SEQUENCE 195
DAY/EXT BeachMasayang naglalaro ng frisbee sina Pao, Miggy, Den at iba pang models. Habang si Meng ay nakahiga sa reclining chair, looking so sexy wearing a mint green bikini underneath a cover up, nagbabasa siya ng lagi niyang dalang paperback. Maya maya lalapit sa kanya ang kapatid at uupo sa katabing upuan.
PAO: What are you doing Meng?
Tatanggalin muna ni Meng ang shades para tingnan ang kapatid.
MAINE: Reading I think?...
PAO: Huwag mo akong pilosopohin Nicomaine! Bakit hindi ka sumali sa amin? Ano at nagmumukmok ka dito? Sayang naman ang beach kung nandito ka lang.
MAINE: kuya, you know that I am not the sporty type.. masaya naman ako dito.. papanoorin ko na lang kayo.
PAO: Bahala ka na nga.. Magswimming ka na mamaya ha... baka magpakaburo ka lang diyan.
MAINE: Yes kuya..
Lalayo na si Pao para muling sumali sa paglalaro at si Meng naman ay ipagpapatuloy ang pagbabasa. Maya maya ay may muling uupo sa katabing upuan ni Meng. Without looking magsasalita siya..
MAINE: Kuya I'll swim later, just enjoy.. Wag nang makulit.
UNO: Kuya? Mukha ba akong kuya mo?
Dahil sa boses na narinig, agad titingnan ni Maine ang kausap. Paglingon makikita niya ang isang gwapong lalaki na nakangiti sa kanya..
MAINE: Sorry, ang akala ko si kuya..
UNO: Sya ba yung lumapit sa iyo kanina?
MAINE: Yeah... Ahmmmm
UNO: Sorry kung nilapitan kita.. I cant help it eh, kanina pa kita pinagmamasdan, you look so alone. I hope its okay na samahan kita dito?
Bago sumagot, titingin muna si Meng sa mga naglalaro particularly kay Alden na ngayon ay matamang nakatitig sa kanila. Pagkakita sa reaction nito,may idea na mabubuo sa utak niya.MAINE: Syempre okay lang...
UNO: I'm Uno Emilio nga pala, you can call me Uno..
Ilalahad ni Uno ang kamay kay Maine na tatanggapin naman ni Maine.
MAINE: Maine....
UNO: Nice name... bakit nga pala nag iisa ka? Bakit hindi ka sumali sa kanila?
MAINE: Ahmmmmm hindi kasi ako sporty type eh... Mas gusto ko yung ganito... lay back ang peg... magbasa... maglakad lakad..
UNO: If that's the case.... ahhmmmm care for walk?.
Muling titingin si Meng sa direksyon ni Alden, para lang makita na malambing itong nakikipag usap sa isang babaeng model. Dahil sa nakita agad siyang sasagot kay Uno.
MAINE: Sure.... medyo bored na din ako dito eh.
Aalalayan siyang tumayo ni Uno at sabay silang maglalakad palayo sa mga kasama niya.
SEQUENCE 196
DAY/EXT BeachSamantala kanina pa pinagmamasdan ni Alden ang nag iisang si Maine kaya kitang kita niya nang lapitan ito ng isang lalaki.. Kukunin ng isang model ang atensyon niya pero hindi nya pa din nilulubayan ng tingin si Meng.. Lalong mag iinit ang ulo niya ng makitang tumayo ito kasama ng lalaki at naglakad palayo sa kinaroroonan nila.
Susundan niya sana ang mga ito pero may kamay na pipigil sa kanyang balikat. Paglingon, makikita niya si Pao.
PAO: Let her be Den...
ALDEN: Pero hindi niya kilala ang kasama niya...
PAO: May tiwala ako kay Meng.. alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikapapahamak niya... kaya niya ang sarili niya..
ALDEN: Pao naman........
PAO: May plano na ako bukas...
ALDEN: Plano? Anong plano?
PAO: plano para sa inyo, nagrent ako ng yate para sa inyong dalawa, bahala ka na, marunong ka namang mag operate nun di ba? Kaya gawin mo ang lahat para maging okay na kayo... last chance mo na to lover boy..
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
Fiksi PenggemarIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...