DAY 23

4K 166 6
                                    


SEQUENCE 179
DAY/EXT Convent

Magkasabay na naglalakad sina Maine at Sister Yos. Humihingi ng advice si Meng sa madre.

SISTER YOS: Meng hija, natutuwa ako at sa amin ka nagtungo upang manghihingi ng payo hinggil sa problema mo,higit na ikaw ang nakakaalam kung ano ang nararapat mong gawin.. Sundin mo ang ninanais ng iyong puso, ngunit huwag kang makakalimot na humingi ng gabay sa ating Panginoon anuman ang magiging desisyon mo..

MAINE: Marami pong salamat sister.. Malaking tulong po ang mga sinabi niyo, kahit papano po ay nakaluwag sa dinadala ko.

SISTER YOS: Anuman ang mangyari, lagi mong tandaan na bukas ang aming tahanan sa mga katulad mo na nangangailangan ng gabay..

MAINE: Hindi na po ako magtatagal sister.. maraming salamat po talaga..

Lalayo si Meng sa kumbento ng may konkretong desisyong nabuo.

SEQUENCE 180
DAY/INT PAO's office

Abalang abala sina Pao at Miggy,nang sa darating si Alden..

ALDEN: Hi Pao! Hi Migs!

PAO: Oh mabuti naman at nagpakita ka sa akin.. kamusta ka na?

ALDEN: wala to, simpleng galos lang naman..

PAO: Alam mong hindi yan ang gusto kong kamustahin.

Hindi makakasagot si Alden..

MIGGY: Nabangga ka daw Den? Sa sobrang pag iisip ba yan kay Meng? Ikaw naman kasi eh... tsk tsk tsk..

PAO: Miggy pwede ba pakiasikaso mo muna ito sa labas... (iaabot ang mga folders kay Miggy)

Pagkalabas ni Miggy, muling haharapin ni Pao si Alden.

PAO: Isang tanong isang sagot, mahal mo ba talaga ang kapatid ko?

ALDEN: Ano ba naman klaseng tanong yan Pao, nag usap na kami ni Meng.

PAO: Isang tanong na nangangailangan ng sagot.. Dito nakasalalay ang kaligayahan ng kapatid ko.

ALDEN: Eh di ba nga ni let go ko na siya? Yun naman ang gusto nya eh, for sure natuwa na yun sa ginawa ko..

PAO: Alden Richards nag aantay ako ng sagot mo..

ALDEN: Hay... I can't see any reason why do I have to answer your question Pao.. pero sige I'll indulge you, mahal ko pa si Meng, mahal na mahal... okay na?

PAO: Yun lang naman ang kailangan kong marinig ang dami mo pang sinabi...

ALDEN: Pero ayaw na nya sa akin..

PAO: Eh di gawan mo ng paraan yan... Wait bukas na nga pala yung Subic natin ha.. 5am ang call time dito sa office...

ALDEN: Pwede bang huwag nang sumama, dyahe nakakahiya sa inyo.

PAO: Paanong nakakahiya eh tayo tayo lang naman dun, mga ka close ko lang na mowdels ang kasama bukas at kasama ka dun... I won't accept no for an answer!

ALDEN: Plan ko na kasing bumalik sa Batangas bukas..

PAO: Pwes ipagpaliban mo... tapusin mo muna kaya ang problema mo sa kapatid ko.

ALDEN: Tapos na di ba? Tinapos na niya?

PAO: Hay ewan ko sa inyong dalawa ang gugulo nyo! Bahala kayo! Basta bukas kapag hindi ka sumama FO na talaga tayo promise...

ALDEN: Hayyysss sige ......

Yun lang at magpapaalam na si Alden kay Pao.

SEQUENCE 181
DAY/EXT Road

Habang nagdadrive,makakatanggap ng tawag si Meng.

MAINE: Tin!! Hello! Napatawag ka?

TIN: Oy Meng anong nangyari sa iyo? Tumatawag ako sa bahay walang nasagot, nung si kuya tinawagan ko at kinumusta ka, ang sabi eh tawagan na lang daw kita.

MAINE: Okay lang naman ako..

TIN: Tell me Meng, May dapat ba akong malaman?

MAINE: Malamang ano?

TIN: Sa iyo? Sa inyo ni kuya.... kasi parang may iba... remember nung tumawag ako na naaa batangas pa kayo, iba ang boses ni kuya, ang saya saya niya... then nung tumawag ako sa kanya kanina may iba.... ang lungkot lungkot ng boses nya...

MAINE: Baka naman may problema lang ang kuya mo..

TIN: Hindi Meng, alam ko may iba, may nase-sense ako na iba.... nag away ba kayo ni kuya?

MAINE: Bakit naman kami mag aaway?

TIN: Yun nga eh, kaya nahihiwagaan ako eh though alam ko namang maligalig si kuya pero not to the point na mang aaway ng babae yun, mabait naman ang kuya ko, maloko lang minsan pero pag nainlove todo todo..

Tahimik lang na nakikinig si Meng.

TIN: Last time ko syang napansin na ganun kalungkot ang boses eh nung time na iniwan sya ni Marie para magpunta sa Japan.

MAINE: O baka dahil kay Marie yun, bumalik na sya eh..

TIN: Imposibleng si Marie, matagal nang naka move on si kuya sa babaeng yun..

MAINE: Tin nag dadrive kasi ako eh...

TIN: Ay ganun ba? Sorry... tatawag na lang ako uli... Baka nga pala umuwi ako next month... Let's meet ha...

MAINE: Oo naman.. bye...

Tatapusin na ni Meng ang tawag. Magpapatuloy na sya sa pagda drive. Bubuksan ang radyo ng malakas habang sinasabayan ng kanta...

My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon