DAY 26-D

3.6K 190 8
                                    

Sorry for this update, medyo nawa-waley kasi ang utak ko, pakihanap naman 😆..... Too many ideas sa utak ko na medyo nahihirapan ako kung saan ipapasok sa story..and this one, kailangan ko talagang itawid eh... sorry....✌

SEQUENCE 227
NIGHT/INT DEN

Matapos mag dinner, nagkwekwentuhan/interview na kay Alden ang parents ni Maine.

DOM: Iho hindi ba't nag retire ka na sa model, so anong pinagkakaabalahan mo na ngayon?

ALDEN: Tutulong po ako sa family business namin sa Batangas sir.

DOM: Hmmnnnn that's good.... May I know kung anong business nyo?

ALDEN: May maliit po kaming farm at taniman ng mais.

PAO: Dad, pahumble lang yan, aside sa farm nila, lima din ang gasoline stations nila sa  Batangas.

ALDEN: Hindi naman po sa akin yun, sa parents ko po iyon.

ISADORA: Humble nga..

DOM: Alam mo sa totoo lang may napapansin ako sa tinginan nyo nitong Menggay ko eh, magtapat nga kayo sa akin, manliligaw ka pa lang ba talaga o boyfriend ka na niya?

Mapapalunok si Alden dahil halatang kinabahan kaya naman sasaluhin siya ni Meng.

MAINE: Dad naman eh...

DOM: Meng, papunta pa lang kayo aba eh pabalik na ako.

PAO: Dad how come hindi kita nakasalubong? Hahahah

DOM: Paolo!!

PAO: Sabi ko nga...

DOM: So ano iho? Tama ba ako?

ALDEN: Sir.... alam ko po mali po yung diskarte ko pero kaya po talaga ako nagpunta dito eh para ipakilala ang sarili ko sa inyo, para rin po ipakita sa inyo na seryoso po ako kay Meng. Sa tanong nyo po..... opo boyfriend na po ako ni Meng. Pasensya na po kayo at ngayon lang ako nagpakilala sa inyo.

Huhugot muna ng malalim na buntong hininga si Dom, habang ang asawang si Isadora ay pangiti ngiti lang.

DOM: Bueno alangan namang paghiwalayin ko pa kayo, hindi naman ako ganoon. May tiwala naman ako sa mga anak ko. Basta ipangako mo lang sa akin na lagi mong pasasayahin ang anak ko. Hanggat maaari ay huwag mong sasaktan, huwag kang tutulad doon kay James naku!!

PAO: Dad banggitin pa daw ba si James? Tsk tsk tsk.

ISADORA: Oo nga naman dad.

ALDEN: Umasa po kayong hindi ko po sasaktan si Meng. Mahal na mahal ko po siya.

DOM: Nagtitiwala ako sa sinabi mong yan iho. Sana mapanindigan mo.

ALDEN: Makakaasa po kayo sir.

DOM: Bueno kami nitong asawa ko eh inaantok na.. Maiwan ko na muna kayo dito ha.

ALDEN: Salamat po sir,ma'am sa pagtanggap nyo po sa kin.

Yun lang at magkasabay na tatayo sina Dom at Isadora para umakyat para sa kwarto ng mga ito.

PAO: Well well well Mr Alden Richards, subukan mong lokohin ang kapatid ko, kahit hindi ako marunong mambugbog, bubugbugin kita promise!!

ALDEN: Pao di ba nga nagbago na ako?

MAINE: Kuya ang ne-nega nyo.. kakaloka kayo ha.

PAO: Aba Meng, nagpapaalala lang ako and besides hindi ko ito nagawa dati dun sa ex mo.

MAINE: Kuya banggitin pa daw ba?

PAO: Speaking of your ex, I saw him nga pala with Apple sa mall kanina.. Sila na ba?

MAINE: I guess not... As in sila lang ba dalawa?!!

PAO: I think so..

Si Alden na nakikinig lang eh napapakunot noo sa nakikitang reaction ni Meng upon hearing about her ex.

MAINE: Ganun? Aba naman.. Bakit sila magkasama?

PAO: Aba malay ko!  O sya pagoda na din ang beauty ko.. Mauuna na ako at need na muna mag rest.

Hahalik si Pao sa pisngi ng dalawa bago umakyat papunta sa sariling kwarto.

Nang sina Meng at Den na lang, hindi na nakatiis si Den.

ALDEN: Meng Nagseselos ako...

MAINE: Huh? (Clueless)

ALDEN: Sa kanya, sa ex mo.

MAINE: At bakit?

ALDEN: Kasi nakikita kong affected ka pa rin..

MAINE: Sira, nagulat lang ako promise.... hindi ko maisip bakit sila magkasama ni Apple.

ALDEN: Yun lang ba talaga?

MAINE: Beb, kung sya pa rin ang mahal ko, anong ginagawa ko dito sa tabi mo? Bakit ipinakilala pa kita sa parents ko?

ALDEN: Malay ko ba.... Yung reaction mo kasi....

MAINE: Wow ha! Seryoso yang pagdududa na yan? As in wow!!!

Hindi sasagot si Den.

Yayakapin ito ni Meng.

MAINE: Beb, I love you.. kahit sobrang naughty mo, mahal kita... just like your promise, hinding hindi din ako aalis sa tabi mo unless ikaw ang magsabi sa akin.. (halik sa cheek habang pinaglalaruan ng kamay ang batok nito.)

Matutunaw naman kung anumang pagtatampo ni Alden.

ALDEN: Hayyyyy huwag ganyan, marupok ako Beb..Hahahaha!

Tatampalin ni Meng ang braso ni Den.

ALDEN: Tingnan mo ito, lagi na lang namamalo, baka naman umimpis na ang biceps ko kakahampas mo dyan?

MAINE: Ano yan ampaw? (Kukurutin nya naman ngayon ang braso ni Den)

ALDEN: Bugbog sarado ako sa iyo pag nagkataon.. Siyempre wala naman akong magagawa..

MAINE: Hmmppp! Ayaw mo ba?

Hahawakan ni Den ang magkabilang pisngi ni Meng at pagdidikitin ang mga noo nila.

ALDEN: You dont know how happy I am na akin ka na uli... Im looking forward sa mga susunod na araw. Maraming maraming memories pa tayong gagawin together... Hinding hindi ako mawawala sa iyo.. pangako yan.
(Ikikiskis ang dulo ng ilong sa ilong ni Meng)

MAINE: Ditto...




vote

comment

follow

spread








My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon