DAY 26-C

3.7K 147 6
                                        


SEQUENCE 224
NIGHT/INT Maine's house

Papapasukin ng maid si Alden sa loob ng bahay. Mayamaya ay lalabas si Isadora para harapin ang bisita.

ALDEN: Good evening po ma'am! (Iaabot ang isang bulaklak na dala) Para po sa inyo.

ISADORA: Good evening din iho! How sweet of you....... Maupo ka muna..ahmmm??

ALDEN: Alden po.... Alden Richards...

Papasok sa loob ng bahay ang bagong dating na si Pao, magugulat siya na makikitang nasa bahay nila si Alden.

PAO: Hi Mom! (Hahalik sya sa pisngi ng ina,babalingan si Alden) Agad agad ha?

ISADORA: Kilala mo sya Pao? Bisita sya ng kapatid mo..

PAO: Of course mom! Model ko yang si Alden. Sya yung partner ni Meng dun sa fashion show.

ISADORA: Ay sya ba iyon? Naku napakalakas kasi ng spotlight that night kaya hindi kita nakilala agad.. pasensya ka na ha.

ALDEN: Okay lang po.

ISADORA: Hmmmnnnn you are so handsome iho..

ALDEN: Thank you po Ma'am (medyo nahihiyang sagot)

ISADORA: Hay naku drop the ma'am, just call me tita ha...

PAO: Gwapo talaga yan mom... ahhahahah! Nasan nga pala sina Meng at Dad?

ISADORA: May tinatapos lang sa library ang daddy mo, si Meng naman nasa itaas pa... Mabuti pa Pao, bahala ka na muna dito kay Alden at aakyatin ko na muna ang kapatid mo.

PAO: Sige mom, ako na muna ang gigisa dito kay Den.

Tumatawang lalayo paakyat sa kwarto ni Meng si Isadora.

Nang makalayo si Isadora, babalingan ni Pao si Den na halatang halatang kinakabahan.

PAO: Oh bakit mukhang kabado ka? Hahahaha!

ALDEN: Pao naman, pinagtatawanan mo naman ako eh.. Kita mo na ngang kinakabahan ang tao.

PAO: Eh bakit ka ba kasi kinakabahan eh si Meng naman pa rin ang haharapin mo..

ALDEN: Yung Dad mo kasi.... yung parents mo.... what if hindi nila ako magustuhan for your sister?

PAO: Is that a joke? Hahahaha! Natatawa talaga ako... kelan pa nawalan ng confidence si Mr. Alden Richards? Wow!!! Bago ito!! Pero mag ingat ka sa Daddy namin, may nakatagong uzi yun....hahahhahah!

SEQUENCE 225
NIGHT/INT Maine's room

Kakatok si Isadora sa kwarto ni Meng na agad naman nitong bubuksan.

MAINE: Mom! Si Alden na po ba yung dumating?

Tatango lang si Isadora. Ngingiti ito ng may kahulugan.

MAINE: Come on Mom.... what is it?

ISADORA: Hindi mo naman sinabi na muy guapito ang bisita mo.

MAINE: Hahahaha Mom!! Pwede na po ba?

ISADORA: Hmmmnnnn mukha naman siyang mabait at magalang... Sa akin okay na okay sya. Ewan ko lang sa Dad nyo.

MAINE: Mommy naman eh..... Kinabahan tuloy ako sa magiging reaction ni Dad.

ISADORA: Alam mo namang sumusuporta lang kami ng Daddy mo kung ano ang gusto nyo...

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon