DAY 13-A

4.5K 161 8
                                        


SEQUENCE 55
DAY/INT Sala

Paalis na si Alden papunta sa maynila, ngunit nagdadalawang isip syang umalis sapagkat natutulog pa si Maine kaya naman hindi pa sya makapagpaalam.

MANANG GIE: Bakit hindi ka pa umalis, sabi mo ga'y mahuhuli ka na..

ALDEN: Kasi manang yung bisita natin nag iisa dito. Tapos sina mommy mag eextend pa daw sa cebu. Walang kasama si Maine dito sa bahay.

MANANG GIE: Ay damuho ka ano gang tawag mo sa akin? Kaya ko namang asikasuhin si Maine na mag isa dahil nga sina Lolit eh nagpaalam sa akin na makikipista muna sa mga pinsan nila.

ALDEN: Yun pa nga manang. Nakakahiya.

MANANG GIE: sige na hayaan mo na si Maine sa akin at hindi naman sya maaano dine. Hindi ba't babalik ka naman dito bukas ng maaga.. hala eh lakad na..

ALDEN: Sige po manang. Mag iingat po kayo dito.

SEQUENCE 56
DAY/INT garden (Maine's house)

Nagmamadaling magpapaalam si Pao sa mga magulang.

PAO: Mom, Dad, I'll go ahead. See you by 6pm na lang po later sa fashion show.

ISADORA: Sige iho, mag iingat ka..

Pagkaalis ni Pao, mag uusisa si Daddy Dom tungkol kay Meng.

DADDY DOM: Mommy sigurado ka bang okay lang si Meng sa pinuntahan nya?

MOMMY ISADORA: Dad... wag kang mag alala sa anak natin. At saka strong si Meng, ibigay na natin itong panahong kailangan nyang mapag isa..

DOM: (mapapa buntung hininga)
Hayyy... kasi naman, kung hindi lang talaga anak ni Pareng Jimmy iyang si James.. naku!!!!

ISADORA: Dad kalma ka lang, hindi bat kahit sina pareng Jimmy ay galit din sa ginawa ni James... At saka sabi naman ng anak natin eh okay lang sya, bigyan lang sya ng sapat na panahon..

SEQUENCE 57
DAY/EXT Road

Habang nagmamaneho, patuloy pa ding iniisip ni Alden si Maine, nagtatalo ang kalooban nyang iwan ito sa kanilang bahay. Maya maya eh magri-ring ang cellphone nya.

MAMA ZANE: Den san ka na?

ALDEN: slex na po, bandang bicutan na ma.

MAMAZANE: Mabuti naman.. mag punta ka kaagad kay Pao para mafit mo uli yung mga damit na irarampa mo.

ALDEN: Okies. See you later.

MAMAZANE: Oo magkita na lang tayo mamaya. Ingat sa pagdadrive..

SEQUENCE 58
DAY/INT room

Kausap ni Maine ang kaibigang si Tin sa telepono.

TIN: Pasensya na talaga ha, late ko na din kasi nalaman na aalis sina mommy.

MAINE: Okay lang Tin, nandito naman si Mang Gie at yung kuya mo.

TIN: naku kaya nga ako nag aalala kasi kasama mo si kuya dyan. Wait... anong oras ba sya umalis kanina?

MAINE: Wala akong idea kung anong oras..

TIN: Yan pa nga.. iniwan ka ngayon, pasensya na talaga ha, kasi nga may commitment pa palang fashion show yun tonight. Pero Meng feel at home ka lang dyan sa house namin ha..

MAINE: Hahahah ilang beses mo nang sinabi sa akin yan.

TIN: Seryoso ako, kung gusto mo magbasa, pwede ka sa library,if you want na mag concert, kebs lang sa ingay dun ka sa entertainment room, pwede ka din tumambay sa tree house namin ni kuya.. or bilin ko di ba sayo na magdala ng swimsuit, kung ayaw mo magpunta sa mga beach resorts, dyan ka na lang mag swim sa bahay,free kang gamitin ang pool anytime..

MAINE: Hay Tin ang dami mo nang sinabi... Yung blog ko ang balak kong asikasuhin ngayon..

TIN: Ganun ba? Sige sige basta feel at home at wag mo na lang masyadong intindihin ang kuya kong maligalig.

MAINE: Hahahahha!

SEQUENCE 59
DAY/EXT GATE (PROVINCE)

May magdo doorbell na isang blonde na babae. Pagbubuksan ito ni Manang Gie. Magugulat sya dahil mapagbubuksan nya si Kriz.

KRIZ: Good morning manang gie.

MANANG GIE: Anong gang ginagawa mo dine Marie?

KRIZ: Si manang gie talaga, hindi pa din masanay sa bago kong pangalan, manang KRIZ na po ako ngayon, hindi na ako si Marie.

MANANG GIE: ano nga bang kailangan mo?

KRIZ: balita ko po kasi dumating na si Alden, baka naman po pwede ko syang makausap.

MANANG GIE: mano bang tigil tigilan mo na ang alaga ko? Di ba ga'y may asawa ka  naman.

KRIZ: Manang hiwalay na kami nun..

MANANG GIE: naku Marie, umuwi ka na at sinasabi ko sayo na wala nga si Alden ngayon! At ako ay mamamalengke pa.

KRIZ: si manang talaga kahit kailan kj.. sige po. Salamat na lang po.

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon