DAY 14-B

5.1K 190 15
                                    


CONT...

MAVIC: ay si Den oh!

Mapapalingon sina Kriz at Chel.

CHEL: Den andito ka din? Si Kriz oh. (Sabay nguso sa kaibigang nakaupo sa katabing silya)

Mapipilitang lumapit si Alden sa kabilang table pero titingin muna kay Maine na tila nagpapaalam. Ngingiti lang si Maine.

ALDEN: Nandito din pala kayo. Hi Chel, Mavic. (Tingin kay Kriz) Hello Marie!

MAVIC: Marie? Kriz na sya ngayon noh.

ALDEN: Ay oo nga pla.. sorry..

KRIZ: Hi Den!

CHEL: Sino yung kasama mo? Di ba sya yung bisita nyo ngayon sa bahay nyo?

ALDEN: Yes sya nga, wait papakilala ko sya sa inyo. (Tatalikod at lalapit kay Maine)

Paglapit kay Maine,bubulungan nya to.

ALDEN: Promise mo di ba sasakyan mo lang trip ko. Please eto na yun ngayon..

MAINE: Huh? (tonong naguguluhan)

ALDEN: Basta!, tara ipapakilala kita sa kanila..

At aakayin nya si Maine papalapit sa table nina Kriz.

ALDEN: Girls.... Si Maine nga pala girlfriend ko. (Sabay ngiti at kabig kay Maine)

Si Maine na medyo magugulat pero hindi magpapahalata ay ngingiti ng alanganin..

ALDEN: Beb mga childhood friends ko nga pala... Si Mavic, si Chel at si Kriz..

MAINE: Hi! (Ngiting alanganin pa rin)

Si Chel na mapapansing hindi kumportable ang kaibigan ang siyang magsasalita.

CHEL: Join na na kayo dito sa table namin Maine. (Sabay ngiting nang aasar kay Kriz)

Pandidilatan ng mata ni Kriz ang kaibigan.
Si Maine na mapapansin ang nangyayari ay may naisip na kalokohan.

MAINE: Sure! (Baling kay Alden) Beb, dito na lang tayo mag join sa kanila. Malungkot sa table natin.( ngiting nang aasar)

ALDEN: Pero Beb di ba mag take out lang tayo... (mapapansin ang papalapit na waiter)
O ayan na pala ang food natin eh..

MAINE: Ay oo nga pala.. sorry girls ha, may pupuntahan nga pala kami. Maybe next time.. Gusto ko din kasi makilala mga friends dito ng beb ko.

KRIZ: No its fine... May next time pa naman di ba girls? (Baling sa mga kaibigan)

MAVIC and CHEL: Oo naman..

ALDEN: O pano.. mauuna na kami ha..

MAINE: Bye! Nice meeting you. (Ngingiting sobrang sweet)

At lalayo na nga sina Maine at Alden sa mesang iyon.

MAVIC: Ganda pala ng bagong girlfriend ni Den eh. Parang model din.

CHEL: Hindi lang yun, kita mo ang amo ng mukha,parang anghel..

MAVIC: Kaya nga eh, napatulala nga ako nung palapit sa atin.

KRIZ: Tumahimik na nga kayo! Nakakairita kayo ah.

CHEL: Aba nagsasabi lang kami ng observations namin. Masama na ba yun?

SEQUENCE 85
DAY/EXT Car

Pagkaupong pagkaupo ni Maine sa kotse..

MAINE: hmmmmm So "beb" finally nakilala ko na din si babaeng kalawang.. hahahhahahah!!

ALDEN: Sira ka din noh? At gusto mo pang mag join sa kanila.. nang aasar ka lang talaga...

MAINE: Eh kasi naman "beb" binigla mo ako.. wag ganun... camera rolling na pala wala pa akong alam... hahahhahaha! Nakilala ko din ang ex ni Mr. ALDEN RICHARDS na ang chika ng kapatid nyang si Tin ay syang dahilan ng pagliligalig nya.. hahahhaha!!

ALDEN: (medyo napipikon na) pwede na ba, enough of her..

Si Maine na mapapansing napipikon na si Alden eh mang aasar pa din...

MAINE: Napipikon na ang beb ko. (Kikilitiin nya ito sa bewang)

ALDEN: (unti unti ng mangingiti si Alden)
Sira ka talaga.. tara na nga...

At magpapatuloy sa pagmamaneho si Alden..

SEQUENCE 86
DAY/INT office

Lalapitan ni Pao ang assistant na si Miggy.

PAO: Migs okay ka lang?

MIGGY: Oo naman mamu..

PAO: Naag aalala lang kasi ako sa yo dahil sa nangyari sa inyo ni Mavi..

MIGGY: Salamat sa concern mamu, pero okay lang talaga ako.

PAO: Hayaan mo, once na matapos natin tong next fashion show, magbabakasyon tayo... San nga kaya magandang magbakasyon pero malapit lang... hhmmmmm

MIGGY: Mamu di ba may invitation sa atin si Alden.

PAO: Oo nga noh. San nga ba sila sa Batangas?

MIGGY: Sa Calatagan.

PAO: Calatagan? Eh dun din nagbakasyon si Meng ah.

MIGGY: Di ba hindi naman sila magkakilala, so maliit ang chance na magkabungguan sila. Ang laki kaya ng Calatagan.

PAO: Sabagay.... o sige na tapusin na natin ang trabaho para maasikaso natin yang bakasyon na yan.

SEQUENCE 87
DAY/EXT beachhouse

Ipaparada ni Alden ang kotse sa harap ng isang beach house. Bababa siya ng kotse at iikot para pagbuksan naman si Maine.

MAINE: Wow!! Ang ganda naman dito. (Referring sa dagat) kaya naman pala pinagdala mo ako ng swimsuit eh..

ALDEN: I'm glad na nagustuhan mo..

MAINE: Sa family mo din to?

Hindi sasagot si Alden, ngingiti lang na parang may gustong sabihin pero nahihiya lang.. Mapapansin naman ito ni Meng

MAINE: You mean sa iyo to? Wow!! Richie boy ka talaga!

ALDEN: Hindi naman... sabihan na lang natin na halos yung kinita ko in-invest ko dito.

MAINE: Wow ang galing naman ng "beb"ko.

ALDEN: Hay naku at nang aasar na naman sya.. Pumasok na nga tayo...

Maiiwan si Maine na ngingiti ngiti habang pinagmamasdan ang papalayong si Alden.

MAINE: In fairness, bukod sa yummy biceps madami naman palang good qualities ang mokong na ito.

SEQUENCE 88
DAY/INT beachhouse

Pagpasok ni Maine ay maaabutan niya si Alden na hinahanda ang binili nilang pagkain sa restaurant. Mag aangat ng mukha si Alden ng maramdaman ang presensya ni Maine.

ALDEN: O buti naman at pumasok ka na, akala ko balak mo pang magbilad sa araw sa labas eh.. Tara kain na tayo, for sure gutom ka na..

MAINE: Nakakagutom nga eh..( sabay pilyang sulyap sa biceps ni Alden) Hahahahhaha!

ALDEN: Ikaw ha, ayaw mong tumigil sa pang aasar mo, kapag pinatulan ko yang kapilyahan mo, baka ikaw ang sumuko.. wag mo akong iprovoke..

MAINE: bakit "beb"anong gagawin mo? Ha? Ha? Ha? (Pangungulit pa ni Maine) asus... hindi naman kayang ituloy eh.. hahahahah

Biglang kakabigin ni Alden ang ulo ni Maine at bibigyan sya ng not-so gentle kiss...... Si Maine na nabigla at hindi inaasahan ang gagawin ni Alden ay dilat ang matang mapapahawak na lang sa mesa..












My Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon