mga moments

MAINE: akala ko kaya kong isipin na may iba ka na... ang hirap hirap pala....
Lord, sana po i-guide mo ako sa desisyon ko... alam ko pong mas tamang kayo ang piliin ko at maglingkod po sa inyo....


SEQUENCE 3
INTERIOR/BAR

ALDEN(28 years old, model, may pagkaplayboy ang image): tol negative talaga ako dyan sa pinapa-date mo sa akin.

JOEY (28 yrs old, barkada ni ALDEN): Pre bakit ayaw mo pa Judith, maganda at sexy naman ah

ALDEN: pre naman, para mo naman sinabing lahat ng babae eh patulan ko na lang..

JOEY: hindi ba pre? Hahahah sayang din yun

ALDEN: hahahha ulol! Tapusin na nga natin ito at ng makauwi na, maaga pa call time ko bukas


SEQUENCE 3
NIGHT/INTERIOR SHOWER

makikita through smoke glass na nagsho-shower si alden... then change shot, kita na half body habang nag sho-shower,( laruin ang shots while nasa shower, dapat lumabas ang image na very manly at very sensual, after a while labas ng banyo, nakatapis ng towel, suot ng brief at pajamas... higa sa kama... pray and patay ng ilaw ng lampshade... tulog....

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon