Maikli lang eto pero sana magustuhan nyo pa rin..
SEQUENCE 301
DAY/INT BedroomMagigising si Meng na mabigat ang pakiramdam, kaya naman hindi muna sya babangon mula sa pagkakahiga sa kama..
Mayamaya magriring ang cellphone nya, kaya naman aabutin nya iyon para sagutin.
ALDEN: Good morning Beb!!
MAINE: Good morning.. (medyo paos nyang sagot)
ALDEN: Beb yung totoo inaakit mo ba ako ng boses mo? Please naman oh... malayo ako ngayon.. Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito...
Matatawa si Meng.
MAINE: Sira!! Medyo paos lang ako..
Mag aalala naman si Den.
ALDEN: Why Beb? May masakit ba sa iyo? Masama ba pakiramdam mo?!
MAINE: Okay lang ako. Huwag ka ngang OA dyan!
ALDEN: Huwag ka na lang tumuloy sa outreach ha, tatawagan ko si Tin.
MAINE: Ano ka ba? Kaya ko naman ang katawan ko, tsaka nakakahiya, nakapag commit na ako kay Tin. Dati ko na namang ginagawa ito..
ALDEN: Basta tatawagan ko si Tin. Sasabihin kong hindi ka pwede.
MAINE: But Beb...
ALDEN: No more buts Beb!! Final na yung sinabi ko, hindi ka sasama sa outreach today. Magpapahinga ka lang.. Hintayin mo na lang yung pagbalik ko mamayang gabi.
MAINE: Hay naku!! Heto na naman po kami.
ALDEN: Beb huwag matigas ang ulo ha... Now get up , mag breakfast ka na... Huwag magpapagutom ha..
MAINE: Hay ano pa nga ba...
ALDEN: I love you Beb!! Bye!
MAINE: Bye.
Naiinis na bumangon si Meng ng kama para mag ayos ng sarili at mag almusal.
SEQUENCE 302
DAY/INT DINING (Batangas)Kaharap ni Alden ang Mommy nya.
PAMELA: Iho kelan ba ang balak nyong kasal ni Meng?
ALDEN: Mom huwag masyadong mainip ha.. Ayokong ipressure si Meng.
PAMELA: Naku dapat madaliin mo na yun, ayokong lumabas ang unang apo ko na hindi man lang kayo nakakasal.
ALDEN: Yun din naman ang gusto ko mommy pero nakwento ko na naman sa iyo yung pinagdaanan namin ni Meng di ba? Ayoko syang madaliin eh.
PAMELA: I understand.. pero kelan mo naman sya dadalhin dito.. Kelan mo sya ipapakilala sa amin ng daddy nyo.
ALDEN: Di ba nakilala nyo na sya mom?
PAMELA: Yes but not as your girlfriend.. Excited na kami ng daddy mo sa magiging apo namin.
ALDEN: Hmmmnnn sige sabihan ko si Meng mom. Pag uusapan namin.
PAMELA: Sabihan mo ako agad para makapaghanda naman ako..
ALDEN: Syempre naman mom..
Maya maya tatayo na si Alden.
PAMELA: You're done?
ALDEN: Yes mom. Kailangan ko ng magready for the meeting.
PAMELA: Sige pero try mong makauwi para dito maglunch ha.
ALDEN: I'll try mommy.
SEQUENCE 303
DAY/INT DINING (Meng's house)Mag isang nag aalmusal si Meng. Maya maya magriring ang cellphone nya.
TIN: Good morning Meng. Masama daw ang pakiramdam mo?
MAINE: Napakadaldal talaga ng kuya mo. Hay naku!
TIN: Huwag ka ng magalit kay kuya. Syempre nag aalala lang iyon sa iyo, sa inyong dalawa ni baby.
MAINE: Ang sabihin mo masyado lang oa.. Okay naman ako eh... Susunod ako mamaya ha.. ako na lang magda drive tutal alam ko naman yung exact location.
TIN: Anong okay okay? Ang sabi ni kuya manahimik ka dyan, magpahinga ka lang.. okay?
MAINE: Pero kaya ko naman.. Katawan ko ito kaya alam ko.
TIN: Kahit na Meng. Okay na kami dito.. Though kulang talaga sa tao pero kakayanin naman.
MAINE: Hay naku ang OA ng mga tao sa paligid ko!! Nakakaloka, buntis lang ako noh.
TIN: Yun nga. Buntis ka kaya ganito kami sa iyo. End of discussion na ha.. Dyan ka na lang. Huwag ng makulit.
MAINE: Hayysss
TIN: O sige na.. Babush na..
MAINE: Okay.. Ingat kayo dyan.
Pagbaba ng tawag, mapapasigaw si Meng.
MAINE: Ahhhhhhhhh!!! Bakit ba ako napapalibutan ng mga OA na tao!!! Anong gagawin ko dito maghapon?!! Tutunganga!! Itong bwisit na Alden na ito, aalis alis tapos hindi naman ako papayagan na umalis!!!!
Mayamaya may maiisip, aabutin uli ang telepono saka magda dial.
MAINE: Hi Uno! Libre ka today? Pasyal mo naman ako oh.
UNO: Naku Meng, nandito ako sa Subic ngayon. May conference ang mga resto owners eh..
MAINE: Ganun ba? Sige enjoy ka na lang dyan..
UNO: Pasensya ka na talaga ha. Promise, bukas dalawin kita. Pasyal tayo, kahit saan mo gusto.
Matamlay na sasagot si Meng.
MAINE: Okay....
Saka nya tatapusin ang tawag. Maya maya may tatawagan uli.
MAINE: Apz san kayo? Labas naman tayo. Sabihan mo ang gurls..
APPLE: Naku Meng, nakalimutan mo na ba? Nandito kami ngayon sa Bohol..
MAINE: Ay oo nga pala.. sorry..
APPLE: Hindi ka naman kasi pinayagan ni Alden na sumama di ba because of your condition..
MAINE: Hayyyy sana pala sumama na lang ako sa inyo. Miss ko na kayo eh..
APPLE: Loka miss ka na rin namin noh. Mas masaya sana kung kumpleto tayo dito pero syempre we understand Alden.. Mahirap na nga naman kasi. Promise once na makabalik kami ng Manila, dalawin ka namin agad.
MAINE: Ano pa nga ba... Sige enjoy na lang kayo dyan.
Pagkababa ng cellphone.
She'll dial again.ALDEN: Hello Beb! Nasa meeting na ako. Why? May priblema ba? May nangyari?
MAINE: Wala naman! Sasabihin ko lang na inis na inis ako sa iyo! Sobra!!
ALDEN: Ang sweet naman. I love you too Beb..
MAINE: Ugghhh!!!
Padabog na tatapusin ni Meng ang tawag.
MAINE: Hayyyy so wala akong choice... kung hindi magkulong dito sa bahay... Sina Mommy kasi ngayon pa naisipang mag Bora. Kakainis talaga!!!

BINABASA MO ANG
My Naughty Angel
FanfictionIsang babaeng nasawi sa pag-ibig, isang lalaking naging maloko sa pag-ibig.. Saan at paano nila matatagpuan ang kanilang forever.. Just my imagination..... wishing to be Maichard's working script.. P.S. Maghanda sa mga POTPOT Maghanda sa SPG scenes...