DAY 16-C

4.3K 144 8
                                    


SEQUENCE 113
DAY/INT office

Kinukulit ni Pao si Mama zane sa opisina nito..

PAO: Sige na mamu, baka mapakiusapan pa si Den, one last rampa para sa ekonomiya ganoin!!!

MAMAZANE: I'm not sure Pao, alam mo namang nag retire na sya di ba... Gusto na lang magconcentrate sa business nila..

PAO: Naniwala ka naman Mama, I'm sure may kinakarir lang na chic yun sa probinsya nila..

MAMAZANE: Malamang nga... hahahah

PAO: Sino na naman kaya ang kawawang babaeng yun, for sure hindi na naman seseryosohin ni Den yun..

MAMAZANE: Grabe ka naman sa alaga ko..

PAO: Bakit mama? Ipinanganak na ba ang babaeng seseryosohin nya? Napakaloko sa babae nun eh... Lahat na lang pinapatos...

MAMAZANE: Pero binalak mong ipa-date sa sister mo..

PAO: Yeah... kasi naman naisip ko na baka ang katulad nya ang makapagpabago sa isip ng dear sister ko.. pero hanggang date lang yun noh.. Nungkang gugustuhin kong mainlove si Meng sa kanya.. Naku kawawa naman ang kapatid ko.

SEQUENCE 114
DAY/INT Den's house

Maghihiwalay sa pagkakayakap sina Alden at Maine nang makarinig ng ingay.

MAINE: Beb ano yon?

ALDEN: Parang bumukas yung gate..

Papasok sa dining room si Manang Gie..

MANANG GIE: Ay kamusta ga kayo dine?

ALDEN: Manang!

MAINE: Manang upo po muna kayo at mukhang pagod na pagod kayo..

MANANG GIE: Paano'y pagka init init ga ng panahon..

ALDEN: Totoo Manang (sabay kindat kay Maine)

Pandidilatan naman ng mata ni Meng si Alden na mapapansin ni Manang.

MANANG GIE: Kayo ba'y nag aaway dine? Ano't pinadidilatan mo sya ineng?

MAINE: Ay wala po yun Manang... Si Alden po kasi kanina pa nang iinis...

MANANG GIE: Maloko talaga ang batang ito.. Pagpasensyahan mo na lang ga?

MAINE: Opo Manang kaya ko naman po syang pagpasensyahan..

MANANG GIE: Bweno kaya ako pumarine ay dahil ga iyong pamangkin ko..

ALDEN: Ano po ang nangyari sa pamangkin nyo?

MANANG GIE: Mangyari eh yung asawa nya eh hindi pa daw makakauwi... Nag aalala ga ako sa pamangkin ko at sa baby niya... Naku pagkapayat payat...

ALDEN: Ibig nyong sabihin eh hindi muna kayo makakabalik dito?

MANANG GIE: Ganun na nga Al'den, isa pa eh iyang sina Loreta, nawili ata at balak sumama sa mga pinsan na lumuwas ba sa Menila....

ALDEN: Manang maayos naman po kami dito.. Hindi naman po maselan si Meng.. At saka po balak ko din sya dalhin sa farm dahil may mga aayusin po ako doon.

MANANG GIE: Maige naman kung ganoon. Bueno ako'y hindi rin magtatagal at yung pamangkin ko eh walang bantay hane..

MAINE: Manang bakit hindi po muna kayo kumain. Tapos ihahatid ka na po ni Alden..

ALDEN: Oo nga naman po Manang, tama si Meng, wala din naman po akong gagawin dito ngayon.

MANANG GIE: Mabuti pa nga...

At sabay sabay na silang kakain ng tanghalian..

SEQUENCE 114
DAY/EXT Sari sari store

Magkasama ang magkakaibigang Kriz, Mavic at Chel, nakatanaw sila sa bahay nina Alden.

CHEL: So kamusta yung ginawa mo kanina? May napala ka ba?

KRIZ: Oo naman.... Sarap pa din nya halikan... Hahahaha!

MAVIC: Heto na naman tayo... tsk tsk tsk..

CHEL: Hanggang ngayon umaasa ka pa din?

KRIZ: Huwag nga kayong panira! Mapapatunayan ko din na mahal pa din ako ni Den..

CHEL: Hahahah asa pa more Kriz..

KRIZ: Bakit kayo ganyan? Kaibigan ko ba talaga ka-
 
Matitigilan si Kriz dahil mapapansing nagbukas ang gate nina Alden na kanina nya pa tinitingnan.

KRIZ: Look girls.. (ituturo ang gate)

Makikita nilang papasok sa kotse sina Alden at Manang Gie pero maiiwan si Maine na syang nagsara ng gate pagkatapos makaalis ng kotse.

KRIZ: Hmmmmmmm interesting.....

Magtitinginan na lang sina Mavic at Chel, alam na may naiisip na kalokohan ang kaibigan.









My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon