Time lapse..... lets say that this is more than a week after nung "meet the parents"...
This is for you Apple 🍎...
Happy reading!!!😆SEQUENCE 228
DAY/INT MallMagkakasamang namamasyal ang magkakaibigang Meng, Apple, Laine, Mhel at Sweet.
SWEET: Buti naman at nakasama ka na sa amin Meng.
MHEL: Masyado ka nang nagpapa miss girl.
LAINE: Busy lang yan sa lovelife nya... Seryoso napalitan mo na si James?
Ngingiti lang si Meng sa mga kaibigan.
MHEL: Hala sya, pangiti ngiti na lang oh... inlove na inlove talaga...
LAINE: Inggit ka naman Mhel, habulin mo kasi yung Yago mo. Sundan mo kaya sa province nila hahahaha!!
MHEL: Bakit kaya hindi ikaw ang makipagbati kay Gab? Taas taas ng pride mo girl eh.
SWEET: Hayyyy nagtalo pa kayo....
MAINE: Oo nga para kayong sira... Basta masaya ako ngayon..
Mapapansin ni Meng ang kanina pang tahimik na si Apple.
MAINE: Apz may sakit ka ba? Bakit ang tahimik mo?
APPLE: I'm okay, may iniisip lang ako..
MAINE: Si James ba?
Magugulat si Apple sa sinabi ni Meng kaya tatapunan niya ng masamang tingin ang mga kaibigan. Iiling naman ang mga ito bilang sagot..
MAINE: Nakita kayo ni Kuya Pao last week... kayo lang daw dalawa..
APPLE: Ahhmmm Meng kasi.... ano kasi...
SWEET: Sabihin mo na kaya Apple.
LAINE: Ako na lang...
MAINE: May dapat ba akong malaman? Masyado na ata akong absent sa gimik kaya lost na ako sa mga usapan ah..
MHEL: Kasi Meng, alam mo ba itong si Apz at si Ja-
APPLE: Kami na! (Sabay tungo ng ulo na parang nahihiya)
Mangingiti si Meng..
MAINE: Bakit parang nahihiya ka girl? Kinakahiya mo si James?
LAINE: Sa iyo nahihiya yan, kasi syempre di ba ex mo yun..
MAINE: Hindi ko na naman mahal eh, okay lang yun.
APPLE: Talaga okay lang Meng? Okay lang talaga?
MAINE: Oo naman, pero kung ito nangyari last month malamang kalbuhin kita.. hahahaha!
SWEET: No hard feelings?
MHEL: Jusme, nagdududa pa kayo eh tingnan nyo nga ang glow sa mata ni Meng, hindi ko nakita yan nung sila pa ni James..
LAINE: Inlababo ka talaga girl?
Tatango lang si Meng kasabay ng malapad na ngiti.
APPLE: Thank you talaga Meng ha.. As in parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib..
MAINE: Mahal mo talaga si James?
Mapapahinto si Meng na parang may naalala.
MAINE: Wait di ba kapitbahay mo na sina James since bata pa kayo? Don't tell me type mo na sya dati pa?
BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...