SEQUENCE 126
DAY/EXT RoadMinamaneho ni Alden ang sasakyan ni Maine. Minabuti nila na iyon na lang ang gamitin sa pagluwas dahil may isa pa namang sasakyan si Alden sa condo nya.
ALDEN: So pano ba yan malalaman ko na kung san ka nakatira beb...
MAINE: Bakit itinatago ko ba ang address namin?
ALDEN: What I mean is makikila ko na rin ang family mo..
MAINE: (matitigilan si Meng) Beb...
ALDEN: Why? (Lilingon saglit sa kanya)
MAINE: Beb pwede bang next time na kita ipakilala sa family ko. Baka kasi mabigla sila..
Hindi kikibo si Alden kaya patuloy na magsasalita si Meng.
MAINE: Eh alam mo naman di ba na broken hearted ako ng umalis ng bahay kasi kabebreak lang namin ni James, tapos wala pang one week may boyfriend ako agad..
ALDEN: Hindi ba pwedeng whirlwind romance ang nangyari? (Pangungulit pa ni niya)
MAINE: Eh kasi Beb baka magpanic yung mga yun eh... Lalo na si Dad.. Please understand...
ALDEN: Hmmmnnn kung hindi lang kita mahal nakuuuuuu!
Ngingitian lang sya nga matamis ni Meng.
ALDEN: So hanggang saan kita ihahatid? Sa labas ng village nyo?
MAINE: Yes beb pwede na dun, madali ka na din makakakuha ng cab dun papunta sa condo mo.
ALDEN: Okay...
At patuloy na magmamaneho si Alden habang si Meng ay hihilig sa balikat ni Den.. kukunin naman ni Den ang isang kamay niya at hindi bibitawan.
SEQUENCE 127
DAY/INT Wally's houseWALLY: Kriz anong ginawa mo kay Meng? Nabalitaan ko yin ah.
CHEL: Hay naku nakakahiya kaya ginawa nya!
MAVIC: Puro kagagahan ang pinaggagawa niyan...
JAN: Eh ano nga yun?
LJ: Huhulaan ko... kinompronta mo si Meng noh?
CHEL: Korek! At syempre pa pinangalandakan nya pa rin na sya pa rin daw ang mahal ni Den. Ginagamit lang daw nya si Meng para makalimutan sya.
WALLY: Sinabi mo yun?
LJ: Eh anong sabi ni Den?
MAVIC: Buti na lang wala that time si Den.
JAN: What?! Sinigurado mo talaga na nag iisa sya ha... tsk tsk tsk..
KRIZ: Parang wala ako sa harapan nyo kung pag usapan nyo ha... that's nice....
MAVIC: Loka loka ka kasi.
KRIZ: Ako na ang loka loka... kasalanan ko ba na mahal na mahal ko pa rin si Den hanggang ngayon?
WALLY: Hindi kasalanan pero sana marunong ka ding magpreno...
KRIZ: Ah bahala nga kayo dyan!! Alam ko at ramdam ko na mahal pa rin ako ni Den!!
Magwa-walk out si Kriz habang ang mga kaibigang iniwan eh tatawa tawa na lang.
WALLY: Siraulo na talaga yang kaibigan nyo noh?
JAN: Lakas kamo ng hangin sa utak.
CHEL: Baka napasukan nga sa kakabugbog sa kanya ng asawang hapon.
MAVIC: Pero naaawa din naman ako kay Kriz, yung mga pinagdaanan nya.. Hindi ko din naman sya masisisi kasi nga pangarap nya naman talaga makapag aral sa Japan dati.
LJ: Eh ang pag aasawa ng hapon,
pinangarap din nya?CHEL: Hahahah yun lang...
SEQUENCE 128
DAY/INT dining (Mendoza's)Tumutulong si Isadora magprepare ng breakfast. Lalapit sa kanya ang asawang si Dom.
DOM: Mom busyng busy ah?
ISADORA: Eh kasi nga parating na si Meng, syempre I want to make sure na favorite nya itong nakahandang breakfast.
DOM: Mom parang hindi mo kilala ang anak mo, kahit anong nakahain kakainin non.
ISADORA: Kahit na dad, syempre ilang days na malayo sa atin si Meng, gusto ko pagsilbihan pa din sya. Bunso ko kaya yun.
DOM: Sabi ko nga. Wala talaga akong panalo sa iyo mommy..
ISADORA: Hahaha. Sige na dad, maupo ka na dyan at for sure eh parating na si Meng, tatawagan ko na para itanong kung nasaan na sya.
SEQUENCE 129
DAY/EXT RoadIhihinto ni Alden ang kotse sa gilid ng village nina Meng.
MAINE: So we're here..
ALDEN: Yeah... (malungkot na boses)
MAINE: O bakit malungkot ka?
ALDEN: Eh kasi mahihiwalay ka sa akin..
MAINE: Asus para isang araw lang eh..
ALDEN: Ayun na nga isang araw.. Ang tagal nun..
MAINE: ayyyyyy ang beb ko (yayakap sya dito)
ALDEN: Basta bukas dito tayo magkita.. Sabay uli tayo pabalik ng Batangas.
MAINE: Yep...
ALDEN: Mamimiss talaga kita ng sobra... parang hindi na ako sanay na hindi kita kasama..
MAINE: Talaga ba? Baka mamaya nyan meron ka ng babaeng lalandiin ha.
ALDEN: Beb sabi ko naman sa yo nagbago na ako di ba?
MAINE: Naniniwala naman ako sa iyo eh... Binibiro lang kita.. Pinagtitiwalaan ko lahat ng sinabi mo.
Magriring ang cellphone ni Meng na nasa loob ng bag nya. Kakalas sya sa pagkakayakap kay Alden. Kukunin nya ang cellphone at sasagutin ito.
MAINE: Hello Mom....... yes po.......... malapit na po ako sa gate ng village........ I'll see you in a while..... opo........ bye..........
ALDEN: I guess hinahanap ka na....
MAINE: Yes...
Aabutin ni Alden ang mukha ni Meng at hahalikan ito sa noo. Pagkaraan bubuksan ang pinto ng kotse at lalabas. Samantalang si Meng ay lilipat sa likod ng manibela. Sesenyasan sya ni Alden na paandarin na ang kotse na sya namang gagawin ni Meng.

BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...